nicolo's POV
tinignan ko ang orasan sa kwarto ko, and its already 3:30 am, wala pa akong tulog, kakaisip kay nicole,
nasaktan ko sya kahapon at nagiguilty ako, lalo na nung nakita ko syang umiiyak habang nakayakap kay lennie, napahiya ko sya ng sobra, di ko naman kasi alam na ganun sya kahirap,
and ganto talaga ako, natutuwa akong pag tawanan ang ibang tao, pero bakit ngayon di ko magawang tumawa..
nahihirapan na ako, may quiz pa naman mamaya baka wala akong masagot.. >.<
teka, sabi ni lennie ang pinapasukang school ni nicole ay yung school kung san kami nag aaral at ang school na yun ay pag mamay ari ng pamilya namin,..
mukhang alam ko na ang gagawin ko!! hahahaha sigurado mapapatawad nya na ako..
agad akong naligo at nag ayos ng sarili ..
7am pa ang pasok namin pero 5:30 pa lang nakaayos na ako, naka uniform, at tapos ng mag ayos ng buhok.. onting wax lang ok na.. :D gwapo naman ako ii :)
aagahan ko nalang ang pag pasok para makausap ko si papa..
umalis na ako ng bahay , hindi na ako nag paalam kay kuya, nag motor ako papuntang school, at sakto kabubukas pa lang ng school mukhang wala pa si nicole, kaya dumeretso na agad ako sa principals office
(toktoktok)
pumasok na ako sa office ng dean
"oh, son, bakit ang aga mo ata?"
"wala naman po, ahmm.. dad can i have a favor?"
"sige ano yun?"
"pwede po bang libre na si nicole santos sa tuition?"
"what?! but why?"
"basta dad, naaawa ako sa kanya, nakarating na ako sa bahay nya, and i saw her house,alam ko kung gano sya kahirap, plz dad.. pwede po bang libre na sya?"
"sorry son pero, hindi pwede ang gusto mo, hindi porke naaawa ka ei ililibre na agad sya, kilala ang school na to, at bababa ang reputasyon natin kung mangyayari ang gusto mo dahil sa ganong reason, except nalang kung.."
"kung?"
"kung girlfriend mo sya, at ikaw ang mag babayad ng tuition nya hahahhaha"
napaisip ako ng saglit..
"sige dad .. mauna na po ako.. bye dad"
umalis na ako sa office ni papa, hindiko makalimutan ang sinabi nia..
"except nalang kung girlfriend mo sya, at ikaw ang mag babayad ng tuition nya hahahhaha"
ano kaya kung bayaran ko ang tuition nya? pero san ako kukuha ng pera? hindi naman ako bibigyan ni papa ng ganon kalaking halaga, sigurado tatanungin nya kung san ko gagamitin yun..
habang nag lalakad ako sa corridor, nakita ko si nicole, nag lilinis, agad akong nag tago at tinignan lang sya, naaawa talaga ako sa kanya, kailangan nyang pag sabayin ang pag aaral at trabaho.. trabaho?! oo tama! mag tatrabaho ako para naman makabawi ako sa kanya..
nicole's POV
uwian na ang mga estudyante, pero ako, andito pa din sa school at mag lilinis pa ako, janitress kasi ako dito sa school para naman mabawasan ang tuition ko, hehe
"hi cole, pinapatawag ka nga pala ng dean" sabi ni lennie
agad akong pumunta sa dean, pag dating ko doon ay nakaupo ang may ari ng school
"sir, tawag nyo daw po ako?"
"yes miss santos, may ipapakilala ako sayo, maya maya ay nandito na sya"
nag antay kami ng halos ilang minuto hanggang sa may kumatok sa pinto
(toktoktok)
nagulat ako ng bumukas ang pinto, may nakita ako, parehas na parehas ng uniform ko bilang janitress..
"miss santos, this is my son, nicolo, sya ang makakasama mo sa pag lilinis nitong school, masyadong malaki ang school at wala si mang carding kaya sya muna ang makakasama mo sa pag lilinis.."
"p-pero sir.. marunong po ba sya?" sabi ko naman, laki sa luho, mayaman at may ari ng school ang makakasama ko sa pag lilinis ng school? marunong ba naman yan mag linis? baka naman imbis makatulong ie makasama pa yan?
"totaly, yun sana ang hihilingin ko sayo turuan mo sya"
wala na akong nagawa pa kundi turuan nga itong mayabang na lalakeng ito..
nag simula kami sa pag wawalis ng corridor pero hayss-_- imbis na makinig ayun andun sya sa isang side nakikipag landian sa mga babae..
ano bang pinunta nya dito? para mambabae?
"kung ayaw mong matuto umalis ka na, at ako nalang ang mag lilinis nitong school.." sabi ko sa kanya nakakaasar na kasi!! perwisyo sa buhay!! >.<
"ayoko nga, pwede mo namang sabihin na layuan ko sila ee,
di mo na ako kailangan paalisin kung nag seselos ka lang,, sige lalayo na ako sa kanila, eto na po.. hahaha" sabi naman ni nicolo, aba, ako nag seselos? no way!
"hindi ako nag seselos, wala nga akong gusto sayo ee.. asa ka naman! jan ka na nga!" sabi ko at sa ibang lugar na ako nag linis, kung san di ko sya makikita.. bwiset na yun! hayss
============
8pm na pala makabalik na nga sa corridor na iniwan ko dahil sa mokong na yun, siguro naman wala na si nicolo dun?
nag lakad ao papunta sa kabilang building, at nagulat ako sa nakita ko, ang linis ng corridor, wala na yung mga kalat na naiwan kanina, at mukhang wala na din si nicolo..
"wow, ang linis na, haha marunong pala mag linis yun?" sabi ko sa sarili ko, wala namang makakarinig sakin dahil ako lang mag isa, kaya pumasok na ako sa room para kunin ang gamit ko, para makauwi na din, pag ppasok ko sa room di ko na binuksan ang ilaw mag bibihis kasi ako ng damit, nakauniform kasi ako na pang janitres ei,
nakapag bihis na ako ng pantalon, nag suot ako ng maong at ngayon damit naman.. hinubad ko na ang damit ko..
nagulat ako ng biglang bumukas ang ilaw
"AAAAAHHHHHHHHHHH!!!!! LABAS!!!!" sigaw ko , akala ko nakauwi na si nicolo, hindi pa pala,
"s-sorry, hindi ko alam na may tao pala, pasensya na" sabi naman ni nicolo hbang nasa labas sya ng room
agad akong nag bihis at lumabas na..
"wala kang nakita ok?" sabi ko kay nicolo habang nakasandal sya sa dingding..
tumingin sya sakin at ngumiti ng nakakaloko
"sinong nag sabing wala? ang sexy mo nga ei" hahahaha sabi nia
"bastos" sinampal ko sya ng malakas at tumakbo na paalis,
NICOLO'S POV
(pak)
naiwan akong nakasandal sa dingding,
matapos akong sampalin ay iniwan na ako ni nicole, :D
ang totoo nyan, wala naman talaga akong nakita,
dahil bago ko pa makita ang di dapat makita ay sumigaw na agad sya, at lumabas na agad ako...
lalake ako pero di ako kagaya ng iba ,:D
di ko nga alam kung bakit ko nasabi sa kanya na may nakita ako ie,
hahaha siguro natutuwa lang talaga ako na asarin sya.. :) and cute nya kasi pag nagagalit.. para syang bata na inagawan ng candy na kulang nalang umiyak at magsisigaw hahaha
BINABASA MO ANG
I Hate You Mr. Yabang!!
Teen Fictionyung feeling na may lalakeng mayaman, gwapo, matalino pero mayabang.. i mean SUPER yabang na laging nang-aasar sayo?! :/ pero bakit ganun? kahit napakayabang nya .. di ko pa din mapigilang mainlove sa kanya?!