Evans POV
alarm clock rings
Minulat ko ang mata ko. 4:30 am na. Oras na para bumangon upang pumasok nanaman ulit sa paaralan. Napaisip ako sandali habang nililigpit ko ang higaan ko ...
Bakit parang kahapon lang ang bakasyon?Bakit parang kahapon lang? Parang 'di ko namalayan . Parang kami 'di ko namalayan wala na pala siya sa tabi ko. Matagal niya na pala akong iniwan.Hindi ko namalayan.Psh. Lakas ko makasabi ng salitang "kami" akala mo naman may girlfriend na ako HAHAHAHA. Nahahawa na ata ako sa mga bwis3t kong mga kaklase. Walang ginawa kundi humugot nalang araw-araw. Konting galaw ko lang bigla na lang huhugutan. Nahulog ko lang yung pagkain ko ,bigla namang humugot tong si Debra. Sabihan ba naman ako ng...
Ba't di mo siya sinalo!Yan nasaktan tuloy siya!
Wow ha. Tanggap ko pa sana kung humugot siya ng 'di pasigaw pero sa tenga ko pa talaga eh.Sumigaw siya sa tenga ko. Nakakabingi kaya yung boses niya! Na-badtrip tuloy ako nun umagang-umaga. Pero siyempre di ko naman sinabi yun sa mukha niya. Nagpapanggap kasi akong "good boy" sa harap ng lahat.Nginitian ko lang siya pero sa utak ko binomba ko na siya ang ingay e. Mabait naman talaga ako kaya lang 'di ko maiwasan na ma-'beastmode' kasi naman 'tong mga kaklase ko masyadong inaabuso ang kabaitan ko. Sa kaklase ko lang naman ako ganito.Wink ;)
5:30 am na.Tapos na ako sa lahat ng dapat kong gawin. Mabagal kasi ako kumilos kaya isang oras ang kailangan ko -,-. 7:00 pa ang pasok ko pero ayokong nale-late
atsaka malayo ang bahay ko sa paaralan ko. Bago ako umalis , hinalikan ko muna sa pisngi si Mama atsaka nag paalam."Papahatid na kita kay Kuya Joel"
"Sige po, ma"Pagkatapos nun ay sumakay na ako sa sasakyan namin kasama si Kuya Joel, ang drayber namin.Nagsuot ako agad ng headset pagka-sakay ko. Maya-maya noong malapit na kami sa school, may nakita akong babae. Muntikan na namin siyang mabangga. Muntikan na akong himatayin nun. Sakto kasi nung pagderetso namin ,yun din yung time na tumawid siya.Tinanggal ko ang headset ko agad at lumabas sa sasakyan. Sumunod na lumabas si Kuya Joel. Pareho namin tinulungan itayo ang babae. Humingi kami ng patawad pagkatapos.
"Sorry."
"Ayos lang ako.Kaya ko pang tumayo."
"May masakit ba sayo? Halika idadala muna kita sa Clinic."
"Ayos lang talaga ako kuya. Promise."Alam kong nagsisinungaling siya. Binuhat ko muna siya ng pa-bridal style. Nung binuhat ko siya bigla siyang napatingin sa mukha ko. Ang cute niya.Namula siya bigla. Ewan ko lang kung namumula siya dahil nahihiya siya kasi nakatingin sa amin ang lahat ng estudyante o baka sadyang crush niya ako. Ayoko naman mag-assume. Dinala ko siya sa Clinic. Saka ko natingnan ang mukha niya. Ang ganda niya. Maya-maya nginitian niya ako.Mas gumaganda siya lalo pag ngumingiti siya. May iba akong nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko akalain na ang babae pala na muntikan na naming masagasaan ang magbabago sa akin.Ang simpleng pangyayari pala na yun ang magiging simula ng lahat.
YOU ARE READING
Mapapansin pa kaya?
RomanceHindi maiiwasan sa buhay natin na ma-inlove.Ma-inlove sa taong alam mong hinding-hindi magiging kayo pero kahit ganoon pa man siya pa rin ang gusto mo.Ngunit paano naman kung ang gusto mo ay may mahal nang iba.Paano naman kung ang tao palang nagustu...