CHAPTER TWO:

4 1 0
                                    


Andrea's pov.

     Nandito ako ngayon sa favorite caffeine ko.. Syempre katulad ng lagi kong ginagawa umorder ako..

"Ate hot chocolate please" sabi ko..
taray ni ate seen lang ako.. Ipalo ko kaya sa kanya yung tray..

"Ano po yun maam? " sabi ni kuya.. Ohhh maay ang pogi..

"Ahhm.. Hot chocolate please" syempre ganon talaga pakipot muna kay kuyang pogi

Pagkalipas ng ilang sandali dumating narin si kuyang pogi dala ang order ko..

"Here's your order maam" oww napangiti naman daw ako dun
"And have a lovely day" how sweet.. Kaya nginitian ko nalang ulit sya..

Kung araw araw ba naman ako makakita ng isang gwapo at hot katulad nalang ng waiter nayun buo na agad ang araw ko..

Hayyys anu ba yan pati ba naman ang waiter pinagsasamantalahan ko..

Bakit ba kasi wala pa akong lovelife e..
Napatawa nalang ako sa iniisip ko..hanggang sa isip lang naman ako e hindi ko kayang gawin kahit andami namang nagkakadarapang manligaw sakin ayoko parin..

Dahil alam ko at nakikita ko kung paano nasasaktan ang mga kaibigan ko dahil dyan sa pesteng lovelife nayan..hmpp..

Peste talaga ang mga lalaking manloloko nayan sa una lang magaling tapos kapag nagsawa na iiwan ka nalang basta basta ng walang paalam.

Kaya ako lagi ring napepeste sa kaka bigay ng advice sa mga kaibigan ko e kahit na hindi ko naman talaga alam ang pinagsasabi ko kasi nga hindi ko pa rin nararansan ..

mapagaan ko lang ang nararamdaman nila..

Masaya na talaga ako sa buhay ko nato ..Hihintayin ko nalang siguro ang tamang panahon para sa mga ganyang bagay..

Sa ngayon marami pa akong kailangang intindihin..

Pag order ko lumabas agad ako at pumapara ng taxi at dumiretso sa Condo ng kaibigan kong laging sawi..

"Andy ano ba talaga ang nagawa ko" yan na naman ang kaibigan ko simula  nanaman sa kadraman dahil dun sa hinayupak nyang boyfriend
"Hay nako sinabi ko naman kasi sayo wag kang masyadong magtitiwala dun sa lalaking yun e" sabi ko nalang
"Alam mo kasi Andy hindi mo alam ang nararamdaman ko kasi hindi mo pa to nararanasan" aniya naman habang umiiyak

"Kaya nga kita sinasabihan diba kasi nga kahit hindi ko pa nararanasan yang mga sinasabi mong pagmamahal na yan alam ko na walang patutunguhang maganda" sagot ko naman

"Andy ! Ano nang gagawin ko? Hindi ko sya kayang iwan" Aniya naman

"Hay nako! Bessy cheer up! Ipakita mo sa kanyang hindi lang sya ang lalaki sa mundo at wag na wag mo ipapakita yang ganyan mong side na mahina-"

"At lalo ka lang nyang kakaawan bessy ..kaya makinig ka kay Andy" putol naman na sabi ng isang kaibigan kong si Meg

Hindi ko alam kung saan sya galing...Bigla nalang sumusulpot kung saan..

Buhay nga naman talaga oh...

"San ka naman galing babaita hah.." Hindi ko alam kung saan nag gagaling tong babaeng to e.. bigla bigla nalang sumusulpot..

"Anu ba naman Andy hindi ka pa ba nasanay sakin?.." tanong nyang pabalik sakin..
"Ikaw talagang babae ka alam mo na ngang kailangan tayo nang kaibagan natin ngayon e !..kung saan saan ka pa pumupunta tskk anu pa nga bang aasahan sayo.."

"Alam mo naman pala na walang aasahan sakin e ..hmmp!" Kita mo na tong babaeng to pag tapos sumulpot dito lalayasan ulit ako..

Ganyan talaga kaming mag kakaibigan akala mo laging mga aso't pusa kapag magkakasama...

Pero para samin biruan lang yun..
Kaya ako iniwan nang babaeng yun dito kase alam nyang ako lang naman ang magaling mamigay ng advise samen..hayys ...

"Kath, tumigil kana kakaiyak dyan hindi worth it yung lalaking yun para iyakan mo pa" balik ko sa kaibigan kong umiiyak parin..

Sinabi ko naman na kasi sa kanya nung una palang na wag nyang pagkatiwalaan yung lalaking yun e..kasi nga unang tingin mo palang talaga mukha ng play boy ..

Oo nga at gwapo sya makarisma at parang nasa kanya na ang lahat pero alam mo talagang hindi ka nya seseryosohin ..

Eto namang kaibigan ko seneryoso ayan tuloy..
Akala nya daw kasi seryoso yung lalaking yun ...
Alam nya namang playboy at flirt eh pinatulan pa porket gwapo ..tapos kapag nasaktan pupunta sakin .. Hayy naku nananawa na talaga ako kaka advice  ..

Pang ilang beses naba to?
Ahhm tatlo, apat ? Oo pang apat na beses na to..

Ni ako nga hindi pa nagkaka lovelife e sila naman akala mo mauubusan ng lalaki..

Akala mo mamamatay kapag walang boyfriend kesyo para daw laging may ispirasyon sa buhay..

But for me hindi boyfriend ang kailangan nila kasi parang paghanga lang naman yata ang nararamdaman nila dun sa boy e..

Oo alam ko nasasaktan sila kapag iniwan sila nung boy pero mga ilang araw lang wala na ulit back to normal life na..

Oh diba crush lang yun..Hindi kasi nila ako gayahin hanggang crush lang ..

Atleast ako hindi umiiyak at nasasaktan tulad nila..

Kasi alam ko namang walang kame para iyakan ko sya diba? ..Hindi worth it para iyakan ko sya kasi nga crush ko lang sya kung baga sya lang yung nagsisilbing inspirasyon sa buhay ko..

Pansamantala lang sa madaling salita..

 

Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon