Tip#1: NOSTALGIC MODE (Sabaw Series)

58 0 0
                                    

SABAW. Iba ang ibig kong sabihin na sabaw sa story na ito. Hindi ito yung tubig na pinakuluan na may kasamang Knorr cubes, mga gulay sa Bahay Kubo, at iba pang mga ka-echusan ng nanay mo saka hinihigop. Iba yun. Shet. 

SABAW. Kadalasang nangyayari sa mga estudyante tuwing hell week. Kung anu-anong mga katangahan ang pinagsasabi at pinaggagawa mo kasi puyat ka at wala ka sa sarili mo.

SABAW. Nakakahiya 'to. Sobra. Ngunit di natin magawang iwasan lalo na kung naka ultra zombie mode on ka.

Eto ang ilan sa mga sabaw moments:

Tao: (Magpapaload sana) Kuya, para po...

---

Nakakita ng aso...

Friend: "Hi doggy. You're so cute. What's your name?"

Sige friend, hintayin mong sumagot yung aso. 

-----

Sa Bonchon, habang kumakain ng fries nang napansin kong paubos na ang ketchup ko. Lumapit ako sa counter....

Ako: *puppy eyes* "Ate, pwede pong pahingi ng fries?"

Ate sa counter: @____@

Mga ilang seconds din bago ko napansin ang mali ko. Oo nga pala, binibili ang fries. Hindi hinihingi <//3 

----

Ako: "Ma! Nasa'n yung walis?"

Mama: "BAKIT? SA'N KA NAMAN PUPUNTA?!!"

YUNG TOTOO MA, MUKHA BA AKONG WITCH? >///<

----

Galing kami ng friends ko sa Baccalaureate mass. Nakababa na kami sa jeep ng....

Ako: "Wait! Yung glasses ko! Naiwan sa jeep!"

As in, with the super worried face pa talaga. Iniisip ko na kung anong palusot sasabihin ko kay mama kapag nalaman niyang nawala ko glasses ko. Lagot. x_x

Lanie: "TANGE! ANONG PINAGSASABI MO? SUOT MO KAYA!"

Friends: "HAHAHAHAHAHAHA"

<//3

--

Sa Earth Science class namin nung first year high school...

Sir Chito: "Who can define frost weathering?"

*silence*

Avila: "SIR!! THE WEATHERING OF THE FROST!"

GRABE! PALAKPAKAN SI KUYA! ANG TALINO! SUPER! PROMISE! BIGYAN NG MEDAL!!!!

---

First year college. Kasama ko yung roommate ko, si Pearl sa CBA Building. Naghahanap kami nun ng restroom para magbihis and sa awa ng Diyos, nakahanap naman agad kami. Palabas na kami nang may papasok na kuya. 

Kuya: @______@

Male restroom nga pala yung napasukan namin. Shoutout para dun kay kuyang nakasalubong namin! Tawang-tawa talaga ako sa mukha mo nung nakita mo kami. Hahahaha. Sorry kuya! ^^

---

Around 2 am... nagising ako kasi napaginipan kong may exam pa pala ako sa PolSci11 bukas ng umaga. Pagtingin ko sa kabilang bed, gising pa yung isa kong roomie. Law student eh. Inuumaga ng aral. 

Maya-maya....

Joy joy: (isa ko pang roomie na tulog) LUNES NA PALA NGAYON? *tawa*

Napagulong ako sa kama ko sa kakatawa. Natawa ako kasi nagta-tagalog na si roomie sa sleep talk niya (btw, mga cebuano kasi talaga kami). At may kasama pang tawa. Hahaha.

Nagising yung isa ko pang roomie kaya tatlo na kaming tinatawanan si Joy joy, kasama si ate Carol, yung law student roomie ko. Alas dos ng madaling araw, maingay room namin. Hahaha. Shoutout para sa mga 2J roomies ko! I miss you all! <3

---

May dormie rin ako ngayon, nagtetext while tulog. Ganito yung laman ng message niya:

"Ah bsta. Masdhjw dst jsa csus agshc" (basta something like that XD)

SLEEP TEXT. Hahaha. Shoutout para sa dormie kong ito! Hi Fila!!! Labyu ♥

---

Summer after high school. Pumunta kami ng mga La Salle dormies ko sa Luneta. Pauwi na kami sa jeep nang...

Ron: "Sino nga ulit yung nakita natin kanina? Yung tatlong paring martyr.. May naalala ako sa kanila eh..."

Gale: "Yung si Gomburza lang kilala ko eh... Di ko alam yung dalawa..."

*tumahimik ang aura...*

Ako: *tingin sa labas ng bintana. pigil ng tawa*

---

Ako: "Kung sasakay ako ng barge, sa'n ako bababa?"

Ched: "Sa port. Alangan namang sa gitna ng dagat, diba?"

Eriele: "BOBO! BOBO!"

<//3

---

Pabalik na ako sa room ko sa dorm nang napansin kong parang nag-iba yata ang hallway and maling room ang pinasukan ko. Later ko na narealize na nasa 2nd floor pa pala ako. Btw, taga-3rd floor po ako <//3

---

CONTINUE KO NALANG PO MAMAYA, MAGSISIMBA PO MUNA AKO. TEEHEE :D Enjoy reading po and have a blessed Sunday! Thank you for being a wonderful person and reading up to the end of this post XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

10 Things to Do When You're BoredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon