Panaginip minsan ito ay masaya minsan naman ay hindi.
Credits: Archie :D :D
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa mga araw na puno ng AWAY , GALIT , SAKIT pag uwi mo sa bahay at mag papahinga nakakatulog ka sa pagod at haba ng araw.
Sa pagtulog mo mananaginip ka.
At hihiling na sana magkaroon ka ng walang katapusang pangarap.
Sa panaginip pwedeng mangarap ng kapangyarihan ng walang katapusang buhay.
Ng katawan at puso na hindi nasasaktan , buhay na puno ng saya at walang hirap.
Pero pag Ang saya at naubos at Ang hirap Ang pumalit.
Ang bangungot at mag babadya Ang hirap at lungkot at naiipon at na pupuno na.
Ang panaginip na magkasama kayong dalawa sa isang magandang lugar.
At....
Magiging kayo na nag hihiwalay at nag a away sa isang madilim at nakakatakot na lugar.
Ang panaginip na lumalabas kayo sa mundo at tadhana.
Na pilit kayong pinag hihiwalay at magiging kayo na hinahayaang masira at mawasak ng tadhana.
At mundo ang pagmamahalan nyo.
Ang panaginip na tayong dalawa na pinoprotektahan ang isa't Isa Laban sa mga tayong mapanghusga.
Ay magiging kayong dalawa na hinuhusgahan ang isa't isa.
Ang dating panaginop na puno ng saya, buhay na walang hanggan.
Pag ibig na walang katapusan.
At magiging bangungot na puro sigaw iyak at ungol.
At pagdating ng SAKIT ang maririnig mo.
BANGUNGOT na puro dilim ang makikita mo.
Dito may biglang dadating at ililigtas ka mula sa takot at kalituhang dulot ng bangungot.
At bibigyan ka ng LIWANAG mula sa mundong napakadilim.
Yung tayong tunay na MAGMAMAHAL sayo.
Yung taong nandiyan pag kailangan mo.
Sya ang magliligtas sayo mula sa madilim na mundo ng bangungot.
At ang taong yun ang magiging dahilan sa pagpapatuloy mo.
Kahit mapuno ng away , ng galit , ng sakit ang araw mo.
SYA ang magiging dahilan mo sa pag gising.
Kahit magunaw man ang mundo.
Kahit maubos man ang oras mo.
Dahil sa sobrang sakit na binibigay sayo ng araw mo.
SYA ang magiging dahilan ng pag gunaw ng mundo mo.
SYA ang magiging dahilan ng pag dagdag o pag ubos ng oras mo.
At kapag nakilala MO na SYA
SYA na dahilan ng bawat pag papa tuloy mo.
Pagtiygaan mo sya.
Wag kang mag sasawa mapapagod na pahalagahan sya.
Wag kang mapapagod na suklian ang pagmamahal nya.
Huwag na huwag mo syang sasaktan at pakakawalan.
Wag kang matakot na managinip ng managinip.
Dahil kahit ang lahat ng panaginip mo ay maging bangungot.
Lagi siyang nandiyan upang sagipin ka mula sa madilim na mundo ng bangungot.
YOU ARE READING
Spoken Words
PoetrySa mga umiibig pero sawi , sa mga nasaktan , sa mga patuloy na nagmamahal. Makaka relate kayo dito :D