The Story Begins
(After 2 years)
O______-
-______O
O______O
Pagdilat ko ay may nakita akong lalaki sa may tabi ko, nakayuko sya nang biglang bumangon.
"M-Mandy? Gising ka na?" Tanong nya sakin.
"Huh? Sino ka? Nasan ako?" Tanong ko sa kanya.
"Mandy, si Jaynan to." Jaynan? Sino sya?
"Jaynan? Hindi kita kilala sir, sorry. Tsaka hindi ako si Mandy. Bakit nga pala ko nandito?" Naguguluhan ako sa kanya. Sino ba sya? Bakit nya ko tinatawag na Mandy? Teka, ano nga ba ang pangalan ko?
"Mandy, wag ka naman ganyan. Alam ko nasaktan ka sa mga nangyari dati, alam ko nasaktan ka sa pagtrato ko sayo dati pero wag mo naman ako biruin na nakalimutan mo na ako." Naluluha na sya, pero bakit naman? Sino ba sya?
"Sorry sir. Hindi talaga kita kilala. Ngayon nga lang ata kita nakita eh."
"Hindi ako naniniwala. Alam ko mahal mo pa rin ako. At kung alam mo lang ang pinagdaanan ko this 2 years na nacomatose ka." Nacomatose? Ako?
"Hindi ako yun Sir. Nagkakamali ka lang."
"Hinding hindi ako nagkakamali. Ikaw si Mandy. Si Mandy na laging nandyan para turuan ako, si Mandy na personal tutor ko, si Mandy na minahal at hinangaan ako. At si Mandy na MINAHAL KO." ?????
"MAHAL? Weh? Mahal kita???.. Mahal kita? Eh ngayong ng lang kita nakita eh. Ni hindi nga kita kilala, tapos mahal kita?" Nababaliw na ba sya? Mahal ko daw sya? Feeler?
"Mandy. Hintayin mo ko dyan. Tatawagin ko lang yung doktor at yung mga kaibigan mo." Lumabas na sya.
Naguguluhan ako. Bakit? Bakit wala akong maalala? Tsaka bakit sabi nya nacomatose ako, nacomatose ako ng 2 years? Pero bakit? Baka naman hindi ako yun. Baka nagkakamali lang sya.
"Manddyyyyyyyyy!" Nagulat ako nang biglang may pumasok na babae sa kwarto ko. At niyakap pa ako.
"Ahh. M-miss. Kilala ba kita?" Tanong ko sa kanya pero natatawa lang sya.
"Hahahaha. Mandy wag mo nga akong niloloko. Si Betty to. Yung pinakacute mong bestfriend." Haa?
"Haaa? Ikaw? Kaibigan ko? Pero bakit hindi kita kilala?"
"Naku Mandy. Hintayin na nga natin si Dok para matigil na yang kabaliwan mo. Alam mo ba namiss ka namin. Ang dami mo nang namiss na pangyayari. Alam mo ba 2nd year college na kami. Pero ikaw hindi ka pa gumagraduate ng highschool dahil sa pagkacoma mo." Ang daldal naman nya.
"Tsaka Mandy. Si Jaynan. Nung araw na umamin ka sa kanya na mahal mo sya eh dapat pala aamin na rin sya nun. Kaso tumakbo ka at umalis na. Tapos ayan, naaksidente ka." Ano ba sinasabi nya? Ni hindi ko nga sya kilala. Pati na rin yung Jaynan na yun.
"Ahh. Miss. Sino ba yung Jaynan na yun? Bakit sinasabi nya na Mahal ko sya tapos Minahal na rin daw nya ako? Pero hindi ko naman sya kilala."
"Umamin na rin sya sayo? Sinabi na nya? Oh my G!!!! Wag ka na ngang magkunwari dyan. Kinikilig ka lang eh."
"Miss. Hindi ako kinikilig. Kasi hindi ko naman kayo kilala eh."
"Bahala ka nga dyan sa trip mo. Ayan na pala sila Dok."
May pumasok sa kwarto ko. Isang doktor, tatlong babae tapos yung lalaki na makulit.
"Buti naman at nagising ka na? Kamusta naman ang pakiramdam mo?" Tanong sakin nung doktor.
BINABASA MO ANG
The Twist in our Story
Novela JuvenilLahat naman tayo makakaranas ng pagmamahal, meron nga lang iba na maaga nagmahal pero maaga din nasaktan. Meron din naman na takot magmahal dahil ayaw lang masaktan. Pero paano kung mahal ka rin pala ng taong mahal mo, kaso huli na pala ang lahat?