Pinalis ko ang dugong dumaloy mula sa gilid ng aking labi. Matalim kong tiningnan ang lalaking nakahandusay sa aking harapan.
This guy ruined my face.
"Ano ng gagawin natin sa mga 'yan?" Nilingon ko si Eros na nasa aking tabihan.
I turn my eyes on the four guys lying on the ground. Kung hindi sana nila pinasakit ang ulo ko edi sana hindi nila sinapit ang ganyang estado.
Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo mula sa bulsa ng aking polo.
"Hayaan na lang natin sila diyan tutal masarap naman ang tulog nila." usal ko sabay talikod sa kanila.
Hinilot ko ang gitna ng aking mga mata. Sinilip ko ang oras sa aking relo. Alas-dos na ng madaling-araw. Umabot rin pala ng mahigit dalawang oras ang pakikipaglaban namin sa grupo ng mga seniors.
Paniguradong bukas laman na naman ako ng Discipline Office.
"Saan ka na naman nanggaling? Anong nangyari sayo?!" pilit kong kinuha ang kamay ng aking ina para makapagmano ngunit agad nya iyong iniiwas.
"Nakipag-away ka? Ano ba ang nasa kokote mong bata ka!"
"Naglaro lamang po kami nina Eros ng basketball." tanggi ko.
"Naglaro? Anong klaseng laro kaya iyan at halos mabugbog na ang mukha mo!"
Nanginginig sa galit si mama.Huminga ako ng malalim at nilagpasan na lamang siya. Hanggang sa kwarto ay panay pa rin ang pangaral sa akin ni mama.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong bata ka! Kung gumaya ka na lamang sa kapatid mo edi sana hindi ako nangangaral sa iyo ng ganito!"
Parang balang sumapol sa akin ang sinabi ni mama. Napatingin ako sa kanyan habang siya naman ay hindi magkamayaw sa pagtaas-baba ang dibdib. Tinalikuran niya ako at lumabas sa aking kwarto.
Noon pa man ay gusto na niyang tularan ko ang aking kapatid. Mabait, matalino, masunurin hindi katulad ko na bulakbol, walang patutunguhan sa buhay, matigas ang ulo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis muli ako at lumabas ng aking kwarto.
Patay na ang mga ilaw kaya marahil tulog na rin si mama. Dumiretso ako sa kusina para doon dumaan.
"Isa nga pong cup noodles." sabay abot sa babae ang aking bayad.
"Alam kong reresbakan tayo ng mga iyon maalin sa darating na araw..."
Manghang-mangha ang mukha ni Eros ng marinig ang sinabi ko. Bahagya siyang napatawa.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Tinatawa-tawa mo dyan?"
"Kakaiba ka rin talaga. Kung ang iba ay nanginginig na sa takot dahil baka bawian sila, sa iyo naman ay parang wala lang ang lahat." ani Eros.
"Bakit? Hwag mong sabihin na naduduwag ka na?"
Natawa ulit siya sabay iling.
"Nabitin ako! Bibili muli ako." sabi ko sabay punta muli sa counter.
Nadatnan ko roon ang isang babaeng kausap ang cashier.
"Baka nagkakamali ka lamang miss? Hin...Hindi-- Walang may pangalang ganiyan dito!" Halatang abot ang kaba ng babaeng cashier sa pagpapaliwanag sa babae.
Sinilip ko ang hawak ng babae at agad naman niya itong sinikop at inilagay sa kanyang bag.
"Excuse me..." singit ko.
Nanlaki ang mata ng cashier ng makita ako.
Dahan-dahang lumingon sa akin ang babae. Gulat ang kanyang mukha na tumingin sa akin.
Ano kayang problema ng isang 'to?
Hindi pa rin naaalis ang kanyang titig sa akin kaya sinimangutan ko siya.
"Ano?!"
Bahagyang ngumiti ang babae. "Uno, umuwi ka na..."