◼️◼️◼️◼️◼️◼️
CHAPTER ONEDios mio," mahinang sambit ng aking katabing si Heloise. "Ang landi talaga ng lalaking iyan." aniya. Napailing na lamang ako. Matagal na niyang pinagmamasdan si Eliana Chloe Adel at Forest Lightning Joshuas. Si Eliana ay ang kaniyang kinikilalang 'flavor of the week' ni Forest, iyon ang sabi nila. I can't agree with them any longer, though. Totoo naman na paiba-iba siya ng babae. Pero kahit sa dinami-dami ng babaeng naikama niya, marami parin na nagkakandarapa sa lalaking ito. Nakakamangha lang ang pagkahumaling sa kaniya ng mga babae. Ang ba nga sa kanila ay naghahabol pa. Gusto pa yata ng isa pang round.
"Sino naman kasi ang nagsabi sa iyo na tignan mo ang dalawang iyan?" sarkastiko ko siyang tinanong. Umirap siya at natawa na lamang ako. Bumaling ako kay Forest at Ellie na ngayon ay naghahalikan sa harap ng maraming tao. It's not like I don't like them or anything, but it's really the truth.
Hindi ko na lamang sila pinansin. Ano naman kung iyan ang gusto niyang gawin? Wala naman kaming magagawa. Bahala siya sa buhay niya, buhay naman niya 'yan. Hindi naman namin siya kayang pigilan, gustuhin ko man.
"Sabagay," ani Heloise.
It's not really fun to watch a guy lip locking with a girl in the middle of the class. Especially when that girl looks like a bimbo from a night club. Hindi naman sa nagseselos ako. It's just that, it's really disturbing, you know? Yung tipong nag co-concentrate ka sa itinuturo ng teacher mo tapos bigla ka na lang makakarinig ng ungol? What the actual hell? Buti nga hindi sila pinapansin ng guro namin kahit pulang-pula na ang mukha nito.
Nang lumabas ang teacher namin, agad akong nag-ayos ng mga gamit. Sabay kaming lumabas ni Heloise sa silid. Hawak hawak niya ang kanyang libro na kakagamit lang at isang maliit na coin purse. Bihira niya dalhin ang kanyang wallet, malaki raw kasi at maaring maging sagabal lamang dahil nakakaagaw atensyon ng mga magnanakaw.
Bakit ko nga ba ito pinagtutuunan ng pansin? Napailing na lamang ako. Baliw na talaga yata ako. Sabay kaming lumabas ngayon, pinagsama ang limang section kaya sabay sabay kaming lumabas. Nagkaiba-iba na rin ng pwesto sa upuan kaya siguro nakanap ng makakahalikan iyong si Forest.
Ang weird na ng mga pangalan ngayon ano? May Bridgette which has the nickname of Bridge. Ano 'yun tulay? We have Ash which means abo ni Filipino. Ark which means barko. Meron ding Thunder. Ano kaya iyon? Kulog?
Tapos ito namang kaklase ko Forest? Gubat? Napailing na lamang ako. Baka sa susunod Pencil ma ang pangalan ng mga tao sa mundo. Mabuti na lang at ako si Meredith Astraea.
"Bakit kaya may nga ganoon na tao?" tanong niya habang sinusundan ng kanyang mga mata sila Ellie at Forest sa harapan namin. Nakanguso siya at napangiwi habang pinagmamasdan ang dalawa. "Harot to the max!"
"Huwag mo na lang sila pansinin," mahina kong isinagot na para bang pinapatahimik siya. "May gusto ka ba kay Forest?" kuryoso kong tanong. Madalas na kasi niyang ikinukwento ang tungkol kay Forest at mga kalandian nya kada linggo. Nakakapagtaka lang dahil hindi naman siya ganito noon.
"Hindi no!" halos mapasigaw siya sa gulat. Kumunot ang kanyang noo. "Hindi ba pwedeng naiinis lang ako sa kanya? Tulad mo, naiinis ka rin sa mga ganiyang tao pero hindi mo sila pinipintasan, audibly."
"Yeah, yeah," I said dismissively. "Pinipintasan ko rin ang mga ganiyang tao. Pero sa isip-isip ko lang. Hindi tulad mong harap harapan." ang sabi ko naman.
"Nagugutom na ako," aniya at hinimas ang kumakalam niyang sikmura. Natawa naman ako. "Ang haba pa nang pila!" reklamo niya at napakamot ng ulo.
Mahina akong humalakhak at nang-irap naman siya. Hindi pa nag-iisang minuto na nakapila kami ay may lumapit na sa amin na lalaki. Humarap ito sa aking kaibigan na si Heloise.
Ah, admirer na naman siguro ito. Maganda si Heloise. Simple lamang siya manamit at hindi makapal ang makeup. In short, natural beauty. Hindi rin sobrang ikli ng mga damit niya. Kaya maraming nagkakagusto rito eh. Maganda, at matalini na, mabait pa! Oh, di'ba? Saan ka pa? Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit niya tinatanggihan ang mga manliligaw niya.
"A-Ah," nauutal na sinabi nung lalaki. "P-Para sa'yo nga p-pala, H-H-Heloise." aniya at inabot ang box na mukhang cake ang laman.
"Ah hehe," napakamot sa ulo si Heloise at awkward na ngumisi. "Salamat pero huwag mo na akong bigyan sa susunod. Baka maabala pa kita."
Tumango ang lalaki at umalis. Nang matapos kami sa pila, humanap kami nang pwede naming pagkainan at umupo.
"Alam mo ba? May quiz na naman kami mamaya kay Mrs. Santos! Pa-quiz naman siya ng pa-quiz! Palibhasa walang magandang naituro!" angal niya. Natawa na lang ako.
"Huwag mo masyadong ipagsigawan iyang galit mo kaya Ma'am. Vaka mamaya may makarinig sa iyong estudyante niya. Isumbong ka pa." pagsuway ko sa kanya. Umiling na lamang siya at sumubo.
"Edi magsumbong sya!" anito. "Totoo naman lahat ng sinasabi ko. Hindi magaling magturo ang teacher na 'yon! Kung papanoorin mo lang lahat ng estudyante niya lahat sila bagot na bagot na."
"Hayaan mo na lang," ang sabi ko naman. "Kaysa naman yung su Mrs. Bautista. Buhay niya ang kinukwento imbis na ang topic namin. Kaya tingnan mo ngayon, naghahabol kami para sa exams." napakamot ako sa ulo ko. Maganda na sana sa eskwelahan na 'to eh. Yun nga lang, may mga teacher talaga na walang pakialam kung hindi magpahirap.
"Hmm," nagkarinig ako ng ungol which brought my senses back to the real world.
"Oh my God!" galit na sigaw nitong si Heloise. Siguro ay inis na inis na siya dito kay Forest. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa lalaking iyan."
Tinignan ko sya. Nakapagtataka. Bakit naman? "Bakit?" I voiced out my thoughts. "It's not like he's your priority or something."
"Actually," panimula niya. "He is my priority."
"What do you mean?" takhang tanong ko sa kaniya. I'm really confused here. I'm getting curious at the same time. Wala naman siyang nabanggit na kahit na ano tungkol kay Forest bilang kaniyang prioridad. Isa pa, puro negative comments ang naririnig ko mula sa kaniya.
"I'll tell you something important, mamaya." aniya
"Bakit mamaya pa? Ngayon na lang!" pag-angal ko. Talga 'tong babae na 'to. Ang hilig sa suspense.
"Fine," she hissed. Umirap na lang ako. "Iyang malanding lalaki na 'yan," aniya sabay turo kay Forest. At talagang malandi nga! Aba't iba na naman ang kahalikan! Pain struck me like a lighting. Hindi ko alam kung bakit. But I have to ignore it until I can. Hanggat kaya ko. "Pinsan ko yan."
◼️◼️◼️◼️◼️◼️
END OF CHAPTER ONE◼️◼️◼️◼️◼️◼️
AUTHOR'S NOTE:
THE CHAPTER WILL GET LONGER SOON. WALA LANG MASYADONG MA-ILAGAY.