Simula

8 1 0
                                    

Simula

 
   Abalang-abala ang lahat ng angkan ng mga Bampira. Dahil ngayon gaganapin ang selebrasyon na matagal na nilang hini-hintay.

   Ang pag alay ng kakaibang dugo sa Tres Queens. Ito ang ang pag titipon na ginaganap pagkatapos ng labing limang taon, Tuwing kabilugan ng buwan.

   Sa isang malaking kwarto nahati sa tatlo ang mga grupo ng Bampira.

   Sa kaliwa ang mga Silver Bloods. Sa kanan ang mga Gold bloods at sa Gitna naman ang Red Bloods.

   Silver bloods ang angkan ng mga bampira na kinabibilangan ng mga bampirang matatalino, malalakas, maliliksi at mga tuso.

   Gold bloods ang angkan ng mga bampira na kayang mamuhay kasama ang mga tao. Hindi sila nasusunog, nangungulubot ang balat at pumapangit. Nagsisilbi silang mata sa mundo ng mga tao.

   Red bloods ang pinakamataas na posisyon ng mga bampira. Kaka-unti lamang sila at lahat sila ay malalakas at makapangyarihan. Sa Red bloods matatagpuan ang tatlong reyna.

  Reyna Veronica ang panganay sa tatlong magkakapatid. Isang napaka-gandang nilalang sa buong mundo, Taglay nito ang lahat ng mga hinahangad ng karamihan.

  Reyna Anastasia ang pangalawa sa tatlong magkakapatid. Isa ring magandang dilag. Lahat ng mga lalaki ay nahuhulog sa kanyang kagandahan at dahil sa taglay nyang mahika na mapasunod ang lahat ng kalalakihan.

  Reyna Samara ang bunso sa tatlong magkakapatid. Sya ang pinakamatalino at mautak sa tatlo. Halos lahat ng mga batas at alituntunin ng mga bampira ay sya ang nagpapatupad.

Endlessly: Protecting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon