PROLOGUE

46 5 0
                                    


Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or events is purely coincidental.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi Everyone! This is my second story. I hope you will give this your love and support, too! Thank you so much!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


"Celeste, ready ka na ba?" Tanong saakin ni Alice na isang staff dito sa studio.


"Yes, Pero hindi niyo pa pinapakilala saakin kung sino ang iinterviewhin ko? At bakit kailangan In-person?" Kunot noo kong tanong kay Alice, pag kasi In-person madalang lang na ako yung humaharap sa tao, ayoko din naman makipagplastikan lalo na nasa script lahat ng itatanong ko. Ako ang madalas nag-aayos ng script ko, pero ngayon sila ang nag-ayos.


"Mamaya makikilala mo! Bumisita kasi siya dito satin ayaw naman ni direct ng ibang reporter siguro sayo lang siya nagtitiwala." Napatango naman ako sa sinabi niya. Inaayusan na din ako, kaya ko naman mag-ayos sa sarili ko pero OA lang talaga sila dito kailangan daw maayos ang mukha, mukha bang magulo ang mukha ko?


Sikat daw ang bumisita saamin, madalas kasing bisitahin ng mga turista ang Bataan, bukod sa maganda ang mga papasyalan, maganda din ang tanawin. Kapag may mga artistang bumibisita ako ang hinaharap nila dahil sa mga katanungan ko daw na magaganda, at hindi peke ang pinapakita kong ngiti sakanila. Mahirap maging reporter pero ito ang gusto ko simula palang nung bata ako, ngayong nakuha ko na hanggang sa pagtanda magiging isa akong tapat na reporter dito sa Bataan.


Nang matapos akong ayusan, pumunta na kami sa set kung saan ako magiinterview sa isa daw sikat na bumisita dito, isa sa magandang ugali nila dito ay mapasikat o hindi, gusting gusto nila kinukuhanan ng opiniyon. Siguro para na din sa ikakaunlad ng lugar namin, kumpara sa ibang mga lugar madalas na maraming bumibisita dito, kaya gusto din ng government na mas mapaganda pa ito lalo.


"Ready ka na ba Celeste?" Tanong saakin ng director.


"Yes, nabasa ko yung script pero walang nakalagay na name?" Tanong ko sakaniya.


"Yeah, hindi ko na pinalagay, tutal kilala naman natin siyang lahat." Nakangiti niyang sagot, tanging tango lang ang sinagot ko sakaniya.


Nakayuko ako at binabasa ulit ang script, madali lang naman ito din mga usually natatanong ko sa ibang bumibisita dito. Pero bakit ko pa kailangan alamin ang personal na buhay niya, katulad ng bakit siya bumalik ng Pinas? May girlfriend na ba siya? And such. Kakaiba din naman talaga ang fans niya, kailangan alamin lahat kung anong nangyayari sakaniya, sabagay kung mahal na mahal mo talaga iniidolo mo gusto mo malaman ang tungkol sakaniya.


"Ma'am, dumating na daw po siya, retouch ko lang kayo saglit." Tumango ako sakaniya, at pumikit. Naamoy ko din naman ang pabango niya at ang iba ay nagtumitili kaya alam kong nandito na siya.

Broken Dreams and Mended Hearts (ON-GOING)Where stories live. Discover now