"Let me explain everything Mandy."
Nandito kami ngayon ni Jaynan sa park malapit sa bahay namin. Mas maganda siguro kung dito kami mag uusap, para tahimik at walang epal.
"Go, spill it"
"Nung time na umamin ka sakin ng mga nararamdaman mo, at bago ka maaksidente ay may plano na talaga ako noon na sabihin sayo ang lahat." Napahinto sya at napayuko. "Alam kong nakwento na sayo ng mga kaibigan mo ang nangyari noong araw na yun. Yung kwintas, hindi ko gustong isuot yun. Napagtripan lang ako nila Nick dahil ang alam nila ay may gusto pa rin ako noon kay Rika. Pero hindi nila alam na ikaw na talaga ang gusto ko noon. Wala pa kong pinagsasabihan ng tungkol sa nararamdaman ko para sayo dahil kahit sa sarili ko hindi pa rin ako sigurado, at natatakot ako na baka pag sinabi ko sa iyo ang lahat ay layuan mo ako. At baka isipin mo na ang paglapit ko sa iyo ay binibigyan ko ng malisya. Ayokong lumayo ka sakin. Pero sa nangyari ngayon, mas matindi pa pala sa iniisip ko ang mga nangyari. Hindi mo lang ako nilalayuan, nakalimutan mo pa ako at ngayon kinaiinisan mo na rin ako. Kung sana noon ko pa sa iyo sinabi, edi sana maayos pa rin ang lahat."
Nakatingin lang ako sa kanya. Walang kahit anong salita ang lumalabas sa bibig ko. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba sya. Siguro hahayaan ko muna syang magexplain ng side nya. Kasi sa ngayon, hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Maaawa ba ako? Maiinis? Pagbibigyan ko ba sya? Ewan. Basta ang alam kong lang, naguguluhan ako. Ang hirap, ang hirap dahil wala akong alam sa mga sinasabi nya, hindi ko alam lahat wala akong natatandaan. Pero nasasaktan ako. Ang sakit. Siguro nga nakalimutan ko sya at ang mga nangyari sakin pero yung sakit, nanatili pa rin sa puso ko. Ganoon ko ba talaga sya kamahal?
"Hindi kita pipilitin na magkagusto ulit sakin, at hindi na rin ako aasa na mangyayari yun. Ang sakin lang, sana pagbigyan mo ako na makatulong sa paggaling mo. Hayaan mo akong makabawi sa lahat ng mga tulong mo sakin noon. Kung dati ikaw ang naging tutor ko sa math at science, ngayon hayaan mo naman akong maging tagapagpaalala mo." Nakangiti na nyang sabi.
Nakakatuwa lang kasi kahit na anong pagsusungit ko sa kanya nitong mga nakaraang araw ay hindi nya ako sinukuan. Makikita mo talaga sa mga mata nya na puno ng sinseridad ang kanyang mga sinasabi.
"Kaasar ka naman. Napakapaawa mo. Akala mo makukuha mo ko sa mga ganyan ganyan mo?"
"Hindi ako nagpapaawa. Totoo lahat ng sin--"
"Joke lang! Eto naman patola. Oo na naniniwala na ko sa sinasabi mo."
"Talaga? So, bati na tayo? Hindi ka na magsusungit?" Hinawakan nya ang balikat ko at ngumiti ng pagkalawak.
"Oo na. Pero hindi ibig sabihin nun na bumalik na ang dating Mandy na kilala mo. Yung patay na patay sayo? Hahaha nakakahiya yun."
"Hindi ko nga alam nun na ganoon ka pala patay na patay sakin eh. Kundi pa kinwento ng mga kaibigan mo hindi ko pa malalaman na matagal ka na palang pagnanasa sakin."
"Well, yun din ang kwento nila sakin. Pero wala na yun. Wala na yung dating Mandy na yun."
"Wala man sya ngayon. Pwede ko naman sya ibalik eh. Kung gugustuhin mo." Napasimangot nyang sabi. Parang nadisappoint.
"Gugustuhin ko naman makaalala kaso nga lang ayoko na bumalik yung Mandy na baliw sayo. Hahaha sorry." Nagpeace sign ako sa kanya.
"Okay lang. Naiintindihan ko naman."
Naglakad lakad na kami sa park habang nagkukwentuhan ng mga bagay bagay. Ang sarap din pala nya kausap, naguiguilty tuloy ako kung bakit ko sya pinagsungitan. Napakapalabiro nyang tao at masiyahin. Siguro yun yung nagustuhan ko sa kanya noon.
Naging masaya ang araw na to dahil kahit papaano ay nalinawan ako sa mga nangyari noon. Ang saya ko dahil nalaman ko na ang mga bagay na dapat noon ko pa nalaman. Ang tanga tanga naman kasi nung dating Mandy eh, hindi manlang pinatapos magsalita si Jaynan. Ayan tuloy nakalimutan na lahat. Hayy. Pero naiisip ko,may pag asa pa kaya na magustuhan ko ulit sya? Posible kaya na bumalik yung dati kong nararamdaman para sa kanya? Siguro nga oo, isip ko lang naman ang nakalimot eh hindi naman ang puso ko. Pero hahayaan ko pa ba ang sarili ko na magkagusto ulit sa kanya? Pinangako ko pa naman na hindi na. Hindi na talaga. Hayy bahala na nga. Mangyayari naman yun kung nakatakda yung mangyari.
.....
"Guys! Magkakareunion daw batch natin this coming saturday. Ano? Go ba tayo?" Pagbabalita ni Gabie saming tatlo. Nabasa nya ata sa facebook nya. Tutok na tutok kasi sya sa laptop nya eh.
"Saan naman?" Tanong ni Colzie na bising busy sa kanyang cellphone
"Sino sino kaya mga pupunta? Si Bryan? Sasama kaya sya?" Binatukan ni Colzie si Betty na kinikilig pa.
"Huu landi mo nanaman. Wala ka pa ring pag asa dun Betty." Pambabara si Colzie.
"Swimming ata plano nila eh. Hindi ko pa lang alam kung saan." Sagot ni Gabie sa tanong ni Colzie
Nakikinig lang ako sa pag uusap nila habang nanunuod ng TV. Anong reunion naman kaya yun? Isasama kaya nila ko?
"Eh pano si Mandy? Sasama ba sya?"
"Oo naman. Kabatch pa rin naman natin sya, di nga lang nung paggraduate. Tsaka malay mo makatulong yun para sa pagalala nya"
"Sabagay."
"Alam ba ng mga dati nating kaklase ang nangyari sakin?" Tanong ko
"Jusko. Malamang. Karamihan nga sa kanila dumalaw pa sayo."
"Ah ganun ba, sige sasama ko."
Nakakaexcite naman yung reunion na yun. Ano kaya magiging reaksyon ng mga dati kong kaklase? Kilala pa kaya nila ko? Gusto ko na silang makita. Si Rika kaya, pupunta? Sana pumunta sya para naman makapagusap na kami.
Madami akong kailangang alamin. Una ay kung totoo ba ang mga sinasabi ni Jaynan. Kailangan ko ding kamausap si Nick kahit hindi ko pa sya namemeet, kakapalan ko na mukha ko sa araw na yun.
"Sa tingin nyo ba iwewelcome nila ko? Baka kasi mamaya snobin lang nila ko." Tanong ko.
Hindi ko kasi alam kung ano ba mga ugali ng mga dati kong kaklase, hindi ko rin alam kung pano ba ang trato nila sakin dati. Baka kasi mamaya ako pala yung kinaiinisan ng lahat o baka ako yung wala lang.
"Oo naman. Hindi ka naman naging masama sa kanila eh. Tsaka tayo kasi yung grupo na tahimik lang kaya hindi nila tayo ganoong pinapakialaman" sagot sakin ni Colzie.
"Si Gabie lang naman satin ang madaldal, I mean friendly hahaha kaibigan yan ng lahat. Ewan ko ba kung bakit pa satin napagrupo yan" singit naman ni Betty.
"Si Rika? Nag uusap ba kami dati?"
"Oo naman. Pero hindi kasi tayo ganoong kaclose sa grupo nila. Yung grupo kasi nila, puro sila magaganda at mayaman sila lang din yung grupo na nakakasama ng mga kaklase nating lalaki" itinigil na ni Colzie ang kanyang pagkaabala sa cellphone at nakinuod nalang din ng tv.
"Makikilala mo din naman sila sa sabado eh. Panigurado sasama yung mga yun." Sunod na sagot naman ni Gabie.
"Wag ka masyadong maexcite Mandy, hindi naman tayo ganoon kaclose sa kanila kaya baka snobin lang din nila tayo." Natatawa na naiinis na sabi ni Betty.
Atleast ngayon may alam na ko tungkol sa mga kaklase ko noon. Sana naman matulungan in nila ko. Pakapalan nalang talaga ng mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/28808076-288-k44829.jpg)
BINABASA MO ANG
The Twist in our Story
Ficțiune adolescențiLahat naman tayo makakaranas ng pagmamahal, meron nga lang iba na maaga nagmahal pero maaga din nasaktan. Meron din naman na takot magmahal dahil ayaw lang masaktan. Pero paano kung mahal ka rin pala ng taong mahal mo, kaso huli na pala ang lahat?