Mika's POV
Nagising ako bandang 4 am ng umaga. Tinitignan ko lang ang kisame ng kwarto at iniisip ang lahat ng nangyari kahapon. Hindi parin ako makapaniwala na nagkita na kami ulit, na bumalik na siya. Akala ko hindi na mangyayari iyon lahat. Sobra ko siyang namiss, sobrang-sobra. Yung mga panunukso niya, yung mga walang sense na pag-aaway namin, yung mga panahong nagpupunta kami sa mga lugar na kami lang.. Lahat lahat.
Namiss ko talaga si Al.
Ang bodyguard ko na palaging nakabantay sarado sa akin at palagi akong pinoprotektahan..
Ang personal kong nurse na nag-aalaga saakin may sakit man ako o wala..
Ang Knight and Shining armor kong agad to the rescue kapag kailangan ko siya..
Ang bestfriend kong iniintindi lahat ng mga mali ko at hindi ako pinapabayaan..
Napalaki ng role niya sa buhay ko. Noon.. He was there, he was always there when I needed a shoulder to cry.. he was there para makinig sa lahat ng napaka walang kwentang kwento ko.. He was there when I thought everything else was falling apart.. During those times when I was in pain, siya ang naging "medicine" ko.. He was the perfect guy bestfriend until..
I fell inlove with him.
Flashback
Gabi na natapos ang Volleyball practice namin. As usual, medyo hassle na umuwi minsan kasi nagco-commute lang ako. Grabe ang lakas ng ulan ng ngayon -_____ Uhhh. BV. Wala pa talaga akong dalang payong.. Paano ba ako makakauwi neto? Magpapasundo nalang ako kay Kuya kesa naman ma stuck ako dito sa labas kakahintay ng masasakyan haaayyy.
Calling Kuya..
Perry: Hello Miks?
Mika: Kuyaaa! Pasundo naman ako ohh.. Lakas kasi ng ulan , na stuck ako dito sa school.
Perry: Haaaa? Naku Miks. Na stuck din ako dito, sobrang traffic. Hindi ka ba makasakay diyan? Tawagan mo kaya sila Mommy.
Mika: Hindi eh, tsaka di ko macontact si Mommy baka wala na namang signal dun sa bahay hay..
Perry: Maghintay ka nalang muna diyan Miks, baka makaksakay ka. O kung wala tlga, hintayin mo ako dyan ha..
Mika: Okay sge kuya.. Ingat sa pagdrive
Perry: Ikaw din, mag-ingat. Text me nalang ha, if nakauwi ka na or ano..
Mika: Sige sige bye
Binaba ko na ang cellphone at naghintay-hintay nalang ng jeep na masasakyan.. Wala, wala talaga. Lahat ng dumadaan punong-puno. Haayy Lord, sana makauwi po ako ng maayos ngayon.
Lumipas ang isa at kalahating oras at andito parin ako sa waiting shed sa labas ng school, naghihintay na baka sakaling magkaroon ng himala.. Lumakas pa ng lumakas ang ulan at basang-basa na talaga ako. Nanlalamig ang aking buong katawan, parang magkakasakit na ata ako ehh huhuhu...
Guy: Miss..
May biglang tumapik sa balikat ko.
Guy: Miss, eto ohh. Nanginginig ka na sa lamig diyan ehh.. *sabay abot saakin ng jacket*
Mika: S-s-salamat..
Isinuot ko ito at nabawasan din naman ang lamig na nararamdaman ko. Iniabot niya din ang boots na ginagamit kapag umuulan saakin..
Mika: Nakakahiya naman, ikaw na tuloy ang nanlalamig diyan.
Guy: Okay lang, di naman ako masakitin. Pero ikaw, feel ko aapoyin ka talaga ng lagnat mamaya.. Haha joke lang
BINABASA MO ANG
TAKE A CHANCE (ON HOLD)
FanfictionPure fangirl imaginations lang po ang lahat ng ito.. I love this tandem kaya I made a story for them. No hard feelings and just enjoy guys. If you have any comments/suggestions, feel free to do so. :)