Chapter 2: New

416 104 105
                                        

Chapter 2: New

-Bernie's Point of View-

"Siguraduhin mong wala ng kahit na sinomang Clocks ang nabubuhay sa mundo Bernie, dahil alam naman nating lahat na malaking threat ang mga iyan," paninigurado ni Dwayne.

Agad akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"Sinisigurado ko sa'yo Dwayne," sagot ko.

Nandito kami ngayon sa committee room at nag di-diskusyon sa mga bagay-bagay na makakabuti sa Akademya.

"Papaano kami nakakasiguradong pinatay mo na silang lahat,Bernie? Alam naman natin na isa karing Clocks," saad ni Alex.

Kahit kailan napakaepal talaga nitong si Alex.

"Lalabas na muna ako, ituloy niyo ang diskusyon," wika ko pagkatapos ay tumayo na sa swivel chair na inu-upuan ko.

Lumabas na muna ako dahil alam ko sa mga oras na ito ay dadating na ang pamangkin kong si Tory.

Masaya ako dahil buhay siya. Bago mamatay ang nanay at tatay ni Tory ay ibinilin nila ito saakin. Sa totoo niyan hindi ako ang pumatay sa kanila. They were both killed at hindi ko alam kung sino ang kumitil sa mga buhay nito.

"Nandito na siya," monologo ko.

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ni Tory. Agad akong napangisi sa pagsigaw niya dahil hindi parin talaga nagbabago ang short-tempered girl na ito.

In just one snap of my finger, agad na nawalan ng balanse si Tory at natumba ito sa sahig.

Pagkatapos kong obserbahan ang walang malay na si Tory ay agad ko naman itong inakay sa magkabilang braso ko.

"Tory Clocks, I'm already here," mahinang saad ko.

-Tory's Point of View-

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Ang naa-alala ko lang kanina ay nawalan ako ng balanse at natumba, kaya nawalan ako ng malay.

"Gising kana pala, Tory." Wika ng isang lalaki.

Napabalikwas na lamang ako ng bangon dahil sa narinig na napakapamilyar na boses.

"Tito Bernie!" masayang saad ko at agad na bumangon sa higaan.

Kumaripas ako ng takbo sa direksyon niya. Akmang yayakapin ko na sana si Tito ng kusa itong lumayo.

"Don't touch me Tory," wika nito at bahagya na lamang ako napa atras.

"Tito may problema po ba?"

"Tory makinig ka. Mamaya pagkalabas mo sa dorm na 'to ay huwag kang magugulat sa mga makikita mo. You deserve to be here and meant to be here," seryosong sagot ni Tito.

Naguguluhan ako sa mga sinabi ni Tito pero masaya ako dahil nakita ko siya.

"Ano pong ibig niyong sabihin, Tito?" napakamot ulo na lamang ako sa pinagsa-sabi ni tito.

"Now Tory, hindi Clocks ang apelyido mo dito? Eve ang gamitin mong apelyido dito. Tandaan mo iyan Tory," wika ni Tito.

Lumabas na ng pinto si Tito at naiwan ako sa kinatatayuan ko na gulong-gulo.

"Oh well, makapaglibot nga muna," monologo ko ngunit nabigla na lamang ako nang may kumatok sa pintuan nitong silid.

Pinagbuksan ko ito ng pinto at bigla na lamang bumungad sa harapan ko ang dalawang babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EnsorcelledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon