PUSO'T ISIP

35 0 0
                                    



Another UD. As in UD. WOW for 12345 years ago nag update na rin si ate almi. ohh edi happy happy ang lahat hihi.



***




 Saan nga ba tayo nag simula?Tila ka'y bilis hindi ba?Noong una, tanging kaibigan lamang ang tingin sa isa't isaIpinangako pa sa sariling kailan man ay hindi mahuhulog sayo






Ngunit mali ata akoLumipas pa ang ilang araw, linggo at buwanAng nadarama'y lumalalaNakakaramdam ng selos sa tuwing ang atensyon mo'y nasa iba. 






Hindi ko magawang sabihinAng tunay kong nararamdamanDahil takot malaman na hanggang kaibigan nalang talagaSarili ma'y gustong pigilanNgunit di magawang itago ang totoong nararamdaman.






Patuloy akong umasaNag hihintay kung kelan kaya na ng pusong masaktan ng lubusanPatuloy akong nag paka tangaPinipilit ipaintindi sa sariling hanggang kaibigan nalang talagaPinipilit pigilan ang pag sigaw ng pusong ikaw ang tinitibok.






Nag hintay akoAng haba ang panahon na aking ginugolHanggang sa dumating ang araw na ikaw na mismo ang umamin. Sa sobrang saya'y napatayo at nag tata-talon sa tuwa.






Ka'y tagal kong nag hintayNa dumating ang araw na ito kaya simula nun ay ipinangako sa sariling hindi ka na hahayaang mawala at mapalayo pa.






Sobrang saya natin Dahil meron ng titulo na mag sasabing may 'ikaw' at 'ako'May 'tayo' sa mundong itoPuno ng pag mamahalanPuro saya at tawa Minsan ma'y nag kakatampuhan ay naaayos kaagad.






Tumagal ang ating relasyonNgunit parang bang unti unti ng nag babago ang lahatPara sayo'y maayos ngunit ako'y guloMasaya pa ba tayo?Ang pag tawa pa ba'y totoo?






Minsan pa'y natanong ko ang aking sariliAno bang problema ko?Bakit ako nag kakaganito?Maayos naman ang lahat ngunit parang may kulang sa loob ko.






Ako'y gulong guloAng sabi ng isip ay itigil naNgunit ang sigaw ng puso'y kapit paDahil dama nya pa Na baka kaya paMaayos pa, maibabalik pa sa dati ang sinimulan.






Isip at puso ang nag lalabanAno ang aking susundin?Tama ba si isip?O mas mabuting sundin si puso?Ano ang aking gagawin?






Dalawa ang pag pipilianNgunit tila ba ako'y hirap sa pag pili sa dalawaTeka, bakit nga ba hindi ako makapili?Dahil ba sa takot akong masaktan?Dahil ba sa takot akong mawala sya?





Bakit ako natatakot masaktan?Hindi ba'y sa pag pili ako'y nasasaktan at nahihirapan naPag pinili ko ang sinasabi ni isip akong masasaktan dahil sya'y mapapalayo at ako'y ma iiwan.






Pag si puso ang aking piniliAko pa din ay masasaktanMasasaktan na dulot ng mga ginagawa nyang katarantadohan.






Ano ang dapat?Ano ang tama?Paano tatapusin ang nararamdaman?Paano tatapusin ang tulang ikaw ang laman?.






Sana'y ganun lang kadaling tapusin ang aking pag mamahal sayoSana'y kung paano tayo kadaling nag simula ay ganun din kadaling tapusin






Tatapusin ko ang tulang ito sa pag sasabi ng salamatSalamat dahil sa sandaling panahon ay naging masaya akoMas madami man ang sakit kesa sa saya ay ayos lang dahil pareho ikaw ang may gawa.






Hanggang dito nalangSalamat sa sakit at sayaHindi pa man tuluyang tapos ang ating relasyon ay ngayon palang ay mag papaalam na'ko mahal...salamat...  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken WordsWhere stories live. Discover now