CHAPTER 1

31 1 1
                                    

Ayoko na....(T_T)

Ayoko na talaga wahhhhh....(T_T)

Pinahid ko ang mga luhang tumulo sa aking mga mata.sabay singa ng malakas sa tissue paper na aking hawak...masakit na masyado ang aking ilong maging ang mga mata ko sa kakaiyak ng halos dalawang oras....i can't take this pain anymore....

Ayaw ko mang aminin pero pakiramdam ko sasabog na talaga ang aking dibdib sa sobrang sakit na aking nararamdaman...

masakit...

Masyadong masakit para sa akin ang nangyayari..pakiramdam ko huminto ang aking mundo ,maging ang oras ay pakiwari ko tumigil din...

(T_T).......

(T_T)......

Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago kumuha ng popcorn na nasa bowl malapit sa remote control ng tv namin...Hindi pa rin maalis ang aking paningin sa aking pinapanood na korean drama...

Uu!! masyado akong affected sa palabas na aking pinapanood..

Ganoon lang kasi ako...maliit ang heart,paano ba naman kasi...ang tema ng palabas eh bata pa yung babae ng magpakasal ito...pagkatapos ng ilang linggo nabalitaan nitong may alziemer disease ito na nagpabago sa buong buhay ni girl...may pagkakataon na naaalala niya ang asawa pero kadalasan ay marami na itong nakakalimutan..maging ang alaala nito tungkol sa pag- iibigan nila ng kanyang asawa ay unti unting nabubura..Nakakaawa talaga ang sitwasyon niya...nakakaiyak.....

(T_T).......

"Ano yan???""

Nagulat ako kaya napalingon ako sa bagong dating na si kian na agad kumuha ng popcorn saka pabagsak na tumabi sa akin sa sofa...

"A moment to remember""baliwalang sagot ko bago muling ibinalik ang tingin sa aking pinapanood...

"Ahhh....alam ko na....kaya ka umiiyak na naman dahil nadala ka na naman sa pinapanood mo...hay ceejay.....iyakin ka talaga..."napailing ito sabay gulo sa buhok ko.

"Tingnan mo sa salamin yang mukha mo..para ka nang zombie sa mugto ng mata mo.."

Kahit ayaw ko mang ihiwalay ang aking atensyon sa palabas ay napilitan akong tumingin ulit sa kanya..kahit kailan talaga hindi supportive tung taong toh!!!..

Kinuha ko ang remote saka ipinasyang ipause muna ang pinapanood. umayos ako ng upo sabay harap kay kian na nakasimangot at nakasandal ang isang braso sa sofa at ang aking kamay sa ulo.

"Pakialam mo???teka nga bakit ka andito???"tanong ko sa kanya..

Humarap siya sa akin na nakangiti..inilapit pa nito ang kanyang mukha papalapit sa akin kaya medyo napaatras ako ng konti...saka ito sumagot na nakatitig sa akin...

"Walang praktis ngayon eh..tsaka sabi ni ninang samahan daw kita kasi mamaya pa siya uuwi mga alas niebe...""patay malisyang sagot nito...

Hay si mama talaga!!!..(-_-)(-_-)

Magkalapit bahay lang kami nina kian..ninang nito ang mama ko dahil mag bff ang mama niya at mama ko.
Mula ng lumipat sila sa lugar namin 8 years ago,naging magkaibigan na rin kami...Nasa senior high school na ako at siya naman ay 2nd year college..kasalukuyang kumukuha ito ng accountancy sa st.theresa...iisa lng naman ang school namin bagamat nakahiwalay ang college dept .16yrs old ako habang siya naman ay mag na-19 na sa katapusan..

Halos magkadikit kami lage ni kian...minsan sweet(daig pa ang magsyota) minsan naman sour(kasi mahilig mambara sa isat isa).siya tagapagtanggol ko sa mga nang aaway sa akin at ako naman taga pagtanggol niya sa mga babaeng may gusto sa kanya..

PICTURE PERFECTWhere stories live. Discover now