This is a usual story of boy meets girl. It's just that it happens all the time.
Kaith's POV
"Oo, papunta na ako diyan!" Sigaw ko kay Ella, best friend ko.
"Matagal pa ba 'yan? Hayaan mo na ang ibang officers na gumawa nyan!"
"Andito na. Ano ba kasi yun?"
"Mister and Miss Intramurals ngayon, Kaith. Humanap tayo ng mga papi!"
"Oh my gosh, Ella. Para sa lalake, pinahinto mo ako sa ginagawa ko?"
"Tsk. Nahiya ata ako eh. Sino ba itong mayroong limang crush? Baka kasi makatulong ako sa pagdagdag ng lima pang crush mo."
"Ok fine. Punta na tayo sa auditorium at parang nag-uumpisa na ata yun."
Tumakbo kami papunta sa auditorium. Umuulan pa nga. Malas naman to oh.
"Good evening, everyone. I am David Ezekiel Morales, 17, and your future Mister Intramurals." Nagsigawan na ang mga tao sa loob. "And by the way, you can call me...anytime."
"Wooooh! Go number 3!"
"David Ezekiel Morales, akin ka na lang!"
"Ella, dito tayo!" Tinuro ko yung upuan malapit sa stage. Nandito rin sina Marie, Jacob, at Matt. Mga kaibigan ko. Oo nga pala, Grade 10 students na kami.
"Op, Kaith! Op, Ella! Bakit late kayo nakarating?" Tanong sa amin ni Jacob, the happy-go-lucky and problem-free guy sa amin.
"E kasi naman itong si Kaith, ayos pa ng ayos sa office. May event pa kasi bukas so busy busy rin."
"Hmm. Hirap talaga pagpresident ng student council no?" Tanong naman ni Marie, best friend ko since grade school at girlfriend ni Jacob. Tumawa na lang ako pero deep inside, naiiyak kasi totoong pagod at hirap na hirap na akong maging presidente.
"And now...Our top 3 finalists are about to conquer the most awaited event of the pageant, the answer-and-question portion. But, first, we will have a production number from the EKS or Error Kool Squad!"
"Ganda talaga sumayaw ni Sandro noh? Hot pa." Bulong sa akin ni Ella. Sus, si Sandro? Bait rin yan. Kasama ko sa student council at ka close ko rin. Dancer since birth ata yan eh. Parang walang buto.
"Sino yung babaeng nasa likod?" Tanong ni Matt, ang taong napakaraming sikreto, minsan lang kasi nagsasalita. Pero, good luck kapag nalasing yun, siguradong madaldal yun.
"Type mo no?" Sabi ko. At nakangiti lang siya.
"Let us now call on our first contestant, number 3, please move forward."
"So, how are you feeling today, David?"
"Is that the question already? How easy. Hehe just kidding. I'm feeling good all day, all night. I'm getting cold feet but, I love what I am doing right now so erase the nervousness."
"That's a good point. Nice energy you got there, David. So please pick a judge." Bumunot na siya. "Judge number 1. Mister Samuel Reyes."
"Good evening, David. Here's your question and it requires the audience's participation. If you could choose a girl in the crowd and make her feel special just by looking at her and saying short but sweet words, who will it be at what would you say to her? You could invite her up on stage."
"Thank you for that question. If I were to pick one girl from the crowd," Nagtitiliian na yung mga babae, at kahit mga lalaki habang bumababa si David, isa sa mga heartthrob ng batch namin. "I would pick...hmm." Lumilingon-lingon pa siya at pumunta sa direksyon namin. "Our dearly lovely president, Kaith Castro. May I invite you on stage?" Hala ano na naman ba to? Pero siyempre, para sa contest, pumunta na ako sa stage.
"You go girl!" Sigaw ni Ella at Marie.
Nasa stage na kami at sinabi niya pa, "Miss President, you never fail to make me smile. And here's a poem for you. I asked God for a flower, He gave me a bouquet. I asked God for a minute, He gave me a day. I asked God for true love, He gave me that too. I asked God for an angel, He gave me you. Thank you." Nagwink pa talaga si David. Aww, how sweet naman yung poem.
"Aww! Bagong love team na ba to? Thank you for your participation, Miss Castro. And thank you to our ever sweet and thoughtful contestant number 3. Now, let us proceed to contestant number 5!"
—
please vote and comment! thank you. all the love ;)
BINABASA MO ANG
Mistaken Prince
Romance"Nagmahal. Nasaktan. Nabigo. Hindi pa rin maka-move on." Paulit-ulit ko naman itong ginawa. Pero, what if may isang lalaking nakilala ko. Akala mo siya na, pero hindi pa pala. Handa ka bang ipaglaban kahit na hindi mo alam kung siya na nga ba? Pa fa...