LoveLater, See you. I love you so much.
***
Nasa harap ako ng salamin, tinitingnan ko kung okay na ang suot kong dress. Its a simple vintage style dress, na bagay sa sling bag na gift ni Jacob sa akin. He said, he will pick me up at 6pm, but almost thirty minutes na hindi pa siya dumadating. Tinatawagan ko siya pero di sumasagot.
Fifteen minutes after, tumawag na din siya. Excited ako pero biglang nawala dahil hindi si Jacob ang boses sa kabilang linya.
"Ate?", its Jacob's elder sister Julie on the other line.
Narinig ko ang mahaba niyang buntong hininga, bago siya nagsalita. Malat at nanginginig pa ang boses niya.
"C-can you go here?" She said.
Kinabahan na ako. Bakit ganun ang boses niya? Anong nangyari? Anong nangyari kay Jacob? Bakit siya ang sumagot?
"Where? Is there something bad happen, ate?" Di ko mapigilang maluha dahil sa kaba.
"Itetext ko sayo yung lugar. Please, come here as soon as possible." Then he ended the call.
Nakarecieve ako ng text message
"Hospital?" Why on earth sa ospital? Anong nangyari? Naaksidente ba si Jacob? O si tita?
Hindi ko na maintindihan, dali dali na akong umalis ng flat ko para pumunta sa tinext ni Ate Julie. Pagkalabas ko ng bahay ay agad ako naghanap ng taxi. Sa araw araw na dumadaan ngayon pa na walang taxi na dumadating at kung kelan ka pa nagmamadali.
Almost forty minutes na ako palakad lakad at naghahanap ng taxi bago ako nakasakay, sinigawan ko na si manong driver na bilisan ang pagmamaneho dahil urgent ang pupuntahan ko.
Nang makarating na ko sa ospital na tinext ni ate Julie, hinanap ko sila, nasa labas sila ng ER, agad ko hinanap si Jacob at si tita, kung sino ba sa kanilang dalawa ang nasa loob ng ER, pero hindi ko nakita si Jacob na nasa labas. Si Ate Julie, Kuya Vin, Si Tita at Tito ang andun lang sa labas at nag iiyakan. Agad akong nakita ni Tita.
"W-what happen? W-where's Jacob?"
Lalong tumangis si Tita. Tumulo ang luha ko. Hinawakan ni Ate Julie ang mga kamay ko, at hinila ako papasok ng ER.
And then, I saw him there lying with blanket over his body.
Napahawak ang kamay ko sa bibig ko.
"Sino yan?"
Niyakap ako ni Ate Julie.
"Yani.. He's.. He's... I'm sorry!"
"N-no!!"
Agad akong umalis sa pagkakayakap ni Ate Julie at pumunta sa katawan nanakabalot ng kumot, at inalis iyon para malaman kung siya nga.
At ang oras na iyon sa akin ay tumigil.
Lifeless body of my Love.
"Ja-Jacob? Wake up. It's me. Love? Love?.. wake up? Please! Please! Wag kang magbiro! Jacob! Please! Wake up!", Niyugyog ko ng niyugyog ang katawan niya pero hindi siya gumigising, ni hindi siya nagrereact.