Eris' POV
Pagkadating namin ng parking lot ay dumiretso agad kami kung nasan ang kotse nila Leonie. Sa kanila kami sasabay ngayon. Salitan kasi.
Pagkatapat namin sa kotse ay bigla itong umandar. Waaah! Sinasabi na nga ba e. Iba kasi ang trip ng babaita na ito. May pagkaweird ba. Lagi niya kaming kinakawawa ni Autumn.
Humarang kami sa daan para huminto ang kotse, at huminto nga ito. Pumunta si Autumn agad-afad sa pinto pero locked iyon kaya kinatok noya ng kinatok. Nakatayo lang ako dito sa harap ng kotse dahil baka paandarin na naman. Di ko naman siya masisisi dahil pinaghintay namin siya ng almost one hour. Argh!
Binaba niya ang window pero di ko natatanaw ang kaganapang nangyayari dahil nasa harap nga ako. Siguradong papahirapan kami nitong babaita na to.
"Huhuhu sorry na bes! Papasukin mo na kami. Yieeee papapasukin na kami niyan!" Sabay palakpak ni Autumn na tila ba nililibang si Yoni.
"No." Dinig kong sabi niya. Sabi na nga ba ay!
"Yoni! Sasayaw kami ng trumpets dito basta't papasukin mo lang kami!" Sigaw ko. Nagtitinginan na nga yung ibang dumadaan. Well, I don't care. Mas nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina.
"No." Emotionless niya na namang sinabi. Myghad! How?!
"Bes bibilan ka namin ng lion toy! Yung malaki!" Dahil sa sinabi ni Autumn ay nabigla din ako. Really? Seryoso ba siya?! Ang hirap humanap non! Pahamak talaga ang isang to. And knowing Leonie Kosuge na isang intsik na singkit na mataba ang pisngi ay di yan tatanggi pagdating sa 'lion stuffs'. Weird right? She like those weird stuffs. Mga bungo, mga kuting, mga witch, black things, like eww?! I like black too pero di naman black ang kwarto ko! E siya? Black ang pintura ng kwarto niya e. Katakot!
Biglang bumukas ang pinto ng red toyota vios nila. Kumaripas na ako ng takbo papunta sa loob at baka masaraduhan pa ako. Nagkauntugan pa nga kami ni Autumn e.
"Siguraduhin niyong by next week mabibigay niyo na sakin ang promise niyo." Sabi ni Leonie sabay salpak ng earphomes sa tainga. Sinamaan ko naman ng tingin si Autumn at nag-peace sign lang sakin. Mukhang kailangan pa naming pumunta ng SM ah? Ayaw pa naman niyan ng pipitsugin. Tsk!
"Punta tayong SM sa Sabado bes." Bulong sakin ni Autumn. Inirapan ko siya.
"Iyon na nga yung sasabihin ko sayo e. Naunahan mo lang ako. Hmp! Pahamak ka kasi."
"E di kasi tayo papapasukin."
"Pwede naman isang galon na lang ng salted caramel na ice cream! Bwisit ka!" Pabulong ko ding sabi kahit na medyo pasigaw.
"Ay oo nga no. Hehehe." Sabay kamot sa ulo "Di ko naisip"
"Siraulo ka. Hirap humanap non ay. Ang mahal pa. Di pa ako binibigyan ng allowance ni Mama."
"Bahala na nga huhuhu"
Di na ako nagsalota sa gitna ng byahe. May natitira pang 15 minutes para makarating sa café na pupuntahan namin kaya iidlip muna ako.
Papikit na ako nang biglang may kadiri akong naramdaman. Shit! Halos mapatalon ako doon. Tumataas ang balahibo ko sa mga kuting! Mas ayos na ang pusa pero pag kuting pa lang? No way!
"Alisin mo nga yan dito Autumn!" Di ko napigilan at nalakasan ko ang boses ko. Nadistract naman si Leonie kaya napatingin samin.
"Ihhhh! Kawawa naman siya. Aalagaan ko na lang."
"Ako! Ako na ang mag-aalaga!" Sabay hablot ni Leonie doon sa kuting. Argh! Ayoko talaga doon. Ewan ko ba kung bakit. Pati sa aso takot ako pero minsan para wala lang naman sa akin ang mga aso.
"Isasama niyo yan sa café?"
"Oo naman. Why not?" Sabi naman ng pangit na katabi ko, este si Autumn.
"Seryoso? Paano tayo makakakain ng maayos kasama ang kuting na yan?" Fvck! Feeling ko ay maha-highblood na ako sa kanila. Jusme! Wala.na bang lalala sa araw na ito?
"Edi wag na pumunta sa café" sagot naman ni Leonie.
"No way! I'm craving for some cake ang frappe right now duuuh!"
"Arte nito, edi isasama natin ang kuting na ito sa ayaw at sa gusto mo."
Hays. Wala na akong magagawa. Pero nagugutom ako and craving again. Ano ba yan, ayaw makisama ng tiyan ko!
After few minutes, nandito na kami sa café. Agad agad akong bumaba ng sasakyan at inunahan ko na sila. Baka kasi mawalan pa ako ng gana because of that kitten.
Konyi lang naman ang mga tao dito at wala akong schoolmate namin na makita dito dahil medyo may kalatuan ito sa school at di pwedeng lakarin. Medyo tago din kasi ang café na ito kaya gusto ko dito.
"One java chips and one mini blueberry cheesecake, take out please."
"350 pesos mam."
Pagkaabot ko ng 500 ay sinuklian noya na ako. Sakto naman at dumating na rin ang dalawa. Pumunta ako sa pinakamalapit na seat para hintayin ang inorder ko at ang ang dalawa kong abnormal na kasama.
Nagbukas muna ako ng ig atsaka ng nagscroll lang ng nagscroll. Pero ang nagpadagdag ng bad mood ko ay ang nakita ko. What is this? Agad agad?
Two months ago, my ex and I broke up. Yung mga kadalasan ding dahilan ng break up ang naging dahilan ng break up namin. Knowing boys, di sila mapakali. Masyadong adventurous. Pero tama bang dahilan iyon para manloko? Para hindi maging kontento? Nakakalungkot isipin na wala ka na halos makikitang o mahahanap na lalaking matino at di pinagpapalit ang girlfriend niya sa babaeng pang-kama lang.
"Bes ayos ka lang?" Tanong ni Autumn sa akin pagkadating niya sa table namin. Tumango na lang ako. Dahil baka pag nagsalita ako ay mapiyok lang ako at maiyak pa. It's been two months but I still can't move on. Nililibang ko ang sarili ko pero pag nakikita ko siya, o nakakakita ako ng nakakapag-paalala sa kanya, di ko maiwasang maging bad mood or worse, maiyak.
Inopen niya ang cp ko dahil alam niya naman ang password nito. Pagkakita sa kung anong nakita ko ay tumaas ang kilay niya. Kahit may pagkaabnormal ito ay matino din naman minsan. Matino dahil normal ang kilos na ginagawa niya.
"I knew it. How dare him?! Ang kapal ng mukha niyang magpost ng ganyan huh?! After your break up? Dang!"
He posted a picture on ig with a girl. They are hugging each other tight, na parang ayaw bang pakawalan ang isa't isa. I can't see who the girl is. Kahit kailan ay di niya ako niyakap ng ganyan. Kahit kailan ay di siya nagpost ng picture naming dalawa.
Isa sa dahilan ng pakikipaghiwalay ko sa kanya ay ang issue'ng pineperahan niya lang ako, tina-timer at niloloko. Ayoko maniwala pero parang totoo. At maraming nagsasabi sakin, kasama na ang tropa at pinsan niya. Bat naman sila magsisinungaling sakin tungkol sa kanya diba? Malamang totoo yon dahil wapa naman silang mapapala kung sisiraan nila sakin ang tropa nila.
Nang maalala ko yon ay kasing bilis ng ambon na tumulo ang luha ko, tinakpan ko na lang ang mukha ko ng panyo. Di na rin naman nagsalita si Autumn at hinagod na lang ang likod ko. Naramdaman ko naman na din si Yoni. Alam kong alam niya na ang dahilan ng pagdadrama ko ngayon. Wala naman ibang dahilan e. Kahit din weird siya, she's lovable and trye friend. Mahal na mahal ko yung mga kaibigan ko na to kahit napakaabnormal nila.
Maya-maya ay naramdaman ko ang haplos nung kuting. Pero dahil sa mood ko ngayon ay di naman ako nainis o nandiri. Parang napakagpagaan pa nga ng loob ko e.
"Meooow!"
Kinandong sakin ni Leonie yung kuting at ngayon, nakangiti ako. Ewan ko ba kung bakit pero gumaan ang loob ko sa kuting na to.
BINABASA MO ANG
Wished
FanfictionWe all wish for a perfect love story. We are all hoping for that one person who can make us feel loved. Everybody wants someone who can love them eternally without any condition. Is that possible? How can we hold on to a particular person in a long...