One

2 0 0
                                    

Lois Point of View

"Maam, wala na po bang ibang paraan para hindi 3.5 ang grade ko?" pagmamakaawa ko sa professor namin sa chemistry 


"Hay nako Keenen, tataas sana ang grades mo kung di kita nakikitang naka salpak ang earphones sa tenga at di nakikinig sa klase ko" at pumasok na siya sa loob ng faculty


Oo na gets ko iniisip niyo. Ang sama kong estudyante. Alam ko namang di rin ako tatanggapin sa langit so whats the different? Charot.


Hindi ko naman kasi sadyang naging mannerism ko na laging naka salpak sa tenga ko yung earphones ko kahit walang tugtog. Pasado naman ako sa exams and quizzes ko pero pinagpipilitan ng panot naming prof na ang disrespectful ko daw dahil di ako nakikinig. Sino bang nag sabing di ako nakikinig? Sa susunod airpods na talaga bibilin ko para di na halata sa kanya


Natapos ang ilan ko pang klase at may ilang minuto akong bakante kaya andito ako sa library para tumambay kasama ang dati kong mga kaklase at nag kkwentuhan. Hindi na namin binalak lumabas ng campus dahil ang bawat isa may maigsi lang ang mga bakanteng oras


Napatingin ako sa orasan ko at almost 1:40 na at ang sunod kong klase ay alas dos kaya naisipan ko nang mag paalam sa kanila.


"Bye" paalam ko sa kanila


"Bye!" sabay sabay nilang sabi at medyo napa lakas iyon


"Shhhhhhhhhhh" sita nung masungit na librarian, tinignan ko lang siya ng masama at lumabas na


Pagka labas ko ng library nag iisip ako san ang susunod kong klase.


"HOY TABIIIIII!" *boogsh*


A-aray letche. Na hit and run ata ako. Tumakbo lang yung naka bangga sakin. Teka nasa hallway kami ah bat sila nag tatakbuhan?


"Hoy Mark hintayin mo kami!" Rinig kong sigaw sa dulo ng hallway tas may tunog din ng pag takbo. Agad akong gumilid dahil baka mabangga din ako


Nung malapit na yung sumigaw may kasama pala siya. Tawa sila ng tawa habang tumatakbo, parang mga tanga. Nung nalagpasan na nila ako. May nakita akong humahabol sa kanila. Yung panot naming professor na nambagsak sakin


"Mr. Tan, Torres at Lee! Hoy mga bata." Sabi niya habang nag hihingalo dun sa isang gilid. Lalakad na sana ako pero tinawag niya ako


"Miss Keenen. Pwede bang pahabol nung tatlong estudyanteng yun? Please gagawin kong dos subject mo sakin kapag naibalik mo sakin yun" agad namang nag ningning yung mata ko


"Eh pano po kung di ko nahabol?" Tanong ko


"Edi tres ka lang! Hala sige habulin mo na!!" Pag kasabi niya nun tumakbo nako. Hinabol ko yung tatlo. Pero malay ko ba san napadpad yun tss


Pumunta ako sa open field. WALA. Sa canteen. WALA. Pati roof deck WALA. jusko san ko ba mahahanap yung mga yun. Konti nalang time na.


Sumuko nako sapag hahanap at nakaramdam na naiihi ako. Pumunta ako sa cr ng girls. Ng maka raos nako ay agad akong lumabas. Pero habang nag palabas ay may narinig akong mga boses sa may stockroom banda


"Hahahah bagal talaga nung tandang yun!" Rinig kong tawa ng isa


"Hoy bilisan mo nga dyan at para di na tayo maabutan nung panot" rinig ko pang sabi ng isa


"Ano ba Jaeson ako namaaan! Mamaya kana Mark"


Narinig ko na yang Mark na yan eh. Pero di ko alam saan. Ulayanin na ata ako.


Pake ko sa kanila? Kailangan ko ng makaabot sa klase ko. Dahil may quiz pa kami-- teka yung mga pinapahanap ni prof! Aish sabihin ko nalang nowhere to be found na kanina


Dumeretso nako sa klase ko dahil may quiz kami ngayon. Buti naman wala pa yung prof


Umupo ako sa bandang dulo dahil wala naman akong ka close dito. 2nd year na kasi namin at paunahan ang mga section namin kaya nagka hiwa hiwalay kami ng mga naging kaibigan ko noong 1st year at hindi ko na binalak makipag close sa mga kaklase ko ngayon


Maya maya din may pumasok na tatlong lalaki. Yung mga naka banga sakin na pinapahabol din ni sir salazar. Ewan ko pero kusa akong tumayo at


"HOY TATLONG LALAKI!!!!" Pag kasigaw ko ay napa tingin agad yung mga iba pang studyante sa kanila. Narinig ko yung bulong bulongan


"omg did she just shouted at them"


"papansin"


"What does she want?"


Kumunot yung noo nung naka bangga sakin tas lumapit. Agad naman akong napaatras.


"Yes?" sobrang lapit ng muka niya at naka ngisi pa siya at agad naman silang nag laho sa paningin ko


Ako? Eto na estatwa! HINDI KO NAMAN INAKALA NA GANUN SIYA KA GWAPO NO


Bigla namang pumasok si Sir Salazar at tumayo sa gitna.


"Mr. Tan, Torres and Lee. Please stand up" sabi niya pero di naman sinunod ng tatlo at prenteng naka upo sa mga "trono" nila


"Please go to the corner and occupy the chairs at the back." pag kasabi niya nun ay nakita kong ngumisi yung lalaking tinatawag nila na Mark pero di padin tumatayo


"And why should we do that?" sagot naman ng nasa tabi nung Mark


"Because I told you so!" galit na sabi ni sir pero ngumisi lamang silang tatlo at nanatili padin sa mga upuan nila


"Okay fine, kung ayaw niyo. Kayong lahat lumabas maliban dyan sa tatlo" Medyo nakangiting sabi ni Sir pero ang mga kaklase ko ay nag tinginan lamang sa isat isa na parang naguguluhan


"Lalabas o Singko?" nung narinig namin yon ay agad naman kaming nagsi tayo at lumabas.


"Pero sir pano po yung quiz namin?" Tanong ng isang lalaki


Ngumiti naman ng mabait ang propesor namin at sinabing "wala na kayong quiz"


YES!


Tumuloy na kaming lumabas, nag lakad nako pero may mga grupo ng babae na naglalakad sa harap ko


"Buti nalang wala ng quiz, di ako nakapag aral ng maayos eh hihihi"


"Ano naman kayang ginawa nung tatlo?"


"Hoy Jean, ano nanamang ginawa ng jowa mo?"


"Si mark? Alam ko kasi nahuli silang tumitingin ng answer sheet eh"


"Hala seryoso? Jean napaka panget ng ugali ng boyfriend mo, dapat hiwalayan mona"


"Medyo di na nga ko natutuwa eh"


Yun na yung mga huli kong narinig dahil lumiko na sila papuntang canteen, at ako naman ay palabas na ng campus dahil wala nakong klase

R E W I N DWhere stories live. Discover now