Pagpasok na pagpasok ng dalaga nakita niya ang kasintahan niyang lalaki na malalim ang iniisip.
"Mahal ko, may problema ka ba?" tanong niya
"Khloe, kailangan kong pumunta ng amerika" marahang sambit ng binata
"Kailangan mo ba talagang umalis? Dito ka na lang Khalix." nag-aalalang sabi ni Khloe sa kasintahan
"Pero kailangan ako ng kompanya ko!" pagtaas ng boses ng binata
"Bakit ako Khalix? Hindi ba kita kailangan?" matatag na sabi ng dalaga kahit alam niyang tutulo na ang kanyang luha
"Im sorry, Khloe." ani ng binata
"Bahala ka, pero sa oras na paglabas mo sa kwartong ito hindi mo na ako makikita."
Napatigil ang binata sa sinabi ng kasintahang si Khloe.
"Khloe, sana maintindihan mo ako." mahinang sabi ng binata
Pagkatapos magsalita ni Khalix ay binuksan niya ang pintuan kahit may bigat sa kanyang damdamin. Samantalang ang dalaga ay nanlumo sa paglisan ng kasintahan, unting-unti tumulo ang kanyang luha kasabay ang paguho ng kanyang mundo.
"Tsk. Napakawalang kwenta mo talaga Khalix. Makikita mo." Natatawang sambit ni Khloe habang pinupunsan ang luha.
________________________________________________________________________A/N: Alam kong ang drma hahahaha. Lablots mga bibeh ko. Mwah mwah
BINABASA MO ANG
She Paint Pains
Roman d'amour"Khloe, pupunta ako ng amerika" tugon ng binata "Kailangan mo ba talagang umalis? Dito ka na lang Khalix." "Pero kailangan. Kailangan ako ng kompanya ko." "Bakit ako Khalix? Hindi ba kita kailangan?" "Im sorry, Khloe." Pagkatapos sabihin ni Khalix a...