Bakit nga ba? (one-shot)

99 4 5
                                    


(A/N: This is considered as the part 2 of my other one shot "Paasa nga ba?". Hope you'll enjoy reading)

×××××

Hello! Akala niyo siguro, tapos na yung pagbibigay niya ng motibo no? Well, hindi pa.

Hindi pa nagtatapos ang istorya namin ni JD.

~~~

Maaga akong nagising dahil sa sobrang pagka-excited ko para sa Christmas namin. As in! Paano ba naman kasi, excited din ako sa isusuot ko. Jumpskirt, Pink off shoulder and a White Superstar Adidas. Oh diba?

Maaga akong pumunta ng school. Pero actually, late na nga yun eh. 7:10 na kasi ng umaga and yet, wala pa masyadong tao sa school. Hays, sabagay. Party eh.

After ilang minutes, nagsisimula na rin silang magdatingan at kasama na si JD doon. Ang nasa rules ay dapat blue sa lalaki at pink sa girls but JD didn't obey that. Naka white polo siya, white pants and blue Nike air. Well, sumunod pa rin naman siya. Sapatos nga lang ang blue sakanya.

He is so handsome on that day. At dahil dun, mas nahuhulog lang ako sakanya. I am falling for him deeper and deeper everyday.

When the first game came, sack race. Hindi siya sumali pero ako? Gora!

Nakakahiya nga kasi nanonood siya.

Next is the Calamansi relay. Eto na, dito na nagsimula.

Siya ang kasunod ko sa linya. Mauuna muna ako then siya. Habang nagpre-prepare yung adviser namin ng prices, kinausap niya ako sabay sabing...

"Selfie nga tayo."

So ako, medyo nagulat pa. I even pointed at myself at tinanong siya kung ako yung kausap niya and he answered yes.

I am so happy that time. Dahil for the first time in forever, siya ang nagyaya na mag-picture kami. Kadalasan kasi ay mga friends ko ang nagsasabi na mag-picture kami.

Then when the game started, I must say na hindi talaga ako magaling dito. Idagdag mo pa ang pagka-tensed ko dahil siya ang papasahan ko nung calamansi. At dahil sakin, natalo ang grupo namin.

Next is the stop dance. Hindi nanaman siya sumali pero ako? Gora ulit.

Habang nagi-stop dance kami, kinakantyawan ako ng mga friends ko na hindi kasali na gumagalaw daw ako which is not. Pero nung yung isang classmate na namin yung nagsabi na gumagalaw ako, ayun natalo ako.

Umupo ako kaagad sa tabi nung dalawa kong best of friends na itago natin sa pangalang Yena at Arvs.

"Uy bes. May sasabihin ako."

Yan agad ang bungad saakin ni Yena kaya naman na-curious ako.

"Ano yun?"

Lumapit siya saakin para ibulong.

"Wag ka perong titingin kay JD ah? One seat apart lang kayo." At dun ko nga napansin na one seat apart lang kami. Tumango naman ako at sabi ko ay ibulong niya na yung ikwekwento niya.

"Kasi bes, habang naglalaro kayo kanina ng stop dance, may napansin ako kay JD. Bes, laging ikaw yung napapansin niya! Sabi niya, gumagalaw ka daw, gumagalaw daw mata mo, gumagalaw daw kamay mo, natatawa ka daw, nanginginig ka daw. Ayun! Eh marami namang gumagalaw din, bakit ikaw lang ang napapansin niya?"

I was stunned on what he've said, totoo ba yun?

At first, di ako naniwala but in the end, naniwala rin ako.

Next is nung hapon na after lunch. Guessing game yung laro. Ako na yung magpapahula kaya tinawag na ako ng adviser namin.

Take note, kasali si JD sa team namin ha?

Then habang sinasabi saakin ng adviser ko yung papahulaan ko, nagulat nalang ako nang makitang nasa tabi ko na si JD!

Kaya naman..

"Oy, kasali ka sa game diba? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ako kasali no."

My brows ceased. Parang kanina lang eh nakasagot pa siya eh tapos ngayon, sasabihin niyang hindi siya kasali? Gulo ha.

After that game, the boat is sinking naman. Well, this is probably my fave game.

Wanna know why? Here, ikwekwento ko.

Nung sabi ng adviser namin na 'The boat is sinking' ang lalaruin, agad kaming nagkumpulan ng mga squad ko but I was surprised when JD go to my side. As in tumabi siya saakin.

May skinship na kami kaagad ni JD nun. Braso to braso. Aheeee.

"The boat is sinking, group yourselves into..."

Nagdaan ang maraming numbers, hindi pa rin kami naa-out.

But ngayon..

"The boat is sinking, group yourselves into seven!"

Nagkumpulan ulit kami and JD is in my left side. Nagulat ako nang bigla niyang i-clung yung braso niya sa braso ko pero naalis din yun. Was just an accident? Or nah?

Ipinagsawalang bahala ko nalang yun because baka aksidente lang yun. Nakipagpalitan siya saakin ng pwesto and now, he's on my right side.

"The boat is sinking, group yourselves into six!"

Enjoy na enjoy akong maglaro. Pabiro ko pang tinulak si Yena kaya inirapan niya ako. But my world stops when I felt a hand on my shoulders. Mahigpit ang hawak niya doon at mas pinalapit pa niya ako sakanya.

Literally, natigilan talaga ako. I dunno what to act anymore. Sobrang marami na ang feels ko that time. Dahil all of these years, this is the first time na inakbayan ako ni JD. Gosh.

~~~~~

Simbang gabi. Kinabukasan.

May project kasi kami sa CLE and magaganap yun this simbang gabi. Mamimigay kami ng pandesal ang juice sa mga nagsimba.

At first, akala ko ay hindi siya pupunta because masyadong malayo yung bahay nila but hell, I was surprised when I saw him on that night.

Nag-stay siya doon sa table kung nasaan yung mga foods while me, sa table kung saan kami nagsusulat ng 'Merry Christmas!' para ibigay kasama nung foods.

After a couple of minutes, the mass started at naiwan kami sa labas para magbantay. Well, may kasama naman kami kahit papaano.

Andun sa pwesto ni JD yung ka MU ko dati na itago natin sa pangalang Kharles.

Dahil tapos naman na yung ginagawa ko at nagtsitsismisan lang sa table na yun sina Han, Rus at Kiyo ay nagpunta ako sa kinaroroonan ni JD para i check kung okay na yung mga foods.

Pero andun si Kharles kaya pabiro ko siyang tinignan ng masama. Nang makarating na ako dun ay nagsalita siya,

"Ang sungit mo naman." Kharles said.

"So? Paki mo?"

"Kahapon ka pa ning Christmas party ah, sungit mo sakin." Sumbat nanaman niya.

Sasabat pa sana ako when one of my classmate teased us by saying 'ayyiiiee' kaya dahil sa hiya ay inis kay Kharles ay tumalikod nalang ako.

Nang maramdaman kong wala na si Kharles ay lumingon ako uli but to my surprise again, I saw JD looking at me intently. Nakapameywang pa siya at kung hindi ako nagkakamali at sa hindi naman pag-aassume but I saw in his eyes the he was hurt? Am I right?

"Tinitingin-tingin mo diyan?" Pagmamataray ko para mawala yung kaba ko.

Tinignan niya pa ako ng saglit, not breaking our eye contact bago siya umiling at sinabing..

"Tsk tsk tsk."

Umalis siya doon kaya bumalik nalang ako kina Rus na gulong gulo.

Bakit siya ganun? Bakit ganun ang reaction niya? Why?

Bakit nga ba?

~MichKimZhangMinLee

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bakit Nga Ba? (one-shot)Where stories live. Discover now