~Chapter 3~

22 6 2
                                    

   Trina's POV

"Ate!" Kanina ko pa sya hinahanap wala padin.. 9:00 am panaman pasok nya,,malelate nako e, mas maaga kasi pasok ko kaya mas maaga din uwi ko. Kaya di na kami nag kakasabay ni ate.
Nasan na ba yun, si mama naman namalengke ngayon, pag umalis ako sa bahay kailangan kong ilock un, e kaso wala naman susi si ate!

"Trina!" Ayan na dumating na sya.. "Trina pasensya na ngayon lang ako, bumili pako ng napkin e!" Haha meron pala si ate ngayon!

"Bakit napaka tagal!" Sarap pikunin ni ate haha kung maka pagsalita kala mo mas matanda ako sa kanya e no! Pero di ko naman talaga pino- po yun. "Malelate nako e!" Haha galit galitan ko..pag kasabi ko na yun biglang kumunot yung noo ni ate.

"Edi umalis kana! Dakdak ka pa ng dakdak dyan e!! Kasora!" Ayun haha di na naka pagpigil..hahaha

After namin mag sigawan ng ate ko pumasok narin ako..

   Christine POV

"Bwiset" bulong ko, papano walang wings ung nabili ko, wala rin namang mahanapan. Baka matagusan ako nito e white pa naman uniform namin.

Napag desisyonan ko ng mag shower at mag handa papasok sa school.

After ko ng matapos sa lahat lahat,, dumating narin si mama.

Sakto 8:25 am na,,

"Mama, papasok na po ako" ahaha nahihiya ako humingi ng baon kasi, madalas nilalagay nalang ni mama yung baon namin sa ibabaw ng t.v namin."ahmm, ma! Baon ko po?

"Ayy,, oo nga pala!" Then kumuha na sya ng 70 pesos sa wallet nya at binigay nya na sakin. "Huwag mo gagamitin kung saan saan yang baon mo ah!" Mama talaga ginagawa pa akong bata.

"Ma,, alam ko naman po yun, tsaka diba,nakakapagtira pa ako sa baon ko" mahinahong sabi ko sa kanya..

After naming mag usap ni mana nag kiss na ako sa kanya at umalis na.

Nakarating ako sa school ng 8:50,, pag pasok ko sa room,,syempre maingay, kasi wala pa si ma'am. Umupo nako sa upuan ko.

"Hi, Good Morning ^_^" sabi sakin ni anabelle, since mag katabi naman kami ng seat. Lagi kami nag dadaldalan, kaya madalas kami pagalitan ng teacher namin.

"Good Morning din" sabi ko sa kanya. Bago pa sya mag salita. Pumasok na yung teacher namin. Halatang badtrip si ma'am, ano kaya problema ni ma'am.

"Good Morning class" seryoso na sabi ni ma'am.

"Good Morning ma'am" sabay sabay naming sabi, at naupo na rin kami.

"Ok, since nung mga nakaraang araw ay wala tayong masyadong ginawa dahil nag bigay lang kami ng mga kakailanganin nyong gamitin at dalhin.. Now! Mag kakaroon tayo ng activity!" Luh! Pang ilang araw palang namin pumasok dito, activity agad, haha My God!! Kinakabahan ako.. "Ganito ang gagawin, lahat kayo pupunta dito sa harapan at mag kukwento kayo tungkol sa buhay nyo, pamilya nyo at syempre sa mga karelasyon nyo. Alam naman natin na wala na yata sa inyo ang mga single."

Luh,hahaha 4th year high school palang kami, KARELASYON agad.. Tsaka single kaya ako. Tsk.

Nakapag salita na lahat maliban samin ni Anabelle. Nung time na ni Anabelle pumunta na sya sa harapan.

"Ahmm, ako nga pala si Anabelle Reyes.. May nanay at kuya ako na nakakasma ko ngayon sa buhay. Si mama ay nasa ibang bansa kaya yung kuya ko nalang yung kasama ko.. Si papa kase namatay sya last year. Ahmm na-nasagasaan sya ng nag o-overtake na sasakyan na hanggang ngayon ay di pa nakikilala yung driver" napahinto sya saglit nung narealize nyang may tumulo ng luha sa kanyang mga mata. Yung mga kaklase namin,ayun napaiyak narin. Samantalang ako di parin naiyak kasi di naman talaga ako nag papakita sa iba na naiyak ako.. Baka kasi isipin nila e mahina ako.. Pero nalulungkot din naman ako para kay Anabelle. After nyang punasan yung luha nya nag salita na ulit sya. " Tapos si kuya naman e...." Pinag iisipan nyang sabi, parang nag dadalawang isip pa syang sabihin. Ano kaya yun? Natingin tingin pa sa taas si Anabelle na tila nag iisip ng sasabihin. "Ahmm, nasa bahay lang lagi" dugtong nya sabay tawa. "And single po ako,, yun lang po" tapos naupo na sya.. Tapos nag palakpakan na kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Be MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon