Mia's tears

39 1 2
                                    

Ysa's POV

                Ang sama yata ng bagsak ko, nagka-sprain kasi ako sa binti ko kaya hindi ko maigalaw ng maayos. Pero enebe, kahit masakit ay sulit naman dahil kasama ko ngayon sa kwarto ang nilalang na matagal ko ng pinapangarap. Ang cute niya talaga, tapos lalo pang naging cute ngayong natutulog. Hihi.

“Oh, gising kana pala?” tanong niya sabay punas ng mata niya. Isasagot ko sana ay ‘hindi pa, tulog pa ako. Picture ko lang tong nasa harap mo e’ pasalamat siya hindi siya si Pedro.

“Ah, oo. Kanina pa nga ako gising e.”

“Ganun ba? Ano gusto mong kainin?” tanong niya.

“Ay bakla, anyare sa'yo? May masakit ba?” pasok ni Pedro na siya namang ikinagulat ko.

“Hilig mo talagang manggulat no?” sabi ko habang tinitignan siya ng ANONG-GINAGAWA-MO-DITO-LOOK.

“Ay, sorry. Moment mo pala 'to. Sige punta na lang ph0wsxz 4kish k4y J3j3c4” Haha, mana na kay Jejeca yun ah. Sila na siguro non.

Mia's POV

“Yes, may naisip na ako!” sigaw ko.

“Ano ba te! Kakaloka to, bigla biglang nasigaw. Masisira ang beautiful ears ko.” As usual sino pa ba magsasabi ng ganyan, si Pedro lang naman di ba?

“Ano naman naisip mo?” tanong ni Ysa.

“Ahm, tungkol ba yan sa gagawin natin sa birthday mo?” tanong naman ng napakatalinong Loraine.

“Galing mo talaga girl!” sabi ko then high 5.

“Ay nabulunan si Loraine! Tubig tubig.” Sabi ni Ysa.

“Matalino nga, may pagkatanga naman.” Bulong ko.

“Ehem, ehem. May sinasabi ka ba Mia?” tanong ni bonjing Loraine.

“Hihi, wala ah. Wala akong sinasabi. Imagination mo lang.” palusot pako, e huli na.

“Sus, narinig kita te.” Epal talaga tong si Pedro.

“So? Mamatay na nagtanong.”  :P

“K. Fine.”

“Uy, wait lang ah.” Paalam ko.

“bakit? San ka pupunta?” tanong nila.

“Kay Drake lang.” sabi ko sabay takbo.

“Drake!”

“Po?”maka-po naman to, matanda na ko?

“ahm, gusto kasi kitang iinvite sa birthday ko. Swimming party sa Laguna.”

“Wow! Happy birthday ah.”

“Thanks, kung gusto mo magsama okay lang. The more the merrier.”

“hindi na ako magsasama, mangungulit lang yung mga yun e.”

“Ganun ba? Sige sa sabado yun ah, meeting place natin dito sa school.”

“Okay po! Haha, sige ingat ka ah. Sabi nila pag malapit na mag birthday nagkakasakit. Alagaan mo sarili mo ah, magiging tayo pa.” OMG O_O. ano daw magiging kami?

“Ah, hehe. Anong tayo?”

“Ah, I mean magiging tayo, tayo mag ka-partner sa JS Prom. Wala namang papayag sakin na iba kundi kaibigan ko lang di ba?”

“Ah, oo. Oo nga naman. Sige alis na ko, baka kasi hinahanap na nila ako e." sabi ko sabay talikod sa kanya na siyang pagpatak ng luha ko. Crush pa ba tong nararamdaman ko? Parang hindi na.

“Tinatawag kita e.” sabi ni Drake habang pinupunasan ang luha ko.

“Sorry, di ko narinig.” Sabi ko habang nakayuko.

“Look Mia. Bakit ka umiiyak.”

“Ako naiyak? Hindi ah. Napuhing lang naman ako e.”

“ Napaka common na niyang palusot na yan.”

 “Wait lang talaga ah.” Pagkabitaw niya sa braso ko, tumakbo na ako palayo. The fudge, ano ba tong nangyayari sakin.Sobrang bigat sa pakiramdam nung sinabi niya, siya naman kasi e, pa fall siya.

Imagine yourself with your crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon