I LOVE STREET FOODS

318 5 0
                                    

Mahilig na talaga ako sa streetfoods kahit noong nag aaral pa ako, pero kakaunti lang ang nagtitinda ng streetfoods dun kaya pag uwian ay natungo pa ako sa kabilang kanto kasi dun talaga maraming streetfoods. kaya siguro ayaw mag tinda ng mga tindero dun ay alam nilang sosyal masyado mga studyante dun, baka daw malugi sila pero meron paring nagtitinda ng streetfoods sa labas ng school namin pero kakaunti lamang sila.

kaya nung nakapunta na ako sa kabilang kanto, ay talagang nakain ko na halos lahat ng mga streetfoods na pwedeng makita sa kalsada. pagdating mo pa lang ay puro pagkain na ang pwede mong mabili, mura lang ang mga pagkain nun kaya naman na enjoy akong gumastos.

Fishball, Kalamares, Bopis, kwek-kwek at marami pang iba.

Madumi daw ang streetfoods pero kung titikman ay masarap naman, marami daw bacteria ang makukuha mo pag kumain ka ng streetfoods, Oo, naniniwala ako dito pero sabi nga nila habang buhay ka pa ay enjoy life, walang masama kung kumain ka ng kumain ng streetfoods, mrami nang namatay ng dahil sa mga pagkain na ito, tanda ko pa noong nagkasakit ako nang dahil sa streetfoods halos 3 days tumaas ang lagnat koh, ewan ko pero malaki ang suspetya ko na dahil yun sa kinain kung napakaraming bopis. gabi-gabi ako ako nandun (bakit kaya?) at tuwing gabi ay dun naglapana lahat ng kilalang streetfoods, at ang pinaka favorite ko dito ay ang "bopis" kaya nang makita ko ito ay halos maubos ko tinda ni kuya, pag uwi ko sa bahay ay parang masama ang pakiramdam ko, halos susuka ako and then kinabukasan ay sobrang taas ng lagnat ko. Pero matapos ang insidenteng yun, nang gumaling na ako ay namiss ko ang favorite kong bopis, kumain parin ako. at pati ang GF ko ay niyaya kong kumain nun, buti nalang nagustuhan niya.

Madumi ang streetfoods pero meron namang masusustansya tulad nalang ng mais, mani, buko juice at marami pa. Ok narin yun basta may sustansyang nakukuha.

mayron ring mga streetfoods na pasosyial ang dating tulad nalang ng "takoyaki", Oo may nagtitinda nun sa tapat ng school namin, at bawat breaktime ay di ko nalilimutang bumili nun. Noong una di ko alam kung ano ba yung takoyaki na yan, kaya minsan ay tinanong ko ang klasmate ko, sabi daw nila parang fishball lang, or parang shomai pero sabi ng ilan ay may halo daw itong tahong at iba pang pasarap, nahiwagaan tuloy ako, kaya isang araw ay bumili ako. Tama nga may tahong at napakasarap, kaya simula nun ay naging favorite ko na yun pero dati yun! Ngayon sawa na ako.

Sa kultura nating mga pilipino ay di na mawawala ang mga pagkaing madudumi tulad nito, sino pa ba ang hindi nakakain ng mga ganitong pagkain? hmmmm, kinalakihan na natin ito, siguro kahit sobrang sosyal mo na ay talagang makakatikim at makakatikim ka parin ng strretfoods, isa yung tatak na pagiging Pilipino. Hindi lang sa Pilipinas ang may streetfoods, kahit sa indonesia, balita ko mas grabe ang mga pagkain dun! Streetfoods na pagong, ahas, aso, insecto. So Yucky! Hahaha! Diba? Pero dun naman sa Amerika ay sosyal talaga ang mga streetfoods tulad ng hotdog.

Para saken ay wag makalimut sa sariling atin at be proud dahil may mga pagkain taung mga ganito, mura lang at pang masa talaga, patunay lang na walang Pinoy na magugutom kaya sabay sabay taung magsabi ng.

I LOVE STREET FOODS! "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I LOVE STREET FOODSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon