Tip # 1: NOSTALGIC MODE (Hulog Kanal Series)

89 0 0
                                    

NOSTALGIC MODE: Humiga ka sa kamo mo, facing the ceiling, nakatunganga. Bilangin mo muna yung mga butiki sa ceiling, if ever meron. Then, i-recall mo yung mga epic, funny, and nakakahiyang moments sa buhay mo. Kung nahihirapan kang mag-isip, eto ang mga guide questions na maaari mong itanong sa sarili mo:

a. Ilang beses na ba akong nahulog sa kanal? May tubig ba? May *splash* sound effect ba? Gaano ito kalalim? Ba't ako nahulog dun? Dahil ba sa may tinetext ako? O di ko napansin yung kanal? O dahil busy ako sa kakatawa sa joke ng kasama ko? O sadyang tanga lang talaga ako?

b. Naging sabaw na ba ako sa jeep to the point na nagbabye ako sa driver? Ilang beses na 'to nangyari sa akin? Anong reaksyon ni manong driver?

c. Nag sorry na ba ako sa isang puno dahil sa nabangga mo siya? Anong sinagot nito sa sorry mo?

d. Nawalan ka na ba ng eye glasses? Ano ang naging epekto nito sayo? Napagkamalan mo na bang white lady and isang lab gown? Pa'no ka nag-react?

Nagtataka ka ba kung sa'n ko napulot ang mga guide questions na iyan? May mga stories kasi sa likod ng bawat isa niyan. Gusto niyo bang ikwento ko sa inyo, mga bata? Haha. Oo man o hindi ang sagot niyo, eto, ikukwento ko na. Wala nga kasi akong magawa, diba? 

LET THE STORY TELLING (or katangahan sharing?) BEGIN.

-

Sa naalala ko, tatlong na beses na akong nilamon ng kanal. And tinatawanan ko sarili ko everytime naaalala ko ang mga yun. Natatawa nga ako ngayon eh. Mag-isa. Huhu. Sira ulo talaga.

First hulog kanal story:

Exams week nun. That is to say, hell week. Naka-zombie walk ako papunta sa next exam ko when may nakasabay akong kaklase. Pero, di siya yung napansin ko, yung kasama niya. Eh kasi siya lang naman yung... Ah basta. Mamaya ko na sasabihin, wag kang atat. Haha. May ico-confirm muna ako. *scan.... scan.... loading...* AHA! CONFIRMED! Siya nga yun! Si Niño nga! BWAHAHAHAHA.

DISCLAIMER: Di ko po crush ang Niño na 'yan. Inlababo na po si Arianne dun, friend ko who you will know later. Defensive ko lang eh, wala pa nga akong sinasabi, may disclaimer nang nalalaman XD

Nung medyo nakalayo na sila, kinunan ko agad ng picture si Niño na medyo wala rin namang kwenta kasi backview lang. Pero I know na kung ire-report ko 'to kay Arianne, kikiligin na naman ang babaitang yun. Haha. Syempre, number 1 crush niya yun eh. Oo, number 1. Eh kasi may number 2, 3, 4, and 5 pa. lol. Anyway, naglalakad pa rin nga pala ako while texting Arianne, kasi nga diba, may ire-report pa ako? XD I was about to finish my message when....

*BOOOOOGSHHHHH*

....At yun na po ang latest hulog kanal incident ko. Di ko kasi napansin na nakabukas pala yung kanal sa tabi ng gym na supposedly, may grills. At least, walang tubig ang kanal nun at isa lang ang audience ko sa stunt kong yun. Kaya, shoutout dun kay ateng may hawak na hamster cage na witness ko sa kahihiyang yun! Labyu ate!

-----

Itong susunod na hulog kanal story ay nangyari nung nasa 3rd year high school pa ako.

As always, kasama ko that time ang ülols (pronounced as 'you lols' not 'ulols'). Btw, ülols ang pangalan ng "grupo" namin eh kasi tawa lang kami ng tawa, mula flag ceremony hanggang uwian. Iba talagang epekto kung magsasama sama ang limang mga baliw. Shoutout sa Ultimately Laughing Out Loud Sisters! I miss you all! T_T

Pagkatapos naming mang-hold up ng mga kakilala para ilibre kami ng Waffrets at niraid ang YECS canteen, tinarget na naman namin yung canteen na malapit sa library. Syempre, kwentuhan at tawanan kami habang naglalakad.

YASMIN: "Walanghiya talaga yung gate dun sa Don Manuel! Ilang beses na kaya akong nauntog dun! Shemay kalamay, it hurts you know!"

AKO: "HAHAHA! Don't worry, di ka nag-iisa! I feel you rin kaya, girl!"

KAMI: "HAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!"

Then... *BOOOOOSSSHH!!! SPLASHHHHHHH*

Oo, this time, may splash nang kasama! May tubig na eh! Tubig na Nescafe, brown and creamy! Yami! XD

KAMI: O_________________O

YASMIN: "HAHAHAHA! Nagtaka ako dun ah, ba't bigla atang lumiit yung katabi ko? Nalaglag na pala!" XD

SILA: "HAHAHAHAHAHAHAHA"

BESTFRIENDS: Sila yung di ka na nga tutulungang makaahon sa kanal, tatawanan ka pa. But still, alabyu and amishu! *iyak sabay tawa*

-----------------

Para sa pangatlo kong hulog kanal stunt, nangyari pa rin 'to nung 3rd year high school. First day of school namin nun galing sa mahabang bakasyon. Sembreak ata yun, di ko na maalala. Ah basta, long vacation. Haha. At dahil nga sa ilang araw kaming nawala sa school, binigyan kami ng Chemistry teacher namin ng malabundok na isusulat na mga notes. Ewan ko nga kung anong espiritu ang sumapi sa akin at ginawa ko ang assignment na yun.

Nung pasukan na, syempre, proud na proud ako kasi nga may assignment ako. Wala lang, tinatatamad kasi talaga akong gumawa ng mga assignments dati kaya natuwa ang ülos nung nalaman nilang sinipag akong gumawa ng Chemistry notes namin. Kaya eto, pupunta na naman kami ng canteen. Isinasaulo ko nun ang Shylock's Speech para sa English class namin sa susunod na period kaya di muna ako nakijoin ng bongga sa tawanan nila. Ewan ko kung anong nangyari basta nahuli ko nalang ang paa kong nakabaon sa kanal. At ang mas malala, nabitawan ko yung Chemistry notebook ko kaya pati yun ay nalalag.

At nabasa. <//3

Napansin agad ako ng ülols pero this time, di sila tumatawa. Nagkatinginan kami at iisa ang nasa isip namin-

LAGOT KA MAMAYA SA CHEMISTRY CLASS. 

Pero buti nalang at dumating ang Physics teacher namin at binigyan niya ako ng assurance na siya na raw magsasabi kay Ma'am Chemistry sa nangyari at gumawa talaga ako ng assignment. Siya pa mismong nagtapon ng notebook ko sa basurahan. <//3

CHEMISTRY TIME. Pasahan na ng notes. Nakaupo lang ako like a boss habang tinitingnan ang mga kaklase kong pinapasa ang mga notes nila. Napansin ata ni Ma'am Chemistry na wala akong pinapasa. 

MA'AM VENTURA: "Oh, Angel Aquino, (kamukha ko raw kasi si Angel Aquino. Labyu Ma'am. Hehe♥) pinasa mo na ba yung sayo?"

AKO: "Ma'am... Wala bang sinabi sa'yo si Ma'am Tumbagahan?"

MA'AM VENTURA: "Wala. Bakit? Wala ka na namang assignment?"

At di ko na maalala ang sunod na nangyari. 

Shoutout para dun sa Physics teacher ko na hanggang ngayon eh di ko pa alam kung sinabi nga niya o pinaasa niya lang ako. <//3 Ayaw ko pa naman sa lahat eh yung paasa. Hahahahaha. Charzt. 

At dito po nagtatapos ang hulog kanal series ko. Haha. Sabi ko nga sayo diba, wala talagang tips dito. Purong kabaliwan at katangahan lang. XD Kwento mo na rin ang mga hulog kanal stories mo sa baba para masaya lol

10 Things to Do When You're BoredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon