Soohyun’s POV
Ang dami kong pagod at puyat. Mga. . . di ko na mabilang! Marami eh! Namimiss ko na ang babes ko. Ipapakilala ko siya sa long time friend ko. Si Kibum. New member namin. Nakasama ko siya sa training dati. Sobrang bait! Loyal pa sa Childhood sweetheart niya. Good boy like me! Hehe
“Hyung! Ang tagal naman ni Kibum hyung!” naiinip na pala si maknae.
“Baka nakuyog?” nag-aalalang tanong ni Kevin kay Dongho.
“Hindi impossible. Remember that tragic moment? Nung tayo pa lang yung newbie sa school na ito? That’s terrible!” pailing-iling pa si Xander.
“Text mo si Soujin. Maybe she knows where to find Kibum.” He smiled. Nakakapagtaka ang ‘friendship’ nila. Parang di lang sila magbestfriends ah! Well, who cares?
“Roger boss!”
Nag-dribbling na lang kami nila Dongho. Si Eli naman, ayun nagpapacute sa mga fans niya. Ewan ko ba diyan. Di ko alam kung friendly ba o talagang flirt? Ahaha. Joke. Approachable lang talaga siya. Ako rin naman kaso I distance myself from the crowd. Ayaw ko kasing may pagselosan ang pinakamamahal kong si Jhazmine. My priceless possession.
“Hey Soohyun, on the way na sila Kibum” sabi ni Xander.
“Sila?”
“Yeah. He’s with the Greature and MeoKaSign”
“ I see.”
Natatanaw ko na si Jhazmine. Ang ganda talaga. No wonder nabihag niya ang puso kong pihikan. Nandidiri ako sinasabi ko! Ahaha. Inlove eh! Cheesy ko!
Wait, may panira ng momentum ko. Is it for real o namamalikmata lang ako? No, it can’t be! Bakit hawak ni Kibum ang kamay ng Jhazmine ko?
I look at her. I know I’m giving her a death glare pero anong magagawa ko? For pete’s sake! I’m dead jealous!
“Soohyun babe.” Usal niya.
Naalarma siguro siya. Bumitaw siya kay Kibum and they were whispering.
Ano kayang pinag-uusapan nila? I’m curious but I just went to the bench. Uminom ako ng energy drink. Nadrain ata energy ko. Nakayukom pa rin ang palad ko. Grabe naman ako kaseloso! I hate this feeling pero I can’t help it. I am not that possessive pero ayokong may ka-flirt siya! Kumukulo ang dugo ko. Siguro nagkakaganito ako dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya.
I saw her coming. Aalis sana ako pero nahawakan niya ang kamay ko. Umupo na lang ako. She’s sitting beside me.
“Sorry babes. Di ko na uulitin. He’s just holding my hand. Nothing more, nothing less. Wag ka na magalit please?” naglalambing siya sa akin, kaya ko ba siyang tikisin? Syempre hinde!
“Then what’s that for? Jhaz, okay lang naman sa akin ang mga ganun sa mga naging girlfriends ko. No big deal! But not with you! It’s aching in here. (tinuro ko ung puso ko) Nagseselos kasi ako. Plus the fact that he’s my friend. Almost a brother. Sorry pero masakit sa mata.” Grabe naman ako makaemote. Daig ko pa yata ang babae. Aish!
“Babawi ako okay? I love you babes.” She kissed me. Oh geez! Nadedemonyo ako! I want to deepen her kiss pero nagpigil ako. Nasa public place kaya kami! PDA?
“Galingan mo sa practice game niyo ha? I’ll wait here.”
“Sige” I turn my back and just wave my hand.