Friendzone Shorts: Incest?!

156 2 2
                                    

Ako nga pala si Carlo Ramirez isang Junior college school student, isa ako sa officer ng student council kaya kilalang kilala ako sa buong school. May pagka-maboka ako pagdating sa mga love love na yan pero kahit kailan torpe talaga ako pagdating sa pag-amin ng feelings ko.

Nakakaasar yung tipong M.U. na kayo sabay hanggang dun lang kasi takot ka mareject. Duwag na kung tawagin pero hindi ko maalis ang pagiging duwag sa pag-ibig.

Eto nga pala si Jessie Santos isang Freshmen student sa aming school, sobrang ubod siya ng ganda, maputi, maliit, singkit at parang may lahing hapon ata, ang natatandaan ko kung paano ko siya nakilala ay ang kanyang unang pagenroll sa aming school.

Lumapit siya sa unang araw ng enrollment at mahinang nagsalita, "Kuya ano po ang requirements sa enrollment".

Nagulat ako, tumibok ang puso ko ng mabilis, nakatulala at hindi makagalaw.

"Kuya? Ok lang kayo?" Sabi niya habang kinakawayan niya ang mukha ko.

"Ay! Sorry! a-ano ulit yon?" Nauutal kong sinabi.

"Sabi ko po ano po requirements sa pag-eenrol?" sabi niya.

Hindi ko na maalis ang mata ko sa kanya pagkatapos ng pangyayaring iyon, parang siya at ako nalang ang natitirang tao sa mundo.

"Ahm, ako pala si Carlo student officer dito sa school hayaan mong tulungan kita sa pagenroll mo dito, welcome pala!" Sabi ko sabay kamay sa kanya.

Sobrang lambot ng kanyang kamay parang ayaw ko nang bitawan ngunit.

"Haha, ako po si Jessie" Sabi niya habang tumatawa ng awkward.

"Bakit hindi ko magalaw ang kamay ko? Nanlalamig pawis ko." Sabi ko sa sarili ko habang ngumingiti na din nang awkward.

Binitiwan niya ang kamay ko at saka ko lamang napansin.

"Hehe, ay sorry pala" sabi ko sa kanya.

"Sige po kuya" sabi niya nang nakangiti sa akin.

Nakakapanghina at nakakatunaw ang kanyang mga ngiti grabe.

Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon para anyayahin siya na magtanghali kasabay ko. Agad niyang tinanggap ang pa-anyaya ko. Hindi ko alam anung gagawin sa kaba, ang bilis nang pintig ng puso ko, nakakaasar lang.

"Salamat po kuya ng marami" Ani niya.

"Wala yun' no, tsaka wag mo na akong i-kuya". sabi ko.

"Sige po kuya Carlo." Sabi ngiti niya sa akin.

Isa na siguro ako sa pinakaswerteng tao sa buong mundo noong araw na iyon.

*Dumating na ang pasukan*

"Late nanaman ako! Nakakainis talaga oo kapag officer ka naman talaga." Sabi ko sa sarili ko. Tinakbo ang kanto namin hanggang sa school dahil sa pagmamadali nang biglang.

"Aray!" Sigaw ng isang babae. Ngunit agad ko naman siyang nasalo. Si Jessie pala! Huminto nanaman ang mundo ko sa pangalawang pagkakataon, nagkatitigan ang aming mga mata dahil sa pang-yayaring iyon.

"Kuya Carlo?"

"A-ah ay! Sorry ikaw pala yan Jessie, ang ganda mo parin, este nagkita ulit tayo!" Paulat kong sinabi.

"Ok lang, muntik na ko hehehe" Sabi niya.

"Osya pasensya ulit nagmamadali kasi ako dahil late na ko sa ceremony natin. Mamayang lunch sabay tayo ah?" Sabi ko habang papalayo sa kanya.

"Osige kuya Carlo ingat!" Sabi niya.

Ewan ko baket sa tuwing ngumingiti siya parang natutunaw ako, sa tuwing makikita ko siya pumipintig ang puso ko, ewan ko ang korni ko pero parang nahuhulog na ako sa kanya.

*Uwian*

"Kuya Carlo salamat ulet, sa uulitin po." Sabi niya sabay ngiti..

"Wala yun bunso." labag sa kalooban ko ang pag-sabi ng bunso sa kanya kasi baka hanggang dun' nalang kami sa kuya at bunso relationship. Hello nahuhulog na ko sa kanya.

Naulit ang pangyayaring lunch at nauwi hanggang sa. . .

"Ahm maraming salamat talaga, hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang ginagawa mo para sa akin. Salamat kuya Carlo ko." Sabi niya sabay ngiti.

Bigla akong nahinto sa aming paglalakad. "SInabi niyang Kuya Carlo "ko"?!?" Sabi ko sa isip ko. Diba ang salitang ko ay ibig sabihin ay kanya at pag-aari niya? Hindi kaya eto na ang senyales na aking hinihintay upang aminin sa kanya ang aking nararamdaman?

"Kuya? Ok ka lang?" Sabay kaway sa mukha ko.

"A-ah ay! oo walang anuman kung Jessie ko." Pautal kong sinabi.

"Ano kuya ko?" Tanong niya.

"Ah wala sabi ko tara uwi na tayo gumagabi na." Pagmamadali kong sinabi.

*Lumipas ang Ilang araw*

Hindi na ako pwedeng magkamali may gusto din sa akin si Jessie, sa pananalita palang niya at kilos, hindi hamak na Mutual ang Feelings namin.

Sabi nga ng iba, "Huwag mo nang hayaan mawala sayo yung taong importante sayo at baka mapunta sa iba"

Sasabihin ko na ang nilalaman nang damdamin ko kahit ang korni ko.

*Kinabukasan pagkatapos ng klase*

":Ahm-kuya"

"Ah-Jessie"

Sabay kaming nagsalita at nagkaroon nang sandaling awkward silence.

"Sige kuya ikaw na mauna." Sabi niya na parang gusto niyang marinig ang aking mga sasabihin at baka sakaling yon' din ang gusto niya sabihin.

"Kasi Jessie mahal kita." Seryoso kong sinabi sa kanya.

Huminto kami sa paglalakad at nag-karoon nang matagal na katahimikan.

"Mahal din kita KUYA CARL, salamat talaga at naging kuya kita dito sa school, hindi ako nahihirapan mag-adjust. Ang laki ng utang na loob ko sayo, salamat kuya carl!" Sabi niya sabay ngiti.

Hindi ako tinamaan ng ngiti niya bagkus ay nainis ako sa sarili ko baket pa ako umamin, kumbaga nakatago na ko lumabas pa ko.

Safe zone ako, lumabas sa safe-zone ayun KUYA-zoned ako.

Pagkatapos ng nang-yari sa akin, umiwas nalang muna ako at sakto naman at naging busy ako sa school dahil sa thesis at projects. Pero sising-sisi ako sa ginawa kong pag-amin.

Para kaming bagong kape na mainit at kung biglang umamin ako ay tila lumamig ang kape.

Tama din pala yung sinabi ng kaibigan ko pag-nahulog ka tapos hindi alam nung sasalo basag ka. Kaya next time iiwasan ko na lahat nang magkukuya saken. Asar!

Friendzone ShortsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon