part 1

166 4 2
  • Dedicated kay Jhaly BaLais Francisco
                                    

"Cyann, alam mo na bang---"

"Hindi. hindi ko alam." pagpuputol ko sa sinsabi ng nilalang na ito na nilihi sa megaphone. joke. ang ingay kasi eh.

"Ano bayan! nambabara ka nanaman eh!" sabi nya. sabay upo sa upu.an katabi ko.

"Ay.. sorry powss.... ano ba kasi yun ha?" pagtatanong ko.

"Eh, kasi ganito yun.. MAY BAGO TAYONG CLASSMATE!!!! AT SUPER GWAPO NYA!!! TALAGA!!! KALERKI!!!!" sya na nag tititili na.. O.A maka react neto ha?.. bagong classmate lang tili na agad?.

"oh? so, ngayon?" walang gana kong sabi.

"Haaayss.. nako girl. Tiyak pag nakita mo yun... Ma iinlove ka na agad" sabi nya with matching turo pa sakin at kindat.

Che!. Asa naman sya. As in A-S-A... helleer???... Ano kaya yun? kakikita mo pa lang ma iinlove ka na agad? anu yun, instant noodles?..

Ay hindi pa nga pala ako naka pag pakilala sa inyo. Ako nga pala si CYANN ALEXIS ESTEVEZ. 16 years old. Fourth year high school na ako. at ang naka bibinging kausap ko kanina ay ang aking dakilang BESTFRIEND!!!....na si.... ~~ten-tene-nen-tenen!..~~  DANICA LUZ CORTEZ.

Andito kami ngayon sa classroom, nag iingay. lols.Totoo naman kasi, wala pa ang late as always naming adviser.matanda na kasi eh. kaya mabagal kumilos at may pagka- bingi pa. ssshh....  Wag nyo akong esumbong sa kanya ha?..

Maya-maya, nag si-ayos na kami sa pag upo nandyan na kasi si Ma'am. Ayun, nag di-discuss sya ng kung ano-ano. Wala namang may nakikinig sa kanya. Maya- maya may kumatok sa pintu-an kaya lumabas si Ma'am saglit. aba at pag balik eh abot tenga na ang ngiti ng lola.. hahaha... ano kayang meron?.

"*clears throat* Class, you have now a new classmate. Lets give him a warm welcome. Come on in, Mr. Borromeo." pag kasabi nun ni Ma'am sumenyas sya dun sa labas na "pasok".

"Please introduce your self, Mr. Borromeo." sabi ni Ma'am. sabay pumagitna na ang lalaki.

"Hi. I'm PJ Borromeo. Have been existing here on earth for 16 years. Thank you." sabi nya sabay nag bow.

"Okay, you may now occupy the vacant seat beside Ms. Estevez" sabi ni Ma'am.

Agad naman siyang tumabi sakin. Shet. Totoo ba to? May katabi akong gwapo?. Shetness talaga. Buti na lang at may shorts ako kug hindi baka na hulog na yung panty ko sa ka-gwapuhan nya. Maka-laglag panty eh. Joke. Pero totoo. Ang gwapo nya talaga. Ang tangos ng ilong, ang pula ng labi. Sarap halikan. nakaka temp. Ang ganda ng mata. nakaka-akit. Ang bango pa nya. Naliligo kaya to sa pabango?. Ang ganda rin ng katawan nya. Hindi sya payat, hindi rin mataba. Yung normal lang. Ang ganda pa ng kutis parang naliligo sa gatas.

"Oh, baka ma tunaw na ako niyan, ha?." sabi nya sabay ngiti.

Shetness. Di ko na namalayan na kanina ko pa pala siya tinititigan. Nakakahiya tuloy.

"Ah.. eh.. hehehe.." sabi ko sabay napakamot na lang ako sa ulo ko. Shet. eh nakaka speechless eh. Ikaw ba naman maka tabi sa Gwapo, tignan natin kong makapag salita ka pa.

(PJ's POV)

Ahahahaha... Nakakatuwa talaga tong katabi ko. Hindi ko alam yung fullname nya pero Estevez ang apilyedo nya. Kanina pa tulala sa harapan ko eh. Ganito na ba talaga ako ka gwapo? Kahit sino na lang natutulala sakin eh. Naku! kung alam lang nilang hindi kami "talo" no.

Oo. Hindi kami talo dahil "BAKLA" ako. hindi lang halata kasi hindi ako nagbibihis babae, nag aahit ng kilay o ano pa. Hindi rin ako nag boboses babae no. Pormal ako. Lalaki ako kung kumilos, mag salita at manamit. hindi ako yung tipong nag kekerenkeng. Btw, ako nga pala si PJ Borromeo. 16 years old. Yun lang. Thank you. Mabuhay Philippines.. *wave. wave*

Haay.. sa wakas nag bell na rin. Ibig sabihin, lunch break na!!... kanina pa kaya ako na gugutom no. Pagka bell agad- agad na nagsilabasan ang mga ka klase ko. Eto naming katabi ko aba eh hinila agad nung isa naming kaklase. Ibang klase rin sila eh. Mukhang ako lang muna mag isa ang mag lu-lunch wala pa kasi akong kakilala rito eh. Lalabas n asana ako ng classroom ng may biglang nag salita sa likuran ko.

“Ah.. eh.. gu-gusto mong sumabay samin mag lunch?” nahihiyang sabi nung katabi ko kanina. Ang cute nya, kasi namumula ang pisngi nya eh.

“OO. Sumama kana samin, total wala ka pa namang kakilala dito diba?” biglang sabat nung babaeng humila sa kanya kanina.

Tumango na lang ako bilang pag sagot na pumapayag ako. Agad namang kumapit sa braso ko yung kaibigan nung katabi ko kanina. Feeling close eh no?. habang nag lalakadkami papuntang cafeteria, etong babaeng kumapit sa braso ko e daldal ng daldal. Kanina pa nga sinsaway netong ni Estevez eh, kaso ayaw paawat sa kadaldalan.

So, Cyann Alexis Estevez pala ang pangalan netong seatmate ko. Bongga! Pang sosyal ang name. at etong si megaphone naman ay Danica Luz Cortez pala ang name. Chaka nila mga ateng. Ang gaganda ng pangalan eh. Bagay sa Feslaks nila. Hahaha..

Nilibre ko na sila ng lunch kasi, wala lang. trip ko lang. Habang kumakain kami, bigla na lang akong humagalpak ng tawa. May naalala kasi ako bigla eh. Ahahahaha.. nalala ko yung sinabi kanina ni Danica sa batang sumingit sa pila namin. Ahahaha… kawawa talaga yung bata. Mukhang nasa  2nd year palang ata sya eh. Pano ba naman eto lang naman yung sinabi nya sa bata.

“Ate, pwedeng pasingit?” sabi nung bata kay Danica.

“pasingit?? Eh kung kurutin kaya kita sa singit?. Dun ka nga sa likod. Bawal ditto ang mukhang singit. Che!” sabi nya sabay inirapan yung bata.

Kawawa yung bata. May pagka- mean rin pala tong si Danica eh. Pero natatawa ako sa sinabi nya sa bata.pinag tinginan nga kami nung ibang naka pila rin eh.

MY GAY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon