Marg P. O. V.
"Bes!"
Tawag ko sa besprend kong si Leonor.
Dali dali akong bumaba sa hagdan papuntang sala para sabihin ko sa kanya.
"Oh ano nanaman ba? Gumagawa ako ng thesis dito eh istorbo ka!"
Sabi niya habang nagta type sa laptop niya.
"Grabe ka naman bes! Ikaw na nga tong nakikigamit ng wifi namin eh!"
"Ay. Oo nga oh sorry na. Ano ba ung sasabihin mo?"
Hay di ko alam dito sa besprend ko ganyan yan eh, pakabait minsan kase kelangan niya ng wifi.
Umupo ako sa tabi niya ng MAY MATAMIS NA NGITI SA SOBRANG SAYA KASE!
"May ka eyeball ako mamaya!"
Hawak ko ang phone ko, at binuksan ang fb ko para ipakita sa kanya ung profile ng ka eye ball ko mamaya.
"San mo naman nakita yan?"
"Eto siya oh?"
Sabay pakita ko ng profile.
"Pogi siya, pero baka naman sa profile lang yan ganyan, hay nako ang hilig mo talaga sa EYE BALL EYE BALL na yan. Mamaya ma dale ka mamatay ka ng wala sa oras."
"Ang o.a. naman! Kaya nga isasama kita eh"
"Hoy! Ayoko pang mamatay! Kung gusto mong mamatay ikaw na lang wag mo kong isama. Magpapakasal pa kami ni JAMES REID!"
Pang aasar niya. Hay nako ewan ko ba sa kaibigan kong to kainis!
"Grabe ka naman bes! Syempre pag namatay ako dapat sabay tayo para FRIENDSHIP GOALS ayaw mo nun? Friendship goals? Tsaka may NADINE LUSTRE na si James Reid noh?"
"Che! Friendship goals raw, hindi pa ko tapos sa thesis ko, ikaw tapos ka na ba? Di kita sasamahan BAWIIN MO UNG SINABE MO SAMIN NI JAMES REID!"
"Oo tapos na ko, kahapon pa hahahaha. Di kase ako katulad mong TAMAD ahahahaha. Ano sasamahan mo ba ko mamaya? Lilibre kita sa Starbucks pleasee..Oo na asawa mo na si JAMES REID"
Pag mamakaawa ko sa kanya.
"Talaga lilibre mo ko? Sige sama ko!"
"Yes thanks bes!"
Niyakap ko siya. Minsan talaga mapapakinabangan rin tong bes ko eh ahahahaha
Grabe ano kayang hitsura ng ka eye ball ko mamaya bwahahaha
"Teka, anong oras ba kitaan niyo ha?"
"Mamayang seven pm sa KFC raw dun sa kanto malapit lang naman KFC dito diba?"
"Oo. Baka malapit lang un dito lagot ka pag hinoldap tayo ah?"
"luh? Holdap agad hay o.a. mo talaga bes!"
"Basta walang iwanan."
"Oo na walang iwanan."
"Promise mo yan?"
"Promise."
Tinaas ko pa ang kanang kamay ko para lang manumpa sa harap ng babaeng to.
"Ok. Siguraduhin mong hindi tayo papatayin niyang ka eye ball mo ah?"
"Yes sure ako. Kukuha ako ng body guard."
"Luh? Imposibleng may body guard ka sa DUKHA mong yan? Nakakatawa naman to. Anong body guard mo aso? Asa ka namang ipagtanggol tayo ng ASO mo? Tsaka wala ka ngang aso eh."
Hay jusko patawarin...kaibigan ko ba talaga to?
"Hindi ko talaga alam kung kaibigan kita eh. You didnt support me talaga eh."
Tumingin ako sa relo ko sa dingding.
"Six thirty na pala bes magbibihis lang ako ah?"
"Wait..."
Kumuha siya ng papel sa bag niya na parang LISTAHAN
"May listahan ako para sa mga paraphernalias natin para ligtas tayo ok?"
"Ok bes oo na lang ako."
May kinuha rin siyang ballpen sa pencil case niya.
Ano nanaman bang binabalak ng babaitang to?
"Tear gas check!"
Sabi niya at chinekan ng pink na ballpen ung listahan niya.
Nilabas niya rin ung tear gas.
"Punyal check!"
Naglabas siya ng punyal.
Hay o.a. pero ok na rin para laging handa.
"Ice Pick check!"
Nilabas niya rin ung ice pick niya.
"Pepper Spray check!"
Nilabas niya rin sa bag niya ung pepper spray.
"Ano bang gagawin mo dyan bes? Kelangan talaga may ganyan tayo?"
"Bes naman, syempre. Iba na ang panahon ngayon bes."
"Cutter check!"
Nilabas niya naman ung cutter.
"Bes, lagi kang may dalang ganyan?"
"Oo. Para always ready."
"Sus akala mo naman may manggagahasa sayo dyan sa kanto eh noh?"
"Ewan ko sayo! Maghanap ka ng kasama mo ah!"
Bipolar rin tong kaibigan ko noh?
"Joke lang. O sige lang i ready mo lang yan at magbibihis lang ako sa taas ah?"
"Ok. Ung videocam i ready mo na ah? Para ebidensya ah?"
"Ahahaha oo na!"
Umakyat ako sa taas namin.
Binuksan ko ung cabinet ko.
Ano kayang magandang suutin?
Hmmm...
"Maganda kaya tong suutin?"
Sabi ko habang tinitignan ung damit kong hawak.
"Ay wag na lang masyadong maiksi eh. Hmm..alam ko na! Jeans na lang ako."
Nag suot ako ng jeans, at polo shirt.
Dali dali akong bumaba.
Pumunta ako kay Leonor.
"Ano bes? Ok na ba?"
"Oo bes ok na! Tara na dali!"
Mabilis naming ni lock ang pinto at gate at dali daling umalis.
YOU ARE READING
When Ms. Assumera meets Mr. Pa Fall
Novela JuvenilAngelo Guerro 'Gelo' for short. Ang lalaking mapaglaro sa mga babae, pa FALL siya at paasa, lahat ng babaeng nagmamahal sa kanya sinasaktan niya lang. Margie 'Marg' for short. Ang babaeng assumera, umaasa na balang araw ay mamahalin rin siya. Pag si...