Chapter 2

39 2 4
                                    

Chapter 2

“Uy guys ano na? Ilan pa ba kulang sa tin?”

“Si Darren, my labs pa.” singit ni Loraine.

“Ininvite mo pala siya. Wala pa nga si Drake e.”

“Hi Nathan!” sigaw ni Ysa habang kumakaway.

“Hi guys!” sabi naman Darren.

“Here I am! Hello mga tao !” sigaw naman ni Pedro.

“Sino pang kulang?” tanong ni Loraine. Siya pa, wala pa siya. Bakit kaya?

“Ahm, wala pa kasi si Drake e. Tinatawagan ko nga siya pero hindi niya naman sinasagot.”

“E kung mauna na tayo sa Laguna, para makakita na ako ng papaballs.” Sabi naman ni Pedro.

“Loko to ah!” sabi naman ni Jejeca. Ang cute talaga nilang couple.

“Joke lang naman loves ko.” Sabi naman ni Pedro. Cute pero medyo kadiri nga lang. Nasan nakaya si---

“Hey! Sorry i'm late. Ah, Mia. Ito oh, dahilan kungbakit ako nalate.” Sabi niya then inabot niya yung regalo sa kin.

“Tha-thank you.” Wow ah.nag-abala pa siya.

“Ang aga mo naman magbigay ng gift.” Sabi ni epal na Loraine.

“Tara na guys.” Yaya ko sa kanila.

                Nauna pumasok sila Loraine at Ysa syempre kasama ang mga crush nila. Huling pumasok si Drake na katabi ko kasi yun na lang din ang bakanteng upuan. Habang nasa biyahe kami wala masyadong maingay kasi maaga din silang nagising kaya nagsitulog muna.

“Mia.” Tawag sakin ni Drake.

“Hmm?”

“Bakit ka umiyak nung isang araw?”

“Napuhing nga lang ako.”

“Di ako naniniwala.”

“Edi wag.”

“You know what, I like the way you smile and I like the way you are.” Ito na naman po siya. Ayoko na.

“Talaga?”

“Sincere ako, makinig ka naman.”

“Nakikinig ako! Ang ayoko lang ang marinig pa ang mga linya mong lalong nagpapahulog sakin papunta sa'yo. Yan ang hirap sayo e, di mo na nga napapansin ang pagtingin ko sa'yo tapos hinihila mo pa ako sayo na kahit kailan di mo naman ako sasaluhin.” Akala ko pasigaw kong masasabi yun. Buti nalang si kuyang driver lang nakarinig.

“How I wish na ipagtapat sayo ang nararamdaman ko. Pero dakilang torpe ako e.”

“Ewan ko sayo.”

“Mia, gusto kita hindi bilang kaibigan kundi bilang taong nagmamahal at humahanga.”

“....”

“Mia, gustokitang ligawan. Papayagan mo ba ako?”

“..”

“Mia naman ,kung di mo ako papayagan magsalita ka.”

“Guys, nandito na tayo!” sigaw ko. Napakamot na lang ng ulo si Drake.

                Kanya kanyang business ang ginawa nila. Nagprepare ng pagkain si Loraine at Ysa, yung mga lalaki naman dumiretso sa cottage para ayusin ang mga gamit na dala namin. Pero itong si Jejeca at Pedro ay landian ng landian. Sinusubuan pa ni Jejeca si Pedro. Eew talaga. At ako pumunta lang sa may harap kung saan merong mini stage. Maya-maya lang nagligo na sila bandang 3:00 ng hapon umahon na sila para kumain then lahat kami nandun sa gitna kung saan nandun na yung mini stage.

“Hi everyone! Today is the happiest day of my life. This is the first time I celebrated my birthday without my family with me. I felt that I was totally freed from them. Anyway, I would like thank you all for coming to my party.” Speech ko yan ah.

“Sino pong gustong magbigay ng message sa bestie ko?” sabi ni Loraine.

“Ako!” sigaw ni Darren.

“O sige.” Sabi ni Loraine sabay abot ng mic dito.

“Ah Mia. Una sa lahat hindi mo naman talaga ako ininvite, si Loraine talaga nag-invite sa kin. Di pa kita masyadong kilala pero I do like the way you are. Just stay the same.”

“Thank you.” Sabi ko

                Then lahat sila nagbigay ng message except kay Drake :(

“Ako din gusto kong magbigay ng message, isa lang naman ang sasabihin ko e at isa lang naman din ang itatanong ko. Mia mahal kita, pwede bang manligaw?” so yun yung message niya?

“Uy Mia! Ayiee nililigawan siya ng Prince charming niya.” Pang-aasar ni Loraine

“Oo nga, kung ako yan sasagutin ko na.” sabi naman ni Ysa

“Oo nga te, para may lovelife ka na rin. Hihi.” Sabi naman ni Pedro

“O sige na. sinasagot na kita.”

“YES! Sinagit niya na ako!” sigaw ni Drake habang tumatalon.

Imagine yourself with your crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon