Eris' POV
"Eris waiiiit!" Sigaw ng kaibigan kong napakakupad. Kanina ko pa hinihintay dito sa labas ng restroom, ngayon lang natapos. Jusmiyo naman kasi, kinain ata lahat ng pagkain sa canteen.
"You're so bad. Iniwan mo na naman ako." Sambit niya sabay nguso. Ano ba to, bibe?
"E napakainit kaya dito. Ayoko naman mag-stay sa loob at baka himatayin ako sa amoy."
"Ay grabe siya oh! Di naman mabaho no! Hehehe success nga e." Sabay suklay sa buhok niya gamit ang daliri. Naghugas ba to? Hahahaha.
"Yuck!" Asar ko sa kanya.
Sanay na yan sa pang-aasar ko. Sanay na rin ako sa kabaliwan niya. At sanay na sanay na rin siya sa kagandahan ko. Chareng!
First day ng pasok namin ngayon bilang Grade 11 senior high school. Sa public school lang kami pumapasok ng dalawa kong kaibigan dahil feeling namin ay boring sa private. Ang babaeng loka-loka na kasama ko ngayon ay si Autumn Trinidad. Grade 4 pa lang kami ay magkaklase na kami at nadevelop ang pagkakaibigan kaya nag-decide kaming magsama sa iisang school pagdating ng high school. At dahil pareho naman ang range ng utak namin ay parehas kami ng section up until now.
"Ris, tingnan mo yun oh. Nyahaha" tawa niya ng patago. Tiningnan ko naman kung ano yung tinutukoy niya. Hahahahaha! Sabi na nga ba e.
Ganto kasi kami. Sabihin niyo ng judgemental pero di talaga maiiwasan e. Pareho pa kaming may pagkabaliw. Dahil nga first day ngayon, allowed ang lahat ng students magsuot ng civilian.
"Bes Christmas party ata ngayon e. Hihihi." Dagdag na naman niya. Natatawa na lang ako dahil ayokong mahalata kami. Baka may makarinig pa sa amin at mapaaway pa kami.
Ang suot kasi ng pinagtatawanan niya ay skater's skirt na neon pink, yellow na three-fourths at rubber shoes. Yung medyas niya ay hanggang tuhod. Pero ganon talaga, di natin sila madidiktahan sa style nila hahahaha.
Dahil nga public school ito ay expected na malaki ito. Kahit yung mga taga-ibang bayan, pinipiling mag-aral dito dahil kilala ang school na ito.
Habang naglalakad ay nagse-cellphone ako. Sanay naman na e. Itong si Autumn ay palinga-linga naman sa mga porma ng mga studyante dito. Minsan napapa-wow siya at minsan natatawa. Baliw talaga e. Pero alam niya naman na pag hawak ko ang cp ko ay tahimik lang ako kahit wala namang kachat.
"AZALEA!"
Huh? Tama ba ang rinig ko? First name ko yon ah. Oo first name. Azalea Eris Villegas Alonzo ang buo kong pangalan. May iba bang Azalea dito? At kung ako man iyon, bakit Azalea? E Eris ang tawag sa akin ng karamihan maging ang mga kaibigan ko. Sa bahay lang ako may nickname e.
"ERIS!"
And now, I'm sure. Ako nga ang tinatawag. Pero sino yon? At bat ako tinatawag?
"Oy bes may nagtatawag ata sayo." Napansin din niya dahil pasigaw.
"Oo nga e. Nakita mo kung sino?"
"Nope. Pero lalaki e."
"Galing sa taas no?"
"Oo. Hala, ikaw ha? May secret admirer ka! Alelelele!" Pang-aasar naman niya.
"Nagtawag lang secret admirer kaagad? Abnormal ka talagang bibe ka."
"Ay you're sa bad talaga! Why naman bibe?"
"Tse ewan ko sayo! Tingnan mo kasi yang nguso mo oh"
At ang uto-uto, tumingin naman talaga sa nguso niya. Edi nagkanda-duling duling ang loka.
"Ang hirap e. Ang sakit sa mata. Why ba? Anong meron sa nguso ko?" Painosenteng tanong niya. Napairap na lang ako sa katangahan niya. Seryoso? Tao ba to?
"ALONZO!" sigaw na naman nung boses ng lalaki mula sa taas ng building na katapat nitong pinaglalakaran namin. E Grade 10 ang mga nandito e. Wala naman akong kaclose doon.
Dahil sa pagtingin ko sa taas, di na ako nakatingin sa dinadaanan ko. Kaya medyo nabigla ako nang may makabunggo ako. Oh shit naman oh! Malapit ko ng mahagilap yung tumatawag sa akin e. Bat ba kasi nagtatago ang isang yon tas tatawag-tawagin ako?
Nagulat din si Autumn sa lalaking nakabangga ko. Hindi ko pa siya masyadong makita dahil matangkad siya at saktong sa chest niya ako napaharap.
Oh. My. Ghad.
High school din ito? Ohmyyyyy! Ulam! Natulala na ako dito dahil naka-form na ang muscles niya sa chest at halatang may abs din ang isang to. Yummy ang biceps. Nyahahaha!
Kumurap kurap na ako at di pa rin siya gumagalaw kaya napatingin na ako sa mukha niya. Medyo may sinag sinag pa ng araw kaya napapikit ako ng konti sa silaw.
"Hahahahahaha! Ang tinik mo pre!"
Saka ko lang namalayan ang nangyari. Hala! Para akong tanga. Bat ba kasi parang slow motion ang nangyari? At asan si Autumn?!
"A-ay s-sorry." Nauutal-utal ko pang sabi doon kay kuyang so hot dahil sa hiya sabay lakad na patakbo na. Asan ba si Autumn? Katabi ko lang yon kanina ah? Naman oh! Kahiya tuloy.
Naiinis ako! Bwisit! Huhuhuhu nakakahiya. Napahiya tuloy ako dahil sa mga tropa ni kuyang so hot. Bat ba kasi ang hot niya e. Di naman sobrang muscled. Sakto lang pero masculine talaga at di lalambot lambot. Ngayon ko lang siya nakita dito. Pati yung mga tropa niya ugok!
"Ate!"
Lingon ako ng lingon sa daan para makita si Autumn. Asan yon? Tumingin lang ako sa second floor para tingnan kung sinong nagtatawag sakin, nawala na siya? Abnormal talaga!
"Hoy ate!"
Kung kelan ko pa siya kailangan, mawawala naman. Jusmiyo. Sa sandaling oras ang dami ng nangyari ah? Kailangan pa naman na namin umuwi.
"Ateng naka-black!!"
Naghahanap ka nga, may sasabay pang pagkaingay-ingay na mga tao sa paligid. At sino ba yung nagtatawag na yon? Manong lapitan niya na lang yung tinatawag niya, nakakadistract tuloy. Kanina pa---
"Ate, bingi ka ba?" Halos mapatalon ako sa humawak sa braso ko. Shit! Yung lalaki kanina. Waaaah! Sinusundan niya ako. Nakakahiya!
Di na naman ako nakapagsalita at nanlalaki ang mga mata. Sobra sobrang kahihiyan na ang nararamdaman ko sa lalaking ito. Argh!
"Nalaglag mo yung panyo mo." Sabi niya ng nakatingin ng diretso sakin. Mas nakita ko pa ang buo niyang mukha. Di lang ang katawan ang yummy! Pati mukha men!
Kinaway kaway niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko.
"Ate ayos ka lang? Panyo mo kako nalaglag kanina nung nagkabunggo tayo. Sorry nga pala ha? Di kasi ako nakatingin sa dinadaanan." Sabay kamot niya sa gilid ng ulo niya at ngumiti. Chinitooo!
"Oh iyan na ate. Hahaha parang takot na takot ka sakin, di naman ako nangangain ng tao e." Sabay kuha niya sa kamay ko at nilagay sa palad ko ang panyo ko. Di ko man lang namalayang nalaglag yon kanina.
"Uh... Hehehe. Salamat." Nginitian ko na lang siya sa abot ng makakaya ko.
"Sige alis na ako." Sabay turo sa likod niya at pumihit na patalikod saka umalis. Oh no! Don't leave me baby! Chareng.
Pinagmasdan ko siya paalis. Kahit nakatalikod, gwapo.
"Oy bes! Tingnan mo ang cuuuuute!" Bumalik lang ako sa muang nang marinig ko ang boses ni impaktitang abnormal na bibe na may hawak na... Kuting?? Saan galing to?!
"Saan ka galing ha?! Bigla kang nawalang impaktita ka. At saan mo napulot yan?!"
"Oh, chill. Hehehe hinabol ko si muning kanina. Ang cute e." Aba't may pangalan agad ha? Cute daw? Ayoko ng kuting!
"Ahehehe alam ko, ayaw mo. Pero si Leonie gusto to. Tara bigay--"
Saka ko lang naalala, sht naghihintay nga pala si Leonie sa parking lot! Lagot kami doon huhuhuhu. Kaya hinatak ko na si bibeng abno at tumakbo ng mabilis at nagulat naman siya kaya di na natuloy ang sinasabi. Lagot talaga kami!
"Bakit?!" Reklamo niya habang tumatakbo kami at hawak ko ang isang kamay niyang walang kuting.
"Patay tayo kay Leonie!"
"Shit oo nga!"
BINABASA MO ANG
Wished
FanfictionWe all wish for a perfect love story. We are all hoping for that one person who can make us feel loved. Everybody wants someone who can love them eternally without any condition. Is that possible? How can we hold on to a particular person in a long...