Alam mo H, nung tinanong ka nung kaibigan ko kung kamusta ka? Ang sabi mo "malabo e, malabo na" alam mo bang nabuhayan ako dun? Umasa ako na tayo yung tinutukoy mo? Na tayo yung malabo? Akala ko may pag-asa pa? Akala ko maayos pa? Yun pala AKALA ko lang, alam mo nung isang beses inistalk kita, pero nagsisi ako kung bat ko ginawa yun? Alam mo ba kung bakit? Kasi nakita ko yung mga post mo? Na ang saya saya mo nga e, siguro nga nakamove on kana, or wala lang talaga sayo yun, yung tayo? Kung meron man nga para sayo, nakita kita kung gaano ka kasaya, siguro nga time na, para mag MOVE ON na talaga ako ng tuluyan for real, ayoko na rin e, ako lang kasi yung paulit ulit na nasasaktan, ako na kang kasi yung umaasa pa sa What if maayos pa? Pero yung totoo wala na talaga, ako lang kasi yung talo sa bandang huli.. Alam ko na yung feeling, astig lang ang galing ko kasing magadvice sa iba, pero sa sarili ko hindi ko magawa.. Naisip ko bakit sa iba nagagawa ko? Bakit sa sarili ko hindi? Ang unfair lang ikaw yung unang umamin, ikaw yung nagsabing mahal mo ko, tapos sa bandang huli ikaw din pala yung unang mangiiwan at makakalimot, manhid ako kung diko aamining nasaktan ako, sobra mas masakit pa to sa ginawa ni A kase ngayon nalang ulit ako nagmahal ng ganto e, pero sa mali tao pa. Ang unfair mo! Kasi parang wala lang sayo pinagsamahan natin, alam mo bang naiinis ako sayo, napakagago mo e, pero kahit naman sumbatan kita o mainis ako sayo? Wala naman nang magagawa yun e. Wala na, Kasi nga wala ka nang pakielam.. Masakit kasi ang bilis mong itapon lahat. Siguro nga dimo talaga ako minahal, siguro nga PASTIME lang ang tingin mo saken.
-A