*tok tok tok tok tok*
"Ara? Araaaaa. Gising ka na ba?"
*tok tok tok tok tok*
"Sino yannnnn? Ugh. Ang aga aga pa eh." Hinanap ko agad ang cellphone ko at tinignan ito.
9:55 am
10 unread messages
6 missed calls
"9:55 am?! SHOOT!!! Late na ako!!! AAAHHHH"
Bumangon ako agad, naligo, nagtoothbrush, at nagbihis. Paglabas ko sa kwarto bumungad sa harap ko si Papa.
Papa: Oh nak, buti gising ka na.
Ara: Di niyo na nga ako ginising eh! -____- Sge alis nako
Papa: Alis na naman Ara? Araw-araw ka ng umaalis ah at gabi ka narin umuuwi palagi
Ara: Pa, sa La Salle punta ko okay?! Wala rin naman kayong pake kung gabi na ako umuuwi.
Papa: Ara..
Di na ko nakinig kay Papa at umalis na agad. Di narin ako nag breakfast kaya pagdating ko sa La Salle, dumiretso na ako sa gym.
Pagpasok ko, lumabas si Coach sa office nya. Sana ngayon pa lang sila mag s-start.
Coach: Ara, you're sooooo late!
"Sorry Coach. Di na po ma.." Di na ako nakatapos magsalita.
Coach: Of course Ms. Galang, di na yan mauulit! If you want to be part of my team, act like one Ara. Be discipline.
Ara: Yes, coach.
Pati dito, sinesermonan pa rin ako. Langyang buhay naman ito oh ugh. Hanggang kailan ba ko mabubuhay ng ganito? Lahat ng malapit saakin gusto nila na sundin ko daw ang pangarap ko sa buhay, gawin yung mga gusto ko. Tapos pag gagawin ko naman, sesermonan ako, papagalitan. Yung totoo? Sana naman maintindihan nila na sarili ko tong buhay.
"Girls.."
Tinawag na kami lahat ni Coach. Pumwesto na ako sa harap katabi si Ate Mich.
"Bakit late ka?" tanong ni Ate Aby na nasa likod ko.
"Tinanghali na po ng gising hehe." sagot ko.
Mich: Hangover na naman yan noh? Hahaha
Ara: Ssh wag kang maingay Ate lam mo na. Haha slight lang naman eh
Mich: Huli ka palaka hahahha hinay-hinay lang bebegirl
Syempre, pabulong lang kami naguusap. Yes, may hangover ako. Nakainom din kasi ako kagabi kasama ang high school barkada ko. Nagstart akong uminom nung 3rd year pa lang, hindi naman palagi kaso nakasanayan ko na din, kaya yun.
Coach Ramil: Good news and bad news. Ano ba gusto niyo unahin?
"Bad news nalang po!" Sagot ko kay Coach Ramil, tinignan niya ako at nagpatuloy na rin.
Coach Ramil: The bad news is we don't have enough rooms in the dorm for everyone. There is a renovation happening and we need to dwell with that. Pansamantala ay magkakaroon kayo ng roommate, may iba ding tatlo per room. Are guys okay with that?
"Yes , Coach!"
"And the good news is..
Congratulations, girls! Lahat kayo nakapasok sa team! You're all DLSU Lady Spikers now."
Wew. Kinabahan ako nun ah, pero at least nakuha ako. Sana lang worth-it tong pinasukan ko, sana tama ang pinili ko. Andami kong pinagdaanan para mapunta dito, may mga nasaktan ako noon, may nawala dahil sa choice kong ito. Sana nga..
BINABASA MO ANG
TAKE A CHANCE (ON HOLD)
FanfictionPure fangirl imaginations lang po ang lahat ng ito.. I love this tandem kaya I made a story for them. No hard feelings and just enjoy guys. If you have any comments/suggestions, feel free to do so. :)