Entry #13:

6 5 0
                                    

Dear Diary,

June 13 , 20**

10:00 PM

Hi diary!  Hehezz

Ansaya pala magkaroon ng Family day ano?

Hehez!  Alam mo ba? 

Kinausap ko kagabi si mommy! 

Tapos binigay ko sakanya yung result..

Di kasi alam ni mommy na may sakit ako sa puso eh..

tinago kasi namin yun ni kuya sakanya..

tapos alam mo? 

Nung makita nya yung nasa papel?

Diary.. Sa kauna unahang pag kakataon..

Niyakap nya ko..

Alam mo?  First time yun..

Kasi kahit nung bata pa ako..

Di nya ako magawang yakapin eh..

Si kuya nico lang ang niyayakap at hinahalikan nya..

Lagi syang galit saakin..

Parang di nga ako belong eh..

Pero kagabi..

Ansaya saya ko! 

Kasi kahit ilang weeks nalang ang meron ako..

Nayakap na ako ni mommy..

Tapos Iyak sya ng iyak..

at humihingi ng sorry..

Ansarap sa Feeling..

Na special ka din pala sakanya..

Tapos alam mo? 

Tinawagan nya si daddy! 

tas inexplain ni daddy na wala naman pala syang ibang asawa..

Sadyang umalis lang sya papuntang London para mag trabaho..

eh ayaw daw ni mommy..

kaya sabi ni mommy pag umalis si daddy..

Mag hihiwalay sila ni mommy..

Alam mo dia? 

Pinatawad ni Mommy si daddy.. Tas pinatawad ko  na din sya..

Ansaya ng may kumpletong pamilya! 

Tas kanina.. Di ako pumasok..

Dadalin daw nila ako sa Simbahan..

Oh diba?  3 Wish na agad ang natupad!

Tapos alam mo pag katapos Naming mag simba..

Umuwi kami sa Bahay..

Nag luto si Mommy..

Tapos habang nasa Sofa kami ni daddy..

Dun ko sinabi yung sakit ko na di pa nasasabi ni mommy..

Alam mo ba dia? 

Umiyak din si daddy..

Ang iyakin ng pamilya ko ano? 

Tapos sinabi ko din kay daddy na Kung pwede..

Mag debut ulit ako..

Tas sya ang first at last dance ko..

At PUMAYAG SYA DIA! 

Ansaya saya ko! 

Tas nung matapos mag luto si mommy..

Kumain kami ng sabay sabay..

Napag usapan namin yung debut ko ulit..

Pati nadin yung mga gusto kong gawin..

Tapos pinayagan nila akong mag boyfriend.. 

Funny thing kasi gusto ko pag nag boyfriend ako..

3 years akong liligawan..

Kaso 1 month nalang itatagal ko!  HAHAHAHA

Hayy... Ansaya na malungkot padin ako ngayon..

kase..

Di ko alam kung kailan ako mamamatay..

Tapos onti palang ang wish na natutupad ko..

tapos namimiss ko pa sila Kyle

Huehue..

Sana bukas makita ko ulit sya.. huehue..

may crush nga ata ako sakanya eh..

hayy.. Basta ang alam ko lang pag andyan sya..

Itong weak kong puso.. ang lakas ng tibok..

Ewan ko ba kung mahal ko na sya o gusto ko lang sya..

Diary.. ano nga ba? 

~~~~> Miss Dialotion

Dear Diary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon