Grade 4 ako nung simula akong nagkacrush sa kanya nagumpisa ito noong makita ko siya sa quizbee namin. Katabi ko siya at kinausap niya ako.
"Hello, ako pala si Denise, anong pangalan mo? kalaban kita sa quizbee?" Sabi niya.
"A-ako si Lawrence, hindi kita kalaban spelling bee kasi ako." sabi ko nangpautal.
Pinakilala niya ang mga kaklase niya dahil galing pa sila sa school branch namin. May nakipagkamay sakin ngunit nginitian ko lang kasi kinakabahan ako sa kanya at nahihiya dahil sa crush ko siya.
Ilang minuto ang lumipas ay hindi kami nagkausap sa dahilang wala naman ako sasabihin kaya iginuhit ko nalang siya nang bulaklak na daisy at ipinakita ko sa kanya.
"Ang kyut! Daisy ang pinakapaborito kong bulaklak pano mo nalaman?" sabi niya na para bang kinilig sa ginawa ko.
"Pag-ibig na kaya? Haha ang bata ko pa. Pero ang husay ko destiny ba ito?" Sabi ko sa isip ko.
"A-ah kasi yan lang kaya ko iguhit eh." Pabiro kong sinabi.
Nagkwentuhan kami nangbiglang.
"Ok students Quiz bee will begin in a few moments." Anunsiyo nang isang guro.
"Oh sige salamat sa Daisy sana magkita ulit tayo, paalam!" sabi niya.
Natuliro ako sa mabilis na pangyayari, si crush umalis agad. Sana magkita pa kami.
Lumipas ang dalawang taon.
"Hoy Lawrence sabi ni Denise crush ka daw niya, ayieee." Tila pang aasar na sinabi ni Grace, ang aking kaklase.
"Weh di nga? Pano mo nasabi?" Maintriga kong tinanong sa kanya.
"Kinuwento niya nung camping nila nung isang araw. Tanong mo pa. Eto number niya oh." sabi ni grace.
Agad kong kinuha ang number niya at tinext ko siya.
"Ahm Denise si Lawrence to' hello, may sinasabi si Grace eh totoo ba yun?" Text ko sa kanya.
Agad naman siyang nagreply. "Hello lawrence, oo totoo, kita crush ang cute mo kasi at matalino."
Nagkatext kami ng nagkatext hanggang sa.
"Pwede ba kitang ligawan pagtanda natin?" Text ko.
"Ewan, hindi ko alam." reply niya.
Hindi ko alam anong ibig sabihin nang ewan niya. Hindi ko na itong tinext pagkatapos nang respond niyang iyon dahil hindi ko lubos maisip ano ang ewan.
Lumipas ang limang taon nasa kolehiyo na kami at nalaman kong single padin sya at gayundin naman ako. Agad agad ko siya kinontak sa mga social networking site at nakipagkita muli.
"Denise pwede ba kitang ligawan?" tanong ko sa kanya.
"Ewan ko." Sabi niyang muli.
"Ewan ulit? ano oo or hindi lang." Tanong ko.
"Ewan nga." Sabi niya.
Hindi ko magets yung ewan na sinasabi niya kung hindi ba pero nahiya na akong ipursigi ang pagpapatuloy ko sa kanya.
Lumipas ang ilang buwan ay nalaman ko na nagkaroon na siya nang boyfriend.
Humingi ako nang payo sa mga kaibigan ko kung ano ba ang ibig-sabihin ng "ewan" kapag tinatanong ang babae.
Tinawanan nila akong lahat at sabi, "Ewan means OO"
Ayun nagsisi ako kasi dapat pala pinush ko para kami na ni denise, ang hina ng insticts ko OO na pala yun, na ewan-zoned lang ako.
Pero sa bandang huli naman naging close friends kami with no hard feelings.
-Lawrence.
BINABASA MO ANG
Friendzone Shorts
HumorHindi lahat ng gusto mo ay pwede mong makuha, ika nga nila paghindi sayo, hanap! There are many fishes in the sea, huhuli ka na lang mali pa. Ok lang yan, dadaan ka tlga sa madaming pagsubok. Pero kung pipilitin mo, mag-abang ka at bakuran mo nade...