Chapter6

5 0 0
                                    

Fast Forward...AFTER 10 years

Update: So yun nga...I had a super duper kulet na neighbor noon... I'm just tellin' you, you know...Past ko yun... Bahala na kayong magtagpi-tagpi ng story on your journey in my life...Magulo talaga kasi eh.. Marami akong adventures..golden ages...at downfalls... Like this one, some ten years after meeting Jesh. My 2nd boylet... cheka lang...

You see, people. Noon ako'y isang dalagang Pilipina na nagmahal nang bonggang bongga.

At of course, nasawi rin ng mas DOBLE pa.

Kaya ako ngayo'y nakasalampak sa bwiset kong upuan habang nakatunganga sa monitor nang laptop kong tigang.

I'm supposed to be at the bank.

Pero wala eh.

Tinamad na'ko sa buhay matalino.

Nakakasawa rin palang magbilang ng pera araw-araw.

Kaya AWOL muna ako...kahit 2 days lang...mabait naman si Boss.

'Saka pag-araw araw ako sa opisina, eh, papatayin lang ako ng selos.

Huhuhuhu

Napaisip nanaman ako.

Sana ganito

Sana ganun...

Gusto ko nang magbigti.

Ang daming sana. . .

"If he really liked you, he shouldh've put a ring on it.", bulong ng isip ko.

Oo nga, sex was good.

But that was all, for him.

Sex is what matters.

Keeping it good means keeping him close.

Plus, the compensation was good.

Kaya lang kasi, may pa-hidden hidden agenda pa'kong nalalaman

May pa "I'll make him fall for me" pa'kong sinabi

Ayan tuloy, wala ring napala.

Naging kontrabida pa sa love story ng boss niya.

Ito talagang napapala ng mga bad girls, wala.

Yun nga, wala kong napala kasi nagmahal ako ng katulad niya.

At sobra-sobra pa.

Ba't di nalang kaya ako magresign...

To conclude your assumations, oo na,,, I had an affair with my boss.

Baket?

You gonna judge me like everybody in the office did?

Wala kong pakialam.

Masama ngang magmahal.

Kaya mula noon, I started entertaining crushes, but never dug deeper.

Never ko nang pinansin yung tinatawag nilang spark.

Never ko nang in-entertain yung pasimpleng tibok ng puso.

Never ko nang winelcome yung mga potential boyfriend kong nagpapalipad hangin.

Kasi baka masawi nanaman ako.

Di ko na kayanin.

Baka pag madapa ako uli, di na'ko tutulungan ni God na makabangon.

Sapat na sigurong sala yung adultery...

Napangiti ako nang pilit.

Kaya lang ba't di matanggal yung sakit?

Ba't parang pinipiga pa rin yung puso ko?

'Pag nag-iisa sa gabi, ba't umiiyak pa rin ako?

Bakit kinukuwestiyon ko pa rin kung bakit naging masama yung ginawa ko?

Nagmahal lang naman ako ah?

Ba't tuwing tinitingnan ako nang mga kaopisina ko, diring diri sila?

Na parang nakakita sila ng basura sa heaven.

Ba't tuwing iniisip ko yung nangyari sa amin ng mahal ko, wala akong feeling of regret?

Siguro dahil minahal ko yung taong yun.

Siguro nga minahal din nya ako kahit konti.

Dahil kung hindi,

Hindi niya 'ko titimplahan ng kape sa umaga.

Hindi niya 'ko kikilitiin at pupupugin ng halik sa opisina.

Hindi niya ikinahiyang may relasyon kami.

Hindi niya sana ako sinabihang mamimiss niya 'ko nung business trip ko sa Dubai. Dalawang araw lang 'yun.

Pero sinabi niyang nami-miss niya 'ko.

Ba't ngayon, parang nagbago?

Ba't ngayon, bumalik siya sa asawa niya?

Ba't ngayon, parang ang saya saya nila?

Ba't ngayon, may iba na?

Gaga, ikaw yung iba...the mistress, remember?

Napangiti uli ako ng pagak. "Ba't ngayon, parang used toy nalang ako?"

Di na maipigilan tong pagpatak nang mga luhang 'to.

Ay bwiseet.

The next moment, I found myself clearing everything on my table.

Warm tears still swarm down my cheeks...

The pool of tears made it impossible for me to see.

"Stop hurting!" I shouted. Pounding on my chest near my beating heart.

Kahit anong gawin ko, parang pinipiga pa rin yung puso ko...

Kahit anong bulong ko na tama na,please, prang wala pa ring epekto...

Kapag araw maayos lang naman ako a,,,, pag gabi lang talaga sumasakit na.

Sana bumilis na yung pagdating ng umaga, kasi doon ko lang nakikita na may pag-asa pa pala.

Gusto ko na lang matulala gabi-gabi...para d gapangin ng antok...natatakot kasi ako.

Baka paggising ko, nasa impyerno na'ko.

Dahil lang sa bwiset na pag-ibig.

.... 3am

I headed to my bed...Cooed myself up hugging my hotdog unan... and drifted to sleep.

At bago pako tuluyang mawalan ng huwisyo, win-ish ko yung palagi kong wini-wish.

"Sana bukas, pumikit naman yung mga mata ko na walang bahid na luha."

----

{END of Chapter}

Ito nalang muna ngayon, may exam pa eh,,, magsusunog pa'ko nang maraming kilay...Naganahan kasing gumawa ngayon eh...Of all the days, ngayon pa?!? waha, tinanong ko na yan sa sarili ko... So, yeah, 'til next time! Pa-update update ngayon para hindi naman mawala sa kalendaryo tong account ko....bigti na ? hahaha... Okay,, bye

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Neighbors in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon