A/N: Sorry for the wrong grammars and wrong spellings
Jiho Pov
Ang daming tao na umiiyak pero may iba-iba itong dahilan siguro dahil sa saya o dahil sa lungkot, hindi natin alam maliban na lang kong tatanungin natin sila o tayo mismo ang aalam
(FLASHBACK)
"Jine nakita mo ba si Binnie?"tanong ko kay Jine na kakarating lang sa classroom
"Ah si Binnie oo nakita ko siya kausap ata niya si Leesang sa may soccer field"sagot niya, nakakapagtaka naman
"Ganun ba salamat Jine"sabi mo, ngumiti naman siya sa akin, lumabas na ako ng classroom at patakbong pumunta ng soccer field hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko ngayon, bat kaya sila magkasama? Ahy naku Jiho dami mong iniisip malay mo may kalokohang ginawa si Leesang tapos pinagsasabihan lang siya ni Binnie para di muna problemahin pa tama think positive pagdating ko sa soccer field nagulat ako ng makita kong umiiyak si Binnie si Leesang naman mukhang gulat pero mas magulat ako ng makita kong niyakap ni Leesang si Binnie
"A-Anong i-ibig sa-sabihin ni-nito?"utal kong tanung habang nagpipigil ng iyak
"Jiho"sabay nilang sampit na mukhang gulat na makita ako
"Kanina ka pa jan?"tanong ni Leesang
"Tinatanong ko kayo anong ibig sabihin nito?"galit kong sabi
"Jiho ka-kasi"utal na sagot ni Binnie
"Kasi ano?"tanong ko
"So-sorry Jiho pero buntis ako"sabi ni Binnie nasobra kong ikinagulat tuloyan ng tumulo ang mga luha ko nun
"Ta-tapos si Le-Leesang ang a-ama?"tanong ko habang umiiyak
"O-oo Jiho"sagot ni Binnie para naman akong nilibing ng buhay dahil sa narinig ko ni hindi na ako makapagsalita mismong kaibigan ko nabuntis ng boyfriend ko bigla ko na lang naramdaman na may nakahawak sa balikat ko pagtingin ko si Leesang pala
"Sorry Jiho hindi namin sinasadya"sabi niya na naging dahilan para masampal ko siya
"Anong sabi mo hindi sinasadya? Haha nagpapatawa ka ba Leesang hindi ninyo sinasadya pero may nabuo ako pa ginagago mo ah"sabi ko lumapit naman si Binnie
"Ikaw bestfriend kita, pinagkatiwalaan kita, tinuring kita na higit pa sa kaibigan tapos ganito lang ang gagawin mo saakin lolokohin ninyo ako ng mismong boyfriend ko ah"galit kong sabi sa kanya
"Pasensya kanta"sabi ni Leesang, gago ba to yon lang ba sasabihin niya
"Magsama kayo mga sinungaling"sabi ko sabay takbo paalis sa lugar na yon, ang sakit sobrang sakit, ilang araw pagkatapos ng pangyayaring yon nalaman ko na lang na umalis sa school namin sina Binnie at Leesang ng wala man lang paalam sa akin nung mga araw na yon naisip ko na kong pupunta sila at magpapaliwanag ng maayos sa akin papatawarin ko na sila pero di nila ginawa, ilang araw, linggo at buwan akong wala sa sarili at palaging umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko
(End of FLASHBACK)
"Yow Jiho"tawag sa akin ni Jine
"Oh Jine bakit?"tanong ko
"May naghahanap sayo"sagot niya, nakakapagtaka naman sino naman kayang maghahanap sa akin
"Sino?"tanong ko
"Ako"sagot nung boses lalaki na nasa likod ni Jine, napatayo na lang ako dahil familiar sa akin ang boses na yon
"L-Leesang?"utal kong tanong lumabas naman siya galing sa likod ni Jine nandun kasi yong pinto
![](https://img.wattpad.com/cover/94369208-288-k808726.jpg)
BINABASA MO ANG
Unstoppable Tears (Oh My Girl JIHO and ImFact Leesang)
Short StoryShort Story (Hope you like this) This is just a imagination from my constructive mind 😄