Mam Yani,Good PM. Kelan ka papasok? Tinanong ni Chief Nurse.
Ma'am Jane
***
Its his 40 days. Tapos ng dasalan ang puntod niya, nagpaiwan ako.
"Love, do you remember you said na what if bigla kang mawala?..
.. na hindi ako iiyak at tatanggapin ko kahit ano man ang mangyari? Nagpromise tayo nu'n na kakayanin natin kahit wala na ang isa't isa. At kaya nawala na ang isa ay dahil tapos na ang misyon niya.
Tapos, sinabi pa natin na hahanap ng ibang partner na tutulong na matapos ang misyon sa buhay. Noong sinabi ko yon ang sabi mo sa akin na nagmature na ako, at proud ka sa sinabi ko."
"Pero Love, Sorry. K-kasi..
hindi ko kayang gawin yung promise na yon. Hindi ko kayang kalimutan ka. Hindi ko kayang palitan ka. Hindi ko kayang hindi umiyak araw araw, nasanay na ko na kasama ka eh. Nasanay akong nasa tabi lang kita. Nasanay ako na may nagpapalakas ng loob ko. Nasanay akong mahalin ka ng buo. Hindi kita kayang pakawalan.Naiinis ako, kasi ang daya daya mo. Walang pasabi, as in nawala ka na lang bigla. Ang saya pa kaya natin noon. Ang saya pa natin magkausap sa telepono, tapos yung saya na pala na iyon, iyon na pala yung last. Ang daya.
Hindi ko kaya. How can I say goodbye to you, Love? How?"***
Nagresign na ako pinapasukan kong ospital. I wanted to live life independently. Im stopping my self from being a nurse. Nagtayo ako ng online business at sumali sa networking. Naging okay naman iyon at nagagawa ko lahat ng gusto ko at hawak ko pa ang time ko.
Malapit na magbabang luksa, ilang weeks na lang. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin paano ko siya ilelet go. Paano ko ilelet go ang taong mahal ko at tanging lalaking minahal ko sa buong buhay ko.
Last week, sabi ni Tita, na subukan kong makipagdate sa iba, para sanayin ko ang sarili ko na wala ng Jacob sa buhay ko. Subukan ko daw ulit umibig, bata pa naman daw ako.
Gusto ko man ding subukan na humanap ng iba, pero naiiwan pa rin yung alala ng nakaraan. Nakaraan na kay saya, nakaraan na kami pang dalawa at magkasama. Nagsasabihan ng pangarap at plano para sa kinabukasan. Walang ibang tao na papantay kay Jacob, dahil si Jacob lang ang tanging mahal ko.