Chapter 3

37 0 0
                                    


Kaith's POV

"Omg Kaith! Kilig to the bones talaga kami!"

"May chemistry talaga kayo!"

"He's your Mister President!"

"KaiVid for the win!"

Feeling ko parang artista na ako pagbaba sa stage. Joke lang. Pero seryosong usapan, nagulat talaga ako kanina. Hindi naman sa di ako naniniwala sa pinagsasabi ni David pero sa usual school days, hindi naman kami nag-uusap eh. Seatmates lang naman kami sa classroom, yun lang at yun lang dapat.

"Kaith, paki-explain nga ano yun sa itaas?" Tukso sa akin ni Ella.

"Ano ba dapat ang ipapaliwanag ko dun? Wala namang namamagitan sa amin ah."

"Sana nga wala." Bulong niya, pero narinig ko pa rin.

"Ano Ella?"

"Ah wala. Bagay kayo ha."

"Pwe. Iba pa rin ang gusto ko. Hahaha."

"Are you ready everyone? The winner of this year's Mister and Miss Intramurals are contestants number..."

"Three! Go papi david!"

"Four! Mahal kita FOURever!" Nakita ko yun sa mga cartolina ng mga babae sa lower years.

"Number three and six! Congratulations, David Ezekiel Morales and Shai Sy! Those who wanted to take a picture with the contestants, you may come on stage."

"Omg! Nanalo asawa ko! Huhuhuhuhu!" Sigaw ni Marie, crush ata si David eh.

"Hindi naman ako sumali, ah?" Tanong ni Jacob.

"Asawa ba kita?"

"Ooooh! Savage!" Sigaw ni Ella.

Pumunta na kami sa stage at para makapicture sa mga nanalo. Syempre maraming nagselfie kay David. Stampede nga eh. At di ko inakalang madadapa ako. Ikaw ba namang itulak nang malaking babae sa likod mo.

"Araaaaay!" Sigaw ko. Sobrang lakas siguro at narinig ito ni David.

"Uy, sandali lang. Excuse me po. Excuse. Kaith, okay ka lang ba?" Tinulungan ako ni David makatayo.

"Ah oo. Nawalan lang siguro ako ng balance. Hehe bilis kasing ma fall." Tinuro ko pa sarili ko.

"Sa akin?"

"Huh?"

"Ah wala. Picture tayo?" Kinuha niya ang cellphone niya at nagselfie kami. Todo tilian naman ang mga tao sa likod.

"Haha. Thanks pala kanina ha? Di ko yun na expect."

"Ah wala yun. Matagal ko nga gustong sabihin yun sa'yo eh. Kaso bad timing palagi. Mabuti at friends kami kanina ni timing. Hahaha"

"Patawa talaga tong si David. Congrats pala! Sige mauna na ako at marami pang nakapila sa picture taking oh!" Kumaway naman ako sa kanya.

"Thank you. Sige, ingat!"

"Hiyang-hiya naman ako sa 'na fall. nagselfie.' How to be you po?" Sabi ni Jacob.

"Tanga!" Pagkasabi ko nun, may humawak sa balikat ko.

Paglingon ko, "Uy! Gusto mo magcoffee? Bagay sa panahon kasi." Si David pala.

"Baka may gagawin ka pa. Okay lang ako, uuwi na rin kasi ako pagkatapos eh."

"Hmm. Hatid na kita?"

"Ay huwag na. Magagalit si Tita Daisy kapag ganyan. Sge uwi na kami, bye!" Sabi ni Ella.

"Tsktsk. Damoves talaga ni Ezekiel." Sabi naman ni Jacob.

"Works all the time." Sabi ni Matt.

"Palagi niya bang ginagawa yan sa mga babae, Matt?"

"Three-fourths na ata sa batch natin eh."

"Huy ugok. Sobra ka naman. Once lang ata nagkagirlfriend yun eh." Sabi ni Ella.

"Ahhhh." Pagkasabi ko nun, nandyan na pala yung sundo namin ni Ella. Kapitbahay ko siya at mga momsies namin ay kumare.

"Bye, guys! See you bukas!" Kumaway na ako sa kanila. Ganoon na rin si Ella.

"Hi ma! San tayo punta pagkatapos?"

"Nako Kaith, uuwi na tayo. Umuwi kasi si Bubot. Walang tao sa bahay eh. Gusto mo bang kumain sa amin, Ella?" Si Bubot pala, maid namin. Naku, baka may boypren na yun. Palaging wala sa bahay. Haaay, buti pa siya.

"Ay huwag na po Tita. Ngayon kasi uwi ni Daddy galing sa Dubai, sa labas ata kami magdidinner."

"Ella, sino nga ba yung summer boy mo? Yung boyfriend mo na hindi mo pa pinapakilala sa akin."

"Ah wala yun. Ba't mo napatanong?"

"Naalala ko lang. Hmm clues na lang."

"Maputi. Mabait. Mataas. Gwapo. Sikat. Mahal ko."

"Naks. Inlove talaga si ategurl. Parang kilala ko na ata eh. Si Ezekiel ba yan?"

"Si David? Hindi ah!" Hindi raw pero namumula yung pisngi.

"E parang naglalaway ka nga kanina eh. Kulang na lang puntahan mo siya sa stage at halikan."

"Hoy sobra ka naman, Kaith! At tsaka, sa'yo na yun. Dinala ka pa nga sa stage."

"Ehem ehem. Sino ba yang pinag-uusapan niyo?" Wika ni Mama.

"Ah wala po, Ma. Isang lalaki lang naman."

"Pero baka isang lalaking magbabago ng buhay mo." Pati ba naman si mama? Anong nangyayari sa inyo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mistaken PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon