Nandito kami ngayon ni Kath sa Mall..
Pinunta ko sya dito nang sagayon ay mawala man lang kahit konte ang pag ka stress ko..Sabi ko maglibot libot muna kami para makalimutan nya yung boyfriend nya na yun... I mean ex. nya na pala..
"Andy san kaya magandang kumain? Nagugutom narin kasi ako eh kanina pa tayo lakad ng lakad" tanong nya...
"Dito nalang tayo oh" sabay turo ko dun sa natapatan naming restaurant na konti lang ang tao.
"Sige tara ..tatawagan ko narin si Meg para dun nalang natin sya hintayin"
"Okay sige..talaga yung babaeng yun eh hindi na nga natin madalas makasama tapos late pa kapag may lakad"
"Hindi kapa ba nasanay eh lagi naman yung late tuwing may lakad tayo eh" sabi nya sakin..
"Ang sabihin mo simula nung nagka boyfriend sya second option nalang tayo" hmmp ..hindi ako nag iinarte ah kase naman simula nalang nung sinagot nya yung boyfriend nya ngayon nawalan na sya ng time saming mga bestfriend nya..
Kesyo may lakad din daw sila o kaya naman laging busy..
"Konti nalang talaga magtatampo na ako dyan kay Meg eh" drama ko sa kanya habang kumakain kami..
"Oh ayan na pala sya eh...Hey Meg!" Tawag nya..
"Kanina pa ba kayo? Sorry hah late ulit ako ang traffic naman kasi eh" Sabi nya samin..
" Ahh ganun ba okay lang yun sanay naman na kaming pinaghihintay eh" sagot ko naman..
"Anong klaseng hugot nanaman ba yan Andy at muhkang may laman?" Tanong nya naman sakin..
"Hayy nako kayong dalawa nanaman oh tigilan nyo na nga yan kumakain kaya tayo kumain kana rin Meg" Putol samin ni Kath
"Hahaha syempre joke lang yun" tawa ko sa kanila masyado kasing siniseryoso e..
"I know naman na joke lang yun sinasakyan lang kita hahaha" tawa rin sakin ni Meg..
Ganyan talaga kaming mga magkakaibigan kapag nag sama mga mukhang ewan..
Kaya minsan napag kakamalan kaming mga baliw eh..baliw na magaganda..Pag tapos naming kumain sinunod naman namin ang sine..
Mga ewan din tong dalawang to e manonood ng horror tapos kung makatili parang mga ewan..Pag tapos naming manood panay naman ang usap ng dalawa dahil dun sa nakakatakot na zombie..
"Nakakatakot talaga sya oh my god" pauna ni Meg..
"Sinabi mo pa ..eh parang hanggang ngayon nga nangingilabot parin ako eh" dagdag naman netong si Kath.."Hayy naku kung ganyan naman lagi kayo tuwing manonood tayo ng mga horror e mas mabuti nalang na action nalang panoorin natin masyado kayong maingay e" sabi ko sakanila kasi alam ko namang hate nila ang mga action movie ang baduy daw..
"Anu kaba naman Andy syempre dapat pag tapos natin panoorin ang isang palabas nagkukwentuhan din tayo" Sabi naman ni Meg
"Wala naman kasi akong sinasabing bawal nyong pag kwentuhan ang akin lang pareho nyo naman na napanood pinag uusapan nyo pa.. Nandito po kaya ako sa tabi nyo naiingayan senyong dalawa ." sermon ko sakanila
"Sorry naman po " ani Meg
"Tara guys tama nayang pag aawayan na yan let's shopping na!" Sigaw ni Kath saming dalawa.
Haha baliw talaga tong babaeng to akala mo nasa bahay lang kami para magsigawan e..
"Tara na nga lang Meg haha" sabay na kami ni Meg na naglakad sa kinaroroonan ni Kath malapit lang din samin..
Nang makarating kami sa isang boutique ...labas pasok na sila sa dressing room para mag sukat ng mga nagugustuhan nilang mga damit ..Kaya nakisali narin ako haha hindi ako mag papahuli no..
"Hayy nakakapagod" sabi ni Kath pag tapos nming lumabas dun sa botique dala ang napakaraming paper bag..
"Sinabi mo pa hahaha pero it's okay masaya naman e" sabi ko
"Guys sumabay nalang kayo sakin susunduin ako ni Kevin" yaya samin ni Meg
"Okay para less hassle narin ang dami nating dala eh" sagot naman ni Kath..
Nang dumating na si Kevin dala ang sasakyan nya sumakay na agad kami para makapag pahinga narin..
Im so tired sabi ko sa isip ko pag sakay ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove
Teen FictionMinsan maiisip talaga natin kung ano tayo sa mundong ito o kung para kanino talaga tayo kung isa ba tayo sa mga sawi sa pag ibig o sa mga masasayang Tao na may happy ending? pero Hindi naman natin alam diba? katulad nalang nalang ng isa sa mga cha...