Dear H.
Oo ikaw nga, naalala ko kung san tayo unang nagkakilala sa anak anakan mo, nireto ka nya sakin, hindi pala nireto katxt pala ang bigay nya, siguro isang buwan tayong naging txtmate nung hanggang sa nagka "Ilove you" han na pabiro, tapos nauwi sa totohanan, sabi mo mahal moko, sabi ko rin mahal kita, akala ko ikaw na talaga, kase biruin mo? Nagpapalano kaming magbabarkada na kasama ka? Pero ngayon wala. Kasi diko alam e, ikaw yung unang hindi nagparamadam, unang nakalimot, unang nambaliwala? Tinxt kita ng "Ilove you mahal" sabi ko pag nagreply ka, MERON pang tayo, pero wala e, dika na nagparamdam? Alam mo ba nung time na yun? Umiiyak ako? Iniyakan kita. Bakit? Kasi mahal kita, diko alam kung anong nagyari bat napunta sa ganun? Wala naman akong ginawa? Nagbago ako para sayo? Yung sabi mo masyado akong isip bata? Tinanggal ko yun, kase ayokong yun na naman yung pagawayan natin. Pero wala e, bigla ka nalang nawala ng walang pasabi, ang sakit e, kase nawala ka nang walang sinasabi sakin.. Nakakainis lang kasi nasaktan ako.. Alam mo ba? Diko inamin sa nga kaibigan ko yun? Yung nasaktan ako at umiyak? Diko inamin yun.. Inamin ko lang yun nung huli na..
-A