Chapter 1 (First day of School)

600 26 2
                                    

7:00am! Bigla akong napatingin sa Wall clock ko sa kwarto at nagpa pikit sarado ako ng mata upang siguraduhin ang mga sinabi ni aling martha ay tama!

Arrrrrrggghhh!
Manang! Sabay tayo ko sa ibabaw ng kama! Bakit ngayon nyo lang ho ako ginising!?? Sabi ko po sa inyo kagabi ay maaga po ang pasok ko ngayong umaga! 😭😭 Bakit naman ganito Manang!? Huhuhu!
Pagrereklamo ko sa kanya.

"Naku Maam, kung alam nyo lang ho na kanina ko pa po kayo kinakatok dto sa kwarto nyo. Kaso ho parang di nyo po ako naririnig,

"Pang sasabon sakin ni Manang,

Eh.. sana ho nilaksan nyo yung pagkatok?? Or hinaluan nyo po nag sipa kung pede yung pinto?? Or kahit ho anong paraan manang,
Pangangatwiran ko. Basta magising ako😭

"Naku Señorita, wa epek ho kahit ho siguro anong paraan ang gawin ko hindi ho uubra! kase ho 4am na kayo natulog kanina. Kaya kahit ho anong isipin ko mukhang MALABO PO TALAGANG MAGISING KO KAYO AGAD MAAM. biruin nyo po, almost 2 hours lang ang tulog nyo!? Malabo po tlaga señorita, Sinlabo po nung pantasya nyo sa mga OPPAS nyo.

"Manang naman eh! Hayss.. maliligo na po ako!, At baba po agad na after ko hong mkapag asikaso.

"Ok po maam. Aantayin ko nalang po kayo dito sa baba. Umalis na rin po pala ang papa nyo at mama nyo knina pang 6am. May meeting daw po sila ng mga kliyente nila out of town, kaya ibinilin ho kayo sa akin. Na gisingin ka sa lahat ng aking makakaya😅

"Dali dali akong naligo at nag bihis ng uniporme ko sa eskwelahang papasukan ko, ngayong KOLEHIYO! Oo,

K-O-L-E-H-I-Y-O na AKO! 1st year College besh!! Oo beshhhh!

"Akala ko asa Highschool days pa ako 😫😭
Naka limutan ko nga na fist day of School ko ngayong Araw! Hays! Dyahe tlaga! Napaka engot mo tlaga MYKA NICOLE BUENAVISTA!
Ayan CAPSLOCK PA! Para ramdam mo! At maalala mo na maaga ang Klase mo ngayon!! 😫😭 sarap mong tsinelasin sa pwet e!

"Pagkatapos kong nakapag ayos ng sarili ay Bumaba na ako agad at iniisip kung nakakapg almusal pa ako.

"Tumingin ako sa relo ko kong suot pero, Tsk! Wala na talaga! Bahala na! Bahala na si batman kung malilate ako or hindi bahala na tlaga😎😎

"Nakita ko mga foods sa lamesa
"At masasarap ang iniluto ni manang, kaasar
😩😫 💔
Pero mas di ko yata kaya ang kahihiyan if mahuli ako sa eskwela kesa magutom no!
Kaya gorabels na ang lola mo!

"Manang, Siguro po bibili na lang ako ng food sa labas or sa School mamaya.. Late na po talaga ako e, Kase 7:30 po ung unang subject ko😫😑 e 7:00am na tapos ba byahe pa ako..

"Naku ganon ba,?! sige ho señorita, kayo hong ang bahala. Basta wag po kayong mag papagutom ha? . Kumain po kayo kahit kaunti lang or kung ano ang pwede nyong mabili para may laman ang tyan nyo.

Opo! Opo! Sige po manang, patakbo akong lumabas ng pinto, kaso di ko matiis ung kumakaway na bagong toast na tinapay
Sa mesa, hays! Kaasar!
Kaya napaatras ako bigala para kumuha ng isa
Ahahha!. Di ko matiis beshh..
gutom na ako e😅😅

"Babye po Manang! See you later, aligator! Aahahah!

"Sige po Maam. Wag nmn po yung aligator maam Myka di ho bagay sa akin, sabay hawak ni manang sa pisngi nya!

MR & MS DENIALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon