part 5

80 4 1
  • Dedicated kay Jacklyn Mae Doro In
                                    

pasensya na po kung natagalan ang pag uupdate ko.. busy na po kasi sa school eh. maraming projects at homework. hirap pa naman nga chemistry.. lol.

sana po may mag basa neto. lol. pinag hirapan ko rin to. at binigyan oras ko rin to. sana naman ma appreciate niyo. vote rin kayo at comment naman kayo oh. para naman malaman kong may nagbabasa netong gawa ko. lol.

------------------------------------------------------------------------------------------

(PJ’S POV)

Sobra na lang ang pag aalala ko ng makitang kong umiiyak si Cyann, kaya naman labis na lang ang pag react ko dala na rin ng galit ng malaman ko ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Pesteng lalaking yon! Ang kapal ng mukha niyang mambastos ng babae.

Nung lumabas na ako ng classroom para hanapin yung hayop nay un, na kasalubong ko si Danica, kaya naman tinanong ko siya kung saan makikita ang  Renzy nayun. Sabi niya na sa school gate raw, nakita niya kanina. Kaya naman agad- agad akong bumaba papuntang school gate.

Hindi ko alam kung anong itsura ng lalaking yun kaya naman nung Makita ko si Marcos, ang kaklase naming eh, tinanong ko siya kung sino si Renzy at tinuro niya sakin yung isang lalaki na may nakapalibot na babae sa kanya. Tinanong ako ni Marcos kung bakit ko daw ba tinatanong si Renzy pero hindi ko na siya pinansin dahil agad akong lumapit kay Renzy.

“hoy!” sabi ko sabay turo sa kanya.

“girls, mamaya na muna ha?.” Sabi niya dun sa mga babaeng naka palibot sa kanya. Sabay lumapit na siya sakin.

“anong atin, pre?” tanong niya.

“ikaw ba si Renzy?!” galit kong sabi.

“ako nga.” Pag kasabi niya nun, agad ko na siyang sinunggaban ng suntok. Sa lakas ng suntok ko kaya naman napa upo siya sa sahig.

Pinahiran niya ang dugo na galing sa pumutok niyang labi saka tumayo. “p*ta! Ano bang problema mo?” sabi niya. Pero imbis na sagutin ko siya eh sinuntok ko siya ulit.

Lumaban rin siya ng suntok at ako naman ang napa upo sa sahig. Nag suntukan kami ng nag suntukan. May mga ibang estudyangte naring umawat samin. Pero nakaka wala parin kami at nag susuntukan ulit. May lalaking humawak sa mag kabilang braso ko at ganun rin sa kanya.

“bweist! Bitawan niyo nga ako! Hindi pa ako tapos sa g*gong yan!” sabi niya sabay nag aalpas sa mga naka hawak sa kanya.

“ano bang problema mong hayop ka ha?!!!” sabi ulit niya sabay nag tatatadyak sa hangin.

“problema? Tinanatong mo pang hayop ka?!! Anong karapatan mong bastusin si Cyann?!” galit kong sabi at nakita kong napangiti siya ng mapang asar.

“ahahaha.. si Cyann?! e g*go ka pala eh!! pano ko binastos yun eh girlfriend ko na yun!” nang init na naman ako sa mga sinabi niya kaya buong lakas kong sinubukang makawala sa  mga humahawak sakin. At nagawa ko ngang makawala at sinugod ko agad si Renzy ng suntok.

“girlfriend?! E g*go ka pala eh! sino nag sabing girlfriend mo si---“ naputol ang sasabihin ko ng biglang dumating ang Principal namin.

“stop fighting the two of you! Follow me to my office now!!” sabi niya sabay tinuro niya kaming dalawa.

Tumayo kami ng maayos at tahimmik na sumunod nalang sa kanya. Nung napadaan kami sa hagdan nakita ko si Cyann. agad siyang lumapit sakin at tumulo na naman ang luha niya.

“sshh.. wag ka ngan umiyak.” Sabi ko sakanya sabay pinahiran ko ang mga luha niya gamit ang likod ng palad ko.

“hoy, Cyaan! Ako ng boyfriend mo, ba’t sa kanya ka nag aalala!” galit na sabi ni Renzy sabay hinila niya si Cyaan sa braso. Akmang susugurin ko sana siya ulit ng suntok ng biglang nag salita ulit yung Principal.

“tigilan niyo na yan sabi eh! at ikaw, Ms. Estevez, sumama ka rin sa office ko!” bumitaw si Renzy sa pagkakahawak niya kay Cyann, kaya dali-daling pumunta si Cyann sa Left side ko, malayo kay Renzy at kumapit siya sa braso ko. Tahimik na lang kaming sumunod sa Principal papuntang office niya.

(CYANN’S POV)

Ang tae. Nakaka inis. Nang dahil sakin napa away pa tuloy si PJ. Naiinis ako sa sarili ko. Nasira pa tuloy ang magandang mukha ni PJ. Tapos mapapa-Principal’s office pa kami. Kung tutu-usin, wala naman talgang kinalaman ditto si PJ eh. bakit niya pa kasi sinugod si Renzy. Nakaka inis.

Tumugil na kami sa paglalakad ng makarating na kami sa Principal’s office. Napahigpit ang kapit ko sa braso ni PJ dala siguro ng kaba, kaya napa tingin siya sakin. Nginiti-an niya ako.

“P-PJ.. Im sorry..” mahina kong sabi.

Tinanggal niya ang kamay kong nakaka kapit sa braso niya, at hinawakan niya ito. Yung bang parang nag ho-holding hands. Ganun. “okay lang. wala ka namang kasalanan eh.” ngumiti na lang ako sa mga sinabi niya saka pumasok na kami sa Principal’s office.

“seat down, the three of you.” Sabi ni Ms. Lopez. sabay umupo rin siya sa harap namin.

“Ikaw, Mr. Borromeo. Bagong lipat ka pa lang dito, gumagawa ka na agad ng gulo.” Sabi ni Ms. Lopez. Yung Principal.

“pe-pero.. hin—“ bago paman matapos ni PJ ang sasabihin niya agad na namang nag salita si Ms. Lopez

“at ikaw naman, Mr. Villaruel. Palagi na lang ganito. Hindi ba pwedeng matapos ang araw mong wala kang gulo na ginagawa?!” galit na sabi ni Ms. Lopez.

“sabihin niyo nga sakin kung anong dahilan ng pag aaway niyo?! Bilisan niyo!” si ms. Lopez sabay pinaypayan niya ang sarili niya ng pamaypay niyang kulay gold. Sosyalin tong matandang to. Pwede kayang isanla yang pamaypay niya? Joke.

“hindi ako ang nag simula ng gulo! Ito. Itong g*gong to!” si Renzy. Sabay pinag tuturo si PJ.

“watch your mouth Mr. Villaruel! At ikaw, PJ, totoo bang ikaw ang nag simula netong gulong to?!” si ms. Lopez na wari mo’y na ha-high blood na.

“opo.” Tipid na sagot ni PJ.

“ginawa lang po yun ni PJ.. dahil… dahil.. pinagtanggol niya lang ako. bi-binastos po kasi ako ni.. *tingin kay Renzy* ni.. Renzy” biglang sagot ko. Kaya napataas ng kilay si Ms. Lopez.

Kinwento ko ang lahat ng detalye ng ginawa ni Renzy sakin at ang pagtatanggol sakin ni PJ. Mabuti naman at pumanig samin si Ms. Lopez. Pero pinagalitan parin niya si PJ at ipapatawag pa daw ang mama neto. Nung pina labas na kaming tatlo ng office ni Ms. Lopez, tumingin samin si Renzy. Sakin pala. Saka nag salita.

“hhmm.. humanda ka sakin, Cyann. akin ka lang.” sabay tumingin naman siya kay PJ at tinuro-turo ito. “at ikaw, hindi pa tayo tapos. Paki-alamero!” sabay umalis na siya.

Niyakap ko si PJ ng mahigpit sabay nag salita. “PJ.. so-sorry talaga. Nadamay ka pa tuloy. Tignan mo, nag kapeklat pa yang mukha mo. Tapos ipapa-tawag pa si tita Yssa. So---“ hindi na ako pinatapos ni PJ sag a sasabihin ko.

“wag ka ngang mag sorry. Okay lang yun. Okay lang to. Ano ka ba.” Sabi niya sabay hinawakan niya ulit ang kamay ko. “balik na tayong classroom?” umiling ako, sabay turo sa mukha niya. “ano?” tanong ni Pj.

“dadalhin muna kita ng clinic, para ma gamut yang mga sugat mo.” Sabi ko sa kanya at tumango naman siya.

Habang nag lalakad kami, Pinipisil- pisil niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tapos kapag mapapa tingin ako sa kanya dahil sa gingawa niya ngi-ngitian niya ako o di kaya ay kikindat siya. Ang tae lang. kahit alam ko nang bading siya.. eh kinikilig ako.

Nung natapos na siyang gamotin sa clinic dumeretso kami agad sa classroom. Pag pasok naming, ang tae lang. ang lahat ng mata naka tingin sa amin. Or should I say, sa kamay naming na hanggang ngayon e magka hawak parin.

“wow!!! Ang sweet!!”

“so, kayo na?”

“congrats!. Bilis ah..”

“bagay kayo!”

“wow! Nakaka inggit!”

Yan lang naman ang mga pinag sasabi ng mga mababait naming mga kaklase, at na ngunguna pa talaga si Danica sa pag tukso samin. Kaloka.

MY GAY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon