◼️◼️◼️◼️◼️◼️
CHAPTER TWO"Seryoso ka?!" malakas na sigaw ko. Nagtinginan amg mga tao. Iyong iba ay umirap pa nga at nakipagbulungan. Halos mapatayo ako sa sinabi ni Heloise.
"Oo nga," pagkibit balikat ng dalaga at sumubo ng pagkain. "Pinsan ko sya sa mother side. Second cousin, actually. Anak sya ni Tita Veronica."
Natulala ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko pagkatapos nito. Silence filled the atmosphere. Hindi ako nagtangkang magsalita at ganoon din ang ginawa niya.
"Kaya ba ganoon na lang ang pangkukutya mo sa lahat ng nakakasama niya?" bigla kong tanong kay Heloise. "Hindi ka man lang ba natatakot na baka pagalitan ka ng Tita mo? I mean, that is one spoiled chic!"
"Wala naman akong nagagawa," ang sabi niya. "Utos ng Tita. And besides, we don't want Mom taking my phone away for a while month, don't we?"
Tumango ako at itinuloy ang pagkain. "Yeah, right." ang sabi ko na lang. "Anyways, nakita ko kung paano ka tumingin kay Ellie kanina. If only looks could kill, she'd be 10 feet underground." I snorted.
"Well," panimula niya. "That's because kaharap namin si Gubat Kidlat noong mga time na iyon. I just don't understand why he acts like nothing happend. He's so fvcking unbelievable."
"He is also unbelievably handsome." natawa naman ako. "Kahit sino ay mahuhulog sa kanya."
"Kahit ikaw?" tumaas ang kanyang kilay.
Tumango ako. "Kahit ako," sambit ko. "Actually, I-"
"Let's not talk about that!" she interfered at ipinatong ang kamay niya sa bibig ko. "Okay?" tumaas muli ang kanyang kilay and looked at me doubtfully.
I nodded and mumbled some words that even I can't understand.
Matapos kaming kumain, naghiwalay na kami ng daan. We went on our separate ways. Ako, na papuntang comfort room siya naman na papunta sa klase. Mag-tatali lang ako ng buhok.
Hindi na nya ako sinamahan pa dahil alam naman nya na maaga dumating ang sunod nilang teacher. At isa pa, istrikto 'yon! Baka i-lock pa ang pinto sa classroom nila at hindi sya maka pasok.
Tahimik lang ako na naglalakad ng bigla akong may nakasalubong nalalaking tumatakbo. He's an athlete, alright. Ang bilis nya tumakbo. Sa harapan ko pa! Nagkabungguan kami at syempre, dahil hindi ko inaasahan ito, napaupo ako.
Damn! My ass!
"Sorry, Miss!" sambit nito gamit ang baritonong boses niya. Inilahad niya ang kanyang kamay at tinulungan akong tumayo. Once my butt had recovered, I looked at him like I was about to kill him. I gave him a deadly glare but all he did was smile sheepishly at me. Kinamot nya ang kanyang batok na parang nahihiya. "Pasensya na talaga, Miss. Nagmamadali ako eh."
Tila nawala ang galit ko ng makita ko ang mukha nya. Ang amo ng mukha nya! Para syang bata an sarap pisilin ng pisngi. Tumango na lamang ako at tinitigan sya. I tried to fight the urge not to pinch that nose of his.
He's sich a cutie!
Nakatayo lang kami doon, nagtititigan na parang walang pakialam sa mundo.
He cleared his throat. "So, uh, wha-" naputol ang sasabihin niya ng biglang may nagsara ng locker. Sabay kaming napatingin kung sino man iyon. It was Forest fvcking lightning!
"Oops!" he grinned playfully. "Sorry." then he dozed off.
This guy, seriously!
