Akin Ka! ♡ [ Romeo&Hershey]

255 5 2
                                    

Author: JFstories

Prologue

Paano niya makakalimutan ang lalaking nagmahal sa kanya nang higit pa sa labis at sobra-sobra? Ang lalaking handang magpakamatay para lamang iligtas siya?

At sa kabila ng milyon-milyong efforts nito ay nakuha niya pa rin itong itaboy at saktan nang paulit-ulit-ulit... 

Paano niya malilimot ang sakit at lungkot na nakita niya sa guwapo at luhaang mukha nito, gayon alam niyang siya ang dahilan ng pagdurusa ni Romeo?

At higit sa lahat... Paano NIYA makakalimutan ang LALAKING iyon, kung nasa kanya ang isang 'souvenir' na naiwanan nito bago ito magtungo ng Amerika?

Makakalimot nga ba siya?

Lalo na kung ang souvenir na iyon ay kasing-kulit, kasing-guwapo ng lalaking iyon na mahal na mahal niya.

Kilalanin si

HERSHEY MARASIGAN.

Ang babaeng tinalo pa ang kahabaan ng Edsa dahil sa haba ng hair!

Note--

Enjoy reading!

BEST WATTPAD STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon