one - who am I

1.2K 16 0
                                    

a/n : hey readers. Sorry sa napakatagal na update. Busy din kasi ako sa stories ko sa myungyeol25. Sorry ulit. Nga pala 1 month po ito before prologue. Thanks for reading!

One - who am I

Cooper Hernandez's POV

First day of school bukas. Exciting na nakakatamad. Exciting cause I'll meet my new classmates. Then nakakatamad dahil maaga nanaman gigising.

Pangalawang month ko palang dito sa Kenta Lake. Well ayos naman dito. Tahimik, payapa, walang nangyayaring krimen, malayo sa kapahamakan at...ay putek!

"Miss naman! Sa susunod mag iingat po kayo sa pagtawid! Muntikan ko na kayong masagasaan!"- ako

"Ah! Mian Hamnida!"- miss

"A-ano? Nagbebenta ka ng ham? Di na!"- ako

"Annyeonghaseyo. Mian Hamnida! Annyeong!"- miss

Umalis na sya. Mukha syang koreana. Siguro yung salita nayon pang korean. Tsk, pakialam ko sa kanya. I really don't give a damn to things like that.

Nagpatuloy na ulit akong mag drive. Hanggang sa nakapunta na ako sa bahay.

"Oh hijo. Andito ka na pala. Halika na kumain ka muna." Sabi ni manang.

"Hindi na manang. Mamaya-maya aalis na ulit ako." Sagot ko.

"Aalis ka nanaman?!" Aish! Ayan nanaman si mama.

"Oo. Bakit? May problema ba kung aalis ako?" Seryosong sagot at tanong ko.

"Minsan na nga lang tayo magkakasama aalis-alis ka pa?!" Pasigaw na tanong ni mama.

"Bakit?! Sino ba kasi ang alis ng alis dito para atupagin ang kung ano anong trabaho tapos uuwi lang kung kelan nya gusto?! Ha?!" Inis na tanong ko sa kanya. Umalis na ko. Narinig ko pang tinawag nya ko pero hindi ko sya nilingon. Tsk, kaya ayokong umuuwi sa bahay tuwing nandoon sya eh. Nakakainis.

Pumunta ko sa bahay ko. Oo, may bahay ako. Sarili kong bahay na ako lang ang nakakaalam kung saan. Dito nalang muna ko.

Nakapag enroll na din naman na ko kaya ang problema ko nalang ay yung mga gamit ko.

Pumunta muna ko sa mall para mamili ng mga gamit ko. Sa National Bookstore. Bumili ko ng mga ballpen, sketch pad, charcoal pencil, mongol na lapis, at cathleya note.

Umuwi muna ako sa bahay ko. Gutom na rin ako. Buti nalang marunong akong magluto.

*bzzzzt bzzzzt bzzzzt*

Nag-vibrate ang phone ko. Unknown number.

Sinagot ko. "Hello?"- ako

"H-hello? Cooper? Ikaw ba to, buddy?"- phone

"Uhh, oo. Sino ba ito?"- ako

"Si Kenneth to, Coops"- phone na si Kenneth daw sya.

Si Kenneth ang pinakamatalik kong kaibigan. Magkasama kami palagi nyan. Magkasama kami sa kasiyahan, kalungkutan, sa kautuan, at magkasama kami nyan kahit sa office ng principal o sa guidance.

"Oy Kenneth. Bakit ka napatawag?" Tanong ko sa kanya. Wag naman sanang...

"Nabalitaan ko kasi yung pag-alis mo daw ng bahay nyo..." sabi na eh. Mabilis talagang makasagap ng balita tong lalaking to.

"Come on, Kenneth! Its not a big deal! Wag mo nalang akong intindihin. Magkikita parin naman tayo bukas sa school." Pagpuputol ko sa sasabihin nya.

"Pero..."- Kenneth

"Dude, I'm fine. Ok lang ako noh. Malo-low batt na ko. Tawag ka nalang ulit mamaya kung may kailangan ka ha?" Pagpuputol ko ulit na sasabihin nya.

"Hey, dude!" Ini-end ko na yung call. Alam ko naman na yung sasabihin ng baliw nayan eh.

Sasabihin nya lang naman na bumalik na ko sa bahay namin dahil nag-aalala DAW ang magaling kong ina.

Oo, alam kong hindi maganda ang inaasal ko sa mama ko pero yun kasi ang tama.

Nung nakaraang 4 na taon 4th year high school ako or yung tinatawag ng karamihan na grade 10. Gumraduate ako nun ng wala sya. Nasa America sya nung time nayon at kahit isang text, tawag, o chat mula sa kanya wala. Same thing nung grade 12 ako.

And same nga pala nung grade 6 ako. Grade 6, I graduated valedictorian. I waited for my mom to come for hours. Maaga kong nakarating sa school non dahil excited ako. Ang buong akala ko darating sila, pero hindi sila dumating.

I had my medal given by my yaya. My yaya is the one who attended my graduation. Sya ang nagsabit ng medalya sakin. Sya ang nakinig ng speech ko. Sya ang binigyan ko ng flowers bilang pasasalamat. Like always, palagi nilang dahilan ay busy sa work.

Nung una, inintindi ko nalang muna sila. Pero nung medyo nagtagal na, naramdaman kong parang wala silang pakialam sakin. Nag-birthday ako ng ilang beses na wala sila. Nag recognition ako na ang yaya ko lang ang palaging umaatend. Nananalo ako sa mga contests na ako lang mag-isa ang nag-cecelebrate.

Nung mga time nayon, wala akong nagawa kundi ang umiyak at magmukmok. Ngayong malaki na ko, iba na ko. Hindi ko na sila kailangan. I can live with my own self.

Alam kong nagtataka kayo kung bakit hindi ko nababanggit ang ama ko. Sa totoo lang kasi, hindi ko nakilala ang ama ko. Hindi ko alam kung sino sya at wala akong pakealam kung sino sya.

Nakarating ako sa bahay ng medyo madilim na. Malayo-layo din kasi tong bahay ko sa mall.

"Hayy buhay. Nakakapagod! Makatulog nga muna." Pumunta ko sa kwarto ko at natulog muna.

Next chapter

a/n : Sorry again sa sobrang tagal na update. Busy talaga ko sa iba kong stories at sa school na din. Baka matagalan nga lang ulit yung susunod na mga chapters, and thank you nga pala dahil kahit paano napaabot tong story ko ng 500+ reads! Thank you ulit!

VOTE and COMMENT!

Chasing HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon