Christine POV
"TIN TIN!. ANO?! BUMANGON KANA DIYAN,,MALELATE KANA!!!" hayss,, kung di ko lang nanay to! Nako may kinalagyan nato hahaha,,.
Abay walang araw na di natalak!
"Opo, Ma! Tsaka 7:30 am pa naman po pasok ko! 5: 00am palang po!"
Hahaha infairness may galang parin naman kahit papano '-'******
Hala hindi ko namalayan na 6: 30am na pala,,
Naka iglip kasi ako,, Bwisit! Malelate nako..
7:00 am na nung umalis ako sa bahay para pumasok.
Si trina kanina pa daw umalis,, iniwanan banaman ako!!
Nag kiss nako kay mama bago umalis,, ganun kasi kami ni Trina tuwing aalis o dadating..lagi kami nag kikiss sa pisngi ni mama.
Pagdating ko sa school,,
Tingin ng tingin sakin yung mga nadadaanan ko at bigla nalang tatawa!
Pero di naman ako nerd,, gusto ko nga lagi ako maayos, kasi ayoko mabully,,
Bakit kaya sila tawa ng tawa!
"Hayss! Ano kayang problema ng mga to?! Sabi ko ng pabulong..haha mahirap na baka may makarinig e..
Hinahanap ko sa mga papel na nakadikit sa pintuan yung name ko.
Nung nahanap ko na. Agad ako pumasok. Pero,, tahimik na lahat at nasa harapan narin yung teacher namin.
Lahat sila nagtinginan sakin-_-
" Ma'am Im Sorry,, Im late"
"Ms.....??" Nakataas na kilay na tanong sakin ni ma'am.
"Christine ....Christine Mae Bataclan po!" Grabe kabang kaba nako..
"Ms. Bataclan,, This is our first day of School,, tapos late kana agad?! Pataray na sabi ni maam." I don't want to happen this again! Naiintindihan mo?" Ano bayan..unang pasukan palang galit na agad teacher ko..
"Yes, Ma'am"
"Okay,, you may now sit down!" Buti nalang.. "Class lalabas lang ako saglit para puntahan yung next teacher na pupunta dito.."
Pero bago ako pumunta sa bakanteng upuan sa bandang likuran,,
Nagtawanan silang lahat,, yung iba mangiyak ngiyak na sa sobrang tawa..
Ano kayang meron,, pag yuko ko...
Hala!!Magka iba pala yung suot kong sapatos.. Dahil to sa kamamadali ko kanina e..
Kaya pala lahat ng nadadaanan ko e
tumatawa.. Tsk tskNakayuko nalang ako pumunta sa upuan ko..pero pag ka upo ko,,
"This is so embarrassing!" bulong ko lang yun.
"Hi, Christine! Do you still remember me" paglingon ko...kaklase ko pala sya.
"Oo naman..Anabelle right?" Buti nalang kaklase ko sya..
Atleast may kakilala nako sa mga kaklase ko..
"Haha oo,, kala ko nakalimutan mo nako e!"
Ilang oras na rin ang lumipas,,at nakilala na rin namin ang iba naming subject teachers.. Uwian na namin,
"Christine!" Paglingon ko,nakita ko si si Anabelle.
"O! Bakit? May problema ba?"
"Ahmm..wala naman,,tara sabay na tayo umuwi!" Ilang oras ko lang sya nakasama,,magaan na agad loob ko sa kanya.
"Bakit? Saan ka ba nakatira?"
"Kakalipat lang namin sa katapat na Village nyo" edi ibig sabihin pala,magkakasabay kami pauwi.. Kaso dun sya sa katapat na village..edi ako nalang mag isa papasok naman sa Village namin -_-
"Ah. Ganun ba! Sige tara na" ^_^
Grabe..ansaya pala kasama ni Anabelle.Nung ako nalang mag isa,, nakatingin ako sa langit tapos titingin sa orasan ko..
Hapon na pala! Mga 5:00 am
Pero pag regular class na kami..
9:00 am - 5:00 pm.
"Ayy! Pwet ka ng kabayo!" Luh..may nabunggo ako..
Pag tingin ko..Bwiset napaka GWAPO.. Ang perpekto tingnan..kaso may mga kasamang 3 lalake at 1 babae.
"Ms. baka gusto mo naman alisin yung paa mo.. Apak apak mo kasi ako!!
Napaka sungit naman neto!"At uso din naman kasi tumingin sa dinadaanan!" kung anong kinagwapo yun naman ang kinapanget ng ugali.. Badtrip."Ayy! Pasensya na!" Sabay alis ng paa ko.
"Hindi ka na bata,,para maka bunggo ng kung sino-sino! At wala kadin sa pantasya mo,,na kung makabunggo ka mahahanap mo na yung para sayo!" Aba! Napaka yabang naman neto!
"Whoo.. Bro angas ah..hahaha"
"Ikaw na talaga dude!"
"Haha baka nananaginip parin yan hanggang ngayon..hahaha"
sabi ng mga ugok nyang kasama..nakaka asar.
Gusto yata ng away netong mayabang nato ah..
"Pwede ba! Nag sorry naman ako ah! Hindi pa ba sapat yun!? Kung makapag salita ka naman,,parang wala kang kasalanan ah! Blehh haha akala mo ha.. "Kung nakita mo na kasi ako kanina! Edi sana,,ikaw nalang yung umiwas!"pero bago pa makapag salita ung mayabang na lalake e....
"Babe, come on,, wag kana maki pagtalo dyan..di na dapat natin pinag aaksayahan ng oras yan!"
Aba sino ba tong babaeng to na mukang hito kung makapag salita sakin ah..muka namang linta maka dikit dun sa mayabang na lalake."Pwede ba Critia!! Lumayo ka nga sakin" sigaw sa kanya nungg mayabang,,sabay alis ng kamay nung babae sa braso nya.."Isa kalang sa mga pinaglalaruan ko!!kaya pwede ba itigil mo na yang KALANDIAN MO!! mas malakas na sigaw ni yabang sa babae.
Bakit ganun..kahit inis ako sa babae naawa parin ako sa kanya,,lalo na nung nakita ko syang umiyak at tumakbo palayo.Napaka yabang talaga netong lalaking to.
Di ko na talaga kaya to!!
"Excuse me lang ah!" Sabay tingin nila sakin."Hindi naman tama na ginawa mo yun sa kanya,, sino ka ba sa iniisip mo ha!? NAPAKA YABANG MO!" sigaw ko sakanya.
"OHH.. Bro haha may katapat kana."
"Haha unang beses ka palang naganyan ng isang babae"
"Nako!mukang mag kakainitan ah.haha bro tandaan mo babae parin yan! Wag ka muna mag paka-badboy.
sabi ng tatlo nyang kasama.
Nako! Totoo kaya yung sinabi ng tatlo nyang kasama na badboy to!? Luh baka saktan nya ko..
" Ms. Palalampasin ko to" sabi nung mayabang,,sabay alis pero binunggo pa yung balikat ko...
bago ko pa malaman ung ginawa ko ay....
---PAK!---
Binato ko sakanya yung isang note book na hawak ko..tapos tumakbo nako papayo ng walang lingon sa likod.
Pag dating ko sa bahay sinabi ko kay mama na pag may nag hanap sakin,,sabihin di ako kilala.
____________________________________