Jhazmine’s POV
Masisiraan ata ako nang bait kay kibum! Isang araw pa lang siya rito pero nayanig niya na ang buhay ko. Litong-lito ako! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mahal niya raw ako. Ako rin naman ang kaso nga lang, noon pa yun! Bata pa kami nun at walang Soohyun ang buhay ko.
I don’t know why I’m letting him to continuously kissing me. Alam ko mali iyon. Maling-mali! Ewan ko, kaya nga sinampal ko siya eh. I admit I felt akward when I do that. Tsk. Bakit nga kaya?
Maybe because I can feel his love. Hindi ko nararamdaman yung lust sa kiss niya. I can feel. . . sincere Love and a deep desire to have me kahit pa sa sandaling oras na iyon.
Dagli akong pumasok sa elevator. Pagkarating ko sa may room namin, hinanap ko kaagad si Jhemy.
I saw her sitting on her bed. Bagong paligo ang lola mo. Halos tumalsik ang kaluluwa niya nung sunggaban ko siya ng yakap.
“Problema mo ‘teh?” hinagod niya yung likod ko.
“May nagawa akong kasalanan kay Soohyun! Huhuhu” lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.
“Jhaz relax. Look at me, straight to my eyes. Now, tell me what happened. Walang labis walang kulang.”
So I did. Wala akong tinago sa kanya. I told her everything.
Magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Pinakalma niya ako.
“Ano nang gagawin ko?”
“Nothing.”
“Nothing?! Ang daming nangyari tapos nothing?”
“Makinig ka kasi muna okay? I’m not done yet.” Pinakinggan ko siya.
“Iparamdam mo kay kibum na kahit ganun ang nangyari sa inyo, your still open for friendship. Wag mo siyang lalayuan. Nagawa niya siguro yun dahil desperado na siya. Alam ko kung gaano kahirap ang mga ginawa niya. Makipag-kumpetensiya sa taong may mahal ng iba”
“Alam mo?”
“Oo. Alam ko ang pakiramdam ng magmahal sa malayo. Kung may pagkakataon na dumating sa akin, I’ll do the same thing. It will take a lots of courage to do such things. Masakit Jhazmine, sobrang sakit sa part namin ang katotohanan kaya naman hayaan mo muna siyang paghilumin ang sugat sa puso niya.” Naiiyak siya,
“Lalong mahirap ang sitwasyon namin dahil it was our friend na kailangan naming banggain for our happiness. Sobrang hirap nun Jhaz, sobra! Lalo pa’t sigurado na ang pagkatalo namin” umiyak na nga siya.
“Jhemz. . .” napagaan niya ang loob ko pero di ko naman siya matulungan.
“Tell me Jhemz, is it Xander? Ang lalaking mahal mo?”
“Wanna know the truth? Sige. Yes! Siya nga. Pero wala akong magawa! Hindi ko masabi dahil kay Soujin. I know they both love each other. Kaya nga sobrang naiintindihan ko si Kibum. Mahirap magmahal sa malayo. Sobrang tagal na nang feelings namin dito (tinuro ang puso) but we can’t release it dahil di pwede!”
“I don’t think they love each other the way your thinking Jhemz.”
“I don’t know, I don’t know! Ang alam ko lang, kahit na anong mangyari, mahal ko siya at siya lang ang mamahalin ko kahit na di niya ako mapansin.”
Ako naman ang yumakap sa kanya. Akala ko moment ko ito. Hindi pala. Moment pala niya talaga. Parang nilipad lang ng hangin yung nangyari kanina.
Dahil sa mga sinabi niya, mas lalo kong naintindihan ang damdamin ni Kibum. Kahit papano napatawad ko na siya kahit hindi naman talaga ako nagalit sa kanya.
“Siya ba ang batang nagligtas sa iyo nung mga bata pa kayo?”
“Oo. I help him but it end up na ako pa ang sinagip niya. I owe my life to him. Dun ko nga nakilala sa Soujin diba? Were too young back then. Matagal na panahon na rin nung magsimula akong maging aware sa feelings ko sa kanya.”
“Kaya pala affected ka kapag magkasama sila ni jin.”
“I know it’s a bit unfair kay Jin dahil pinaglilihiman ko siya.
“I think may pag-asa ka pa. I really believe that they are just siblings.”
“Paano mo naman nasabi?”
“Simply because they have no spark! Pag naglalambingan yung dalawa wala lang. Parang magkapatid lang talaga and as far as I know Soujin, kapatid lang talaga si Xander sa kanya.”
“You think so?”
“yeah. Alam ko parang hindi impossible sa kanila na mainlove sila sa isa’t-isa but whenever I see Xander’s way of looking towards you? Yun ang may spark!”
“Wag mo akong paasahin Jhaz.”
“No I Did’nt! Bakit ko gagawin yun?”
“Kalog ka eh!”
“Ahaha! Slight!”
Tumawa na lang kami. Napatingin ako sa may bintana. Sana, kung nasaan man si Kibum ngayon, maunawaan niya ako na isa lang ang kaya kong mahalin.
“Jhaz, let’s go to sleep. Masyadong maraming nangyari.”
“I know. Sige na nga, Let’s go to sleep.”
Pinilit kong matulog kaso di ko magawa. Disoriented ang utak ko, may severe malfunction.
Bakit kung kelan ayus na ang buhay ko at Masaya na ako, saka pa dumating ang lalaki sa nakaraan ko. Isang nakaraang naging bahagi nang buhay ko dahil minsan ko na itong inibig ng tunay, wagas at dalisay kahit sa likod pa nang aming murang edad.
I tried to compare the taste of their lips. Then I realized, it was only Soohyun who can turn my world upside down with just a simple kiss.
Naiiyak ako. Naaawa ako kay Kibum, minahal niya lang ako. Ayoko siyang saktan pero mas ayokong saktan ang irog ko. Ipinikit ko na lang ang mata ko at sinabing. . .
“Patawarin mo ako, maybe in our next life. Sorry Kibum.” I cried then I fell asleep.