Make up? Check.
Blush On? Check.
Powder ko? Check.
Kikay Kit? Check.
Magazine ng mga cute na 1D? check na check.
And lastly. . .
Maganda na ba ako? Aba, OO! Talagang hindi chaka yung fez ko, noh! Ano ako, bakulaw? Hahaha. Tumingin ako sa harap ng salamin sa kwarto kung puno ng posters ni Harry Styles. Hehe. Siya lang naman ang crush ko sa members sa 1D mga gwapo. Ang cute cute niya ehh.
"Hay Rheaza, Ikaw na. Ang ganda-ganda mo." As I see my gorgeous face sa harap ng salamin. kinuha ko yung cellphone ko sa bag and I shot one selfie with my cute pose at pumunta sa harap ng posters ni Harry.
"Wait for me, Harry." Paarte kong sinalita. " Paparating na ang dyosa ng kagandahan."
Nasira ang moment ko ng marinig ko ang boses ng tatay ko galing sa labas ng kwarto ko. "Hoy, Ranz! Dalian mo na at baka malate ka na!" Sigaw ni tatay. Tatay naman oh. Panira ng moment, pero mahal ko yan kasi tanggap niya ko. Tay, I'm having a moment with my labs. Kung sa bagay, tama si tatay. 10 mins before 7AM. Okey, this is the time to know about my self.
Hi! I'm Ranz Ryato Addison, but my friends call me "Rheaza". Ako lang naman ang taong walang magawa sa buhay kundi ang magfishing ng mga gwapo at cute na boys sa aming school. You know there's a lot of fish in the sea at sayang kapag hindi makuha ang opportunity. Hahaha.
Landi ko. Ever.
"Ano ba Ranz," sigaw ulit ni tatay.
"Opo, susunod na",
Ang tatay ko lang naman ang naghatid sa akin sa school since ang hanapbuhay niya ay isang pedicab driver at ang nanay ay isang OFW sa Canada.
Shy kasi sya.
Shy taga luto, shy taga laba, at lahat lahat in short, Domestic Helper.
Here we go. Ang Dyosang kagandahan ay sasakay na sa munting Pedicab, or should I say, PEDICAR.
SA SCHOOL. . . .
OMG. RED ALERT. Cute boys overflowing everywhere. Ahh, mamamatay yata ako dito. Is it me or it is really hot in here? Opps. Be careful, Rheaza. Ang heart mo baka malaglag. Naglakad ako sa covered walk at habang naglalakad may nakasalubong akong mga cute at gwapo na boys. I think first year yung mga yun kasi mga bagong mukha and if I were Aphrodite right now, siguro ang lahat ng lalaki sa St. Mary's Academy hinahabol na ako.
"Hi," sabi ko habang may nakakasalubong akong mga lalaki. Walang hiya. Pero habang naglalakad ako may nakabangga ako at expect ko ang aking destined Harry Styles but isang Harry na walang style yung nabangga ko. I mean, I bumped a girl.
"Ay, sorry kuya. Di ko sinasadya ( ' > , < )// ( - _____- '') " habang pinupulot niya ang mga libro niya. Wait, did she say "KUYA" ??? G-R-R-R-R-R. This time tumaas ang dugo ko.
"Nasaktan ka ba kuya?" Tayo niya at sabay hawak sa aking braso. "How dare you tell me that name. Di mo ba alam na mahal ang magpagluta ngayon tapos sisirain mo lang?"
"Sungit mo naman, kuya," G-R-R-R-R-R raised to the infinite power. Inulit nanaman niya."Hoy! huwag mo nga akong tawaging - "
"Ano, masungit ka? Totoo naman, ha! Concerned na nga yung tao, sinesermon mo pa."
"Hindi yan, huwag mo akong tawaging KUYA! ATE ako! Naiintindihan mo ba? I'm a woman trapped on a man's body kaya girl!" sigaw ko. Di ko namalayan na maraming tao na pala ang nakatingin sa amin. OMG. Pati din yung mga nahuli kong isda, nakatingin din sa akin. -_-
"Sayang. Ang laking turn on pa naman niya, pero kinonfiermed na nya. Lumadlad ang mga kulay nya." Narinig ko sa isang freshmen sa gilid.
"Oo nga. Sayang ang gwapo pa naman."
"Hay naku, dalawa na sila."
Nung narinig ko yun, parang alam ko na sino yung ikalawa. "Ok Ate ( ^ _ ^ ) V sorry ulit." Pacute niya. Pero Iferrness cute talaga siya. Teka, teka, teka, Bakit ako nakyutan sa kanya na ussually boys yung mga nakyutan ko hindi mga babae. Ah, Rheaza, wake up! Kalahi mo siya. Babae sya at babae ka! Ngumiti ako at hinirap sya, "Sa susunod kasi, tumingin ka sa dinadaanan mo."
Di ko talaga matiis kaya nagdecide ako na umalis. Nasisira na talaga ang image ko. First day pa lang reveal agad? Di pwede muna hint-hint para tayong lahat happy?
Anyways, I'm on my way sa school bulletin board. Marami ding students doon hinahanap ang kanilang mga pangalan kung saang section sila. Ganun din ako. Nakisingit na lang ako hanggang mapunta ako sa front at nakikita ko na ang bondpaper kung saan nakasulat ang mga pangalan namin.
"IV - Wisdom." sabi ko na may kalmadong boses. syempre kaagad kung nakita kasi alphabetical order. Yung surname ko kaya ay nagsimula sa letter A at #1 ako sa listahan. Tumingin ako pababa. maraming lalaki kaysa babae. Oh! Jackpot. Strike one. Kaklase ko yung mga heartthrobs sa school. Strike two. At dahil sa isipang ito, tumakbo ang puso ko at nagulat ako with matching buka ang bunganga.
"CLASSMATES KO SI JAKE RAFAEL HERNANDEZ! <3"
Todo ang saya ko. Yes! For the first time in forever na maging kaklase ko ang crush ko na since 1st year pa. Kung nagtataka kayo bakit marami ang crush ko, eh kasi normal lang naman ang magkaroon ng crush at tsaka love is an open door. OK I need to re - touch.
Umalis kaagad ako sa harap ng bulletin board at nag - ayos na ako dahil ang dyosa ng kagandahan ay rarampa na. Hahaha. Sige. It's time to go sa respective classroom. Umakyat na ako ng 2nd floor since nasa 2nd floor ang classrooms ng 2nd year to 4th year. Section 1 ako. Kahit dugong babae ako, di ko pinababayaan ang pag - aaral ko. Gusto ko ding maging successful na tao at kamtan ang aking pangarap. Ng nakatapak na ako sa 2nd floor, naglakad naman ako sa school hallway papunta sa classroom ng IV-Wisdom. Pagdating ko, konti pa lang kami at wala pa si Rafael my labs. Sayang naman. Pagpasok ko, sumalubong ang Besie ko na si Georgie.
"Besie!" sigaw ko. Ng makita niya ako, nagulat siya at tumakbo sa akin.
"Rheaza!" yakap niya sa akin.
"Kamusta na? Ang tagal nating di nagkita, ha!"
"Oo nga, ehh. Wisdom ka din?"
"Di mo ba nakita ang pangalan ko sa listahan?"
"Hindiehh. Yung nakita ko lang ang pangalan ni....." sasabihin ko na sana pero inunahan niya ako..
"Rafael..OO nakita ko ang pangalan niya..pero ang pangalan ko di mo nakita. Pero tadhana talaga kayong maging magclassmates. At least makakasama mo siya sa iisang classroom. Kahit mag fo-four years ka ng nagkakacrush sa kanya at kahit ilang beses ka nang naoffend, siya parin."
"Kasi hindi ko siya matiis, ehh. Malay mo siya pa din ang crush ko hanggang tumanda ako. New world record yun para sa akin.."
"Ano ka, di ka mag-aasawa?"
"Ayoko ko nga. magapakasal ako sa babae? Over my gorgeous death body. Ayoko. Mas mabuti kung si Harry Styles o Rafael Hernandez, okey na okey."
"Oy! Anu ka, Di tinatanggap dito sa Pilipinas ang lalaki at lalaki magpapakasal.."
"Edi sa ibang bansa kami magpapakasal. Pero joke lang. Magiging tandang dalaga ako.."
"Pero Besie, napaisip lang ako, What if kung ma-mainlove ka sa isang girl?"nagulat naman ako sa sinabi niya...
"Ha? Ako? Maiinlove sa babae? Eww!..Hinding-hindi iyon mangyayari..Ah, oo nga pala dala ko na ang magazine ng 1D.."
"Ay! talaga. I'm super duper excited basahin yan."pumunta kami sa upuan namin. Syempre tabi kami..crush din niya kasi si Harry Styles.
BINABASA MO ANG
Love Is An Open Door
Romance"If you were asked what love is, what would you reply? Blind? Like a rosary, full of mysteries? The whole universe shown as a smile?" " For me, It's an OPEN DOOR." A simple story, kung saan si boy ma - inlab kay girl, only with a plot twist. Kaya ng...