chapter 25: Xerox copy

708 49 4
                                    

Jennie's pov

''Anong pinagsasabi mo?'' Nagtatakang sabi ni taehyung

''Ha? W-wal akong sinasabi! B-bakit ka nga pala naparito?'' Tanong ko

''Ganun ba....iniiwasan mo ba ako?'' Seryoso nyang tanong

''ha? Sinong iniiwasan ko? W-wala n-no!'' Kinakabahang sabi ko

''Bakit ka nauutal?'' Nakangising tanong niya

''Bakit pake mo ba?! Tsaka bakit naman kita iiwasan?'' Tanong ko

Hindi siya sumagot sa halip ay ngumisi lang sa saakin

''Ano? Sagutin mo nga ako!'' Naiinis na ako ha! Nakangisi parin siya

''Ako ang dapat mong sagutin dahil mula ngayon, sa ayaw at sa gusto mo liligawan na kita'' saka umalis, naiwan naman akong nakatanga dito

Pero...KYAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!

Liligawan ako ni taehyung, madadagdagan ang kasinungalingan ko kung sasabihin kong sa loob ng isang buwan na iyon ay hindi ako nahulog sa puso niya pero...

Hihihi magpapakipot muna ako

**********

Dun parin kami nagsi stay sa dorm ng bangtan kaya dun na ako dumeretso, naglalakad na ako ng biglang may kumuha sa mga gamit ko

''ANO BA?!'' Naiinis na sabi ko pero kumalma ako ng makita ko kung sino yung kumuha ng bag ko

''Ako na'' nakangiting sabi ni taehyung

Ihhhhh! Nakakainis! Kasi!.....pwede namang ako nalang yung buhatin nya ehh hihihi, ang landut mo talaga jennie!

Nang makarating na kami ay nakita namin ang buong bangtan na nakangisi...tapos biglang tumayo si suga

''Umupo daw kayo sabi ng mga ulul sa tabi tabi dahil may live teleserye daw silang ipapanood sainyo'' blankong sabi ni suga na naka pikit pa, hahaha nakakatawa yung itsuraa nya, parang pinilit lang siya nina jimin

Kaya umupo na kami ni taehyung gaya ng sabi ni yoongilagid

Pumwesto na sila at nakita ko si jimin na nakawig at may suot na...uniform ko? Leche ka jimin!
(Pero gusto ko yun ahh! Nadidikit yung abs niya sa damit ko, hindi ko yung lalabhan hihihi) talande na talaga ako!!

Lumakad naman kuno si jimin papunta sa mga karton na pinorma nilang...LOCKER?! Na may daladalang mga gamit

Mukhang pamilyar ang pangyayaring it--- ito yung kanina ahh! Napatingin ako kay taehyung na kalmang nakatingin lang sakanila habang ako ay pulang pula na

Pinasok na ni jimin yung mga gamit nya kuno tapos sinira na nya yung locker tapos bigla siyang sumigaw at umakting pang nagulat na may pahawak hawak pa ng dibdib

''PFFFTTT---'' dinig kong pagpipigil ng tawa ng iba sa gilid kasama na si suga na...humahagikik? Akala ko tulog na
Binalik ko yung tingin ko sa harapan

''The moon is runing-'' sabi ni jimin habang ginagaya yung boses ko

''Pfftttt-- Hahaha'' hindi na napigilan ni jhope at suga ang kanilang tawa pero agad tinakpan ni namjoon yung mga bibig nila

Kumunot yung noo ni jungkook gaya nung ekspresyon ni taehyung kanina

''--because the sun is angry'' dagdag ni jimin habang ginagaya parin yung boses ko, nakita kong mas lalong pinakunot ni jungkook yung noo niya

''Anong pinagsasabi mo?'' Tanong ni jungkook

''Ha? W-wala akong sinasabi! Bakit ka nga pala naparito?'' Kinakabahang tanong kuno ni jimin

''Ganun ba...iniiwasan mo ba ako?'' Seryosong sabi pero emosyonal na sabi ni jungkook

''Bullshit'' rinig kong bulong ni taehyung

''Ha? S-sinong iniiwasan ko? W-wala no!'' Kinakabahang sabi ni jimin habang ginagaya yung boses ko pero ngayon ay may halo na itong kaba

Peste ganyan ba ako kanina? Parang abonormal? Sabihin nyo namang hindi please

Fangirl of BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon